CHAPTER 13: MAFIA DAY PT. 2

236 11 0
                                    


CHAPTER 13: MAFIA DAY PT. 2

"Backhoe"

"Backhoe"

"Backhoe"

Napakamot ako sa kalokohan ni Harung lintek na yan. Padarag naman na ibinaba muna ni Aygu at si Cosmo naman ay kalmadong inihinto muna.

"Wag kang magcchant mas lalo akong mapapagod nyan" Aygu frustratingly said.

"Shoyo" bigla naman natigilan si Haru at hinampas pa ng mahina si Uno.

"Yes" pakanta niyang sabi. Naku itong Haru na toh. Kasalanan niya kapag itong bangka namin lumubog kapag napuno na yan ng sama ng loob.

"Humarap ka sakin" humarap naman siya kay Uno sakto ay winisikan niya ito ng sea water.

"Ahhhh my eyes is burning" mangiyak iyak na sabi niya.

"Burn it down" nagpigil naman ako ng tawa. Kahit hindi naman katawa tawa eh nakakatawa. Pati si Aygu naririnig ko ang hagikhik niya.

"Ansama niya kapag ako talaga, maraming fish na nakuha who you kayo saken" umirap naman kami.

"Wala kang materyales kaya shattap ka nalang" ganti ni Aygu.

"Pwede ko naman kamayin eh malay mo buntot ng serena makukuha ko" excited ng sabi niya kaya pasimple kong kinurot.

"Sakit niyo talaga sa ulo literal" ngumuso sila ni Aygu at Haru while I can't see Uno's expression. Nakaharap ako sa side kase kaya kita ko sila both except Uno.

"Di naman" ngumuso si Haru.

"Anung masakit sa ulo namin, masarap raw" napabuga ako sa hangin.

"HMm, bat ko pa kase kayo nakagroupings, naiistress ako sa inyo" tumawa lang ang dalawa.

"Stop now" tumahimik naman kami.

Kumalam naman ang sikmura namin. Hutik di ko pwede ilabas ang mga mini chips ko dahil tiyak tumalsik ito sa dagat. Pagaagawan lang nila huhu.

"Mangisda tayo" buti hindi na mainit init at natakpan ito ng mga ulap.

"Lalangoy ako sa dagat para manghuli" si Haru nagpresinta.

"Sige iwan ka namin" Uno boredly said.

"Ansama niyo talaga saken" nagpout siya.

"Eww so you will eat the fish raw, mangingisda ka na nga tas wala ka naman pwedeng ipangluto sa isda, plus di pa nalilinisan" napailing iling si Aygu.

"Epal, kapag may naligaw na junkfoods, who you kayo saken" napasampal nalang ako sa noo.

Ilang oras at tiyak malapit ng lumisan ang araw. May nakita na kaming isla at may mga ilaw na nandun. May nakarating naren na una.

Hays so we don't have the benefits. Pano naman kase kung bakit ang tagal namin. Hihinto sila upang magbangayan di pa nauubusan ng laway mga toh hays.

"Wahhh we are in land naa" tas ihiniga na ni Haru sa buhangin.

"WE WILL WAIT FOR THE OTHERS, WE HAVE 12 STUDENTS THAT ARE STILL NOT HERE" humiga naren muna ako at uminom sa aking tumbler.

"GREETINGS I'M HALO!!" naglipad lipad na naman si Halo sa ere, may ilaw na rin sa screen niya. Alas sais na kasi ng hapon eh kaya ganyan na magdidilim na.

"The winners are~~"

"Shua Hong, Crixa Estelles, Whail Gonzales and Card Villamor" pinalakpakan namin sila.

"Sila ay exempted sa unang aktibidad" edi waw~

"So familias, the benefits are food and shelter, meaning may tent sila and boodle fight" agad naman kaming naglalaway lahat ng maamoy namin yun.

Sicilian University: Home of Mafias Where stories live. Discover now