"P-papaano mo naman nalamang si Alejo Fontagio si Angelo Lee? Tsaka ang gusto mo bang iparating sa amin na si Angelo Lee at...at Angelie ay iisa? Bakit naman yata magkakagano'n?" The guard interrupted.
Henry composed himself still and answered his question in a fluent manner, "Alejo Fontagio is a certain name of a businessman who is very much alike to someone or let's consider, his son which is Angelo Lee. If one would create a bank account, of course he must have a legit identification to begin with. The primary necessity to settle an account is to have an ID.
"Maybe Angelo Lee used the ID of his father and with short manipulation to Angelo's face, nagaya niya ang hitsura ng kanyang ama then he went to the bank and created an account kung saan ay inirepresenta niya ang sarili bilang si Alejo Fontagio. In that sense, he successed on creating this account while remaining anonymous, where he gives checks to certain someone and this certain someone is Stefen Cuano who encashes this check- out of life's desperation. Before tayong pumunta sa kung papaanong si Angelo at Angelie ay iisa, magdahan-dahan muna tayo sa detalye ng misteryosong pagkakabuo ng 'York Cuisine Restaurant' for all you-"
"Tama ka. This restaurant is not mine. Ako na ang magsasabi ng lahat. Hindi ko 'to pinaghirapan. Ang lahat ng nakikita niyo rito ay hindi akin." Stefen's low halting voice made us pity his current state.
"Ano'ng sinasabi mo, 'Tay?" his daughter is quite confused and at the same time, I could see it in her eyes that she wanted time to be stopped.
Mr. Manager or Stefen halted her from speaking any more, "Limang taon akong naging OFW sa New York. Pagkatapos ng mahigit kumulang limang taon na 'yon, bumalik ako ng Pinas. Gusto ko sanang mabigyan ng magandang buhay ang pamilya ko dahil isang kahig, isang tuka lang kami kaya kahit labag sa loob ng asawa't anak ko, umalis ako at nagbakasakaling mabigyan sila ng magandang buhay. Ah," he grinned, "Mali pala ako. Hindi ako naging OFW doon. Simula nang mapadpad ako sa New York sa pag-aakalang makakakuha ako ng magandang trabaho, naging pulubi ako. Heh. Sinabi ko sa asawa ko ang nangyari. Hayun, nagdesisyon siyang iwan ko pero..."
He closed his eyes and maybe reminisced what could his memory remember, "Sa pamamalimos ko sa kalsada ng New York, isang estranghero ang naghulog ng sobre sa harap ko. Sa pag-aakala kong malaking pera ang laman no'n, agad ko 'yong binuksan at hayun, mayro'n ngang laman na pera pero ang higit na nakapagtataka, may sulat na kasama ang pera na 'yun. Nang buksan ko, nakapangalan sa akin ang sulat. Kung naaalala ko, isang buwan 'yun bago ako umalis at bumalik ng Pinas.
"Ang sabi sa sulat, madaragdagan pa raw ang pera ko kung susundin ko ang habilin na nandun. Pagkatapos ng isang buwan, kailangan kong umuwi ng Pilipinas. Tamang-tama, sabi ko, dahil limang taon lang ang palugit ko. Ang sabi pa rito ay gagastusin daw nito ang lahat para sa pag-uwi ko. Pagdating ko ng Pinas, kailangang dumiretso ako kaagad ng Maynila at pumunta sa isang naka-address na lugar kung saan ay mayroong magbabagong bukas na restaurant.
"Nakakagulat na ang restaurant na 'yon ayon sa sulat ay kailangan kong pamahalaan. Inihabilin pa nito na isang linggo pagkatapos ng pag-uwi ko at pagdating ko sa restaurant ay kailangang mag-recruit ako ng apat katao bilang empleyado at sa araw ding iyon ay bubuksan ko ang restaurant. Tanggapin ko dapat kaagad ang kung sinong interesado sa bawat posisyon: isang waitress, waiter, guwardiya at flyer girl. Ang restaurant na ipinamahala sa akin ay kakaiba kasi kailangan kong buksan ang restaurant ng alas-diyes ng gabi at kailangan kong magsara ng alas-singko.
"Mahigpit pa na sinasabi sa sulat na kapag hindi ako sumunod, may mangyayaring masama sa akin at sa pamilya ko. Bukod sa nangangailangan ako at ayaw ng gulo, sinunod ko kung ano 'yung nasa sulat. Hindi naman masama ang gagawin kong pamamahala sa restaurant at maging tagaluto nito. Lahat ng nasa restaurant, nasusuplayan araw-araw nang hindi ko nalalaman kung saan nanggagaling ang mga suplay ng ingredients o equipments kung kailangan man.
ESTÁS LEYENDO
Serial Codes
Misterio / SuspensoWeird Cases. Bloody Murders. Serial Killers. *** Copyright © 2017 by sherlockholmes16 ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted by any means, electronic or mechanical, including photocopying and recording without pe...
The Butcher Code: Floating Sail of Voyage
Comenzar desde el principio
