CHAPTER 5: ALAS

434 12 0
                                    




CHAPTER 5: ALAS

Eto ba talaga ang uniporme ng S.U ang simple pero powerful at bet na tignan. I'm wearing a colorblock polo shirt that has a dark blue, grey and light blue color. Sa kanang dibdib ko ay nandun ang seal ng S.U. tas isang black boyfriend jeans paired with a white pair of nike shoes.

Yung dala kong accessories ngayon ay ang isang scrunchie sa left hand ko at isang rolex watch sa right ko. Tinago ko muna yung glasses ko kapag nakaupo ako sa malayo sa classroom.

To complete it all inayos ko na yung tablet ko sa loob ng jansport backpack ko, glasses, alcohol, my wallet na nandun yung card ko sa loob, a hankie at hindi mawawala yan sa mga babae, sanitary napkin.

Girls scout ako kaya laging handa kumare ninyo. Natigil nga ako ng makitang kumaway si Miyu saken putek my lalabs ko putek wag kang pahalata.

"Nagorder ako ng breakfast naten, eggdrop! and ice coffee" agad naman naglaway ang self at mabilis na pumunta sa table.

"Anong first subject mo Cal" napaisip ako.

"English" I boredly said.

"Aww, Math is my first subject, kung dudugo ka ilong sa english ako sa utak hahaha" I chuckled lightly. Naging light ako dahil kay Miyu. Wala kase akong naging kaibigang babae si Reel lang naging kaibigan ko.

"It's okay, sabay tayo maglunch" mabilis siya tumango at excited na kumain. Grabe tong si Miyu nakakahawa siya.

"May motorbikes tayo dito at sportscar. Pumili ka nalang kung ano ang vehicle mo. Pwede ren sa bus nalang tayo! Makakahabol pa tayo sa unang sched niya" ngumiti ako.

"Sure, sa bus nalang tayo para tipid sa gas" we never ran dahil mapapagod lang kami at mahhagard at nagmumukhang sabog na manok kapag nakarating na kami dun.

"A van tas you called it a bus" I asked in confusion.

"Para siyang bus you will know sa loob kase" tas hinila na ako. Namangha naman ang mga mata ko habang naglilibot ng tingin. Single sit ang lahat at may tv rin sa gitna. Pangsampu lang siguro na tao ito.

"See you later Cal" ngumuso ako ng palihin dahil mawawalay siya saken. Ano ba yan char.

Pumasok ako sa unang subject ko at nilamig dahil sa aircon. Antartica ata itong napuntahan ko.

The desk of the students are single very modern siya. Tas may whiteboard then may smart flat screen sa left side ng room. Nasa 15 na katao lang nandito kaya pumwesto ako sa malapit sa bintana kung saan kitang kita ang school grounds ng S.U

"Hello!!" napaigtad ako ng palihim dahil may sumulpot sa tabi ko.

"I'm Tiara Crem Xiazon, level 2 BB support in medics and you are" nakangiti niyang sabi.

"Cal" pagod kong sabi. Nakakatamad kayang magsalita. Kaya walang nagtyaga sakin dahil naumay naren sila kakausap saken.

"Anong Casa mo" tas umupo siya sa desk sa tabi ko.

"Casa MM, level 1 assasin" namangha naman siya.

"What weapons do you use often then" interview niya.

"Bow and Arrows then Katana" I don't even know how I handled my eyesight dahil mahina but I used contact lenses that is a tech gadget na pwedeng kumuha ng litrato just by blinking, turning it on n off while you closed your eyes for long then pwedeng mastrengthen ang eyesight mo sa ano mang raidus or meters na gusto mo. Yung tech gadget ay naabsorb sa brain mo kaya nagrrespond siya kapag may naisip ka about sa tech gadget.

"Awesome!!" tumigil lang siya ng dumating na ang prof, same goes sa mga morning subjects ko then lunch came agad akong naexcite ng mabangga ako ng sino. I ignored that someone at deretsong pumunta sa cafeteria.

"Palaban ka, di mo alam na ang nabangga mo ay nasa ranggo at senior pa" may tumigil para makichismis sa iskandalo namin sa senior na nabangga ko.

"I don't care, if it offended you sorry" I use my coldest voice to intimidate that person then continue walking papunta sa cafeteria. I spotted Miyu at kumaway siya saken. Umupo ako sa harap niya.

"May umorder na ng pagkain natin, he's my friend actually" namula ang mukha niya pero kumunot ng noo ko.

"Hello Greetings!" I showed a confuse faced on who he is.

"My name is Ahian Hoji Crimson! level 3 BB Hacker" ngumisi siya at kumindat saken ngunit hindi siya tumalab dahil wala lang ano siya gold?

"Kaya naging friend ko siya dahil kateammate ko siya" I gave them a blank expression at tumawa sila.

"Teams or group na binubuo sa pitong myembro, depende kung ano yung diskarte mo para maging malakas ang team mo" ani Miyu.

"May ginagawa kaseng event monthly sa ranks, team and individually. Level 3 na ako pero diko matalo talo yung mga nasa ranggo dahil malakas sila. Ranggo ng FM MM at BB separate ranggos pero yung naghalo halo sila" ani Ahian.

"Abangan mo nalang kung may nagrecruit sayo para punuin ang natitirang bakanteng pwesto nila. And sakto ka! may monthly rank up tayo ngayon hihihi. I won't be easy on you friend" kumindat siya saken. I won't be easy on you either Miyu kahit nabbaliko na ako sayo I'll make sure to earn my place here.

Pagkatapos ng klase ay nagiingayan na dito sa classroom and also kaklase ko ulit si Tiara at isang unfamiliar na lalake na kasama niya. Nagkibit balikat ako at inayos na ang gamit ko.

"Sasali ka ba mamaya" tanong ni Tiara. Naging alerto rin ang lalakeng katabi niya at nakinig ng tahimik.

"Maybe" tas isinuklit ko ulit ng backpack ko saken. Tahimik akong umalis at nagiisip ng disguise mamaya. Aba'y ano sila diamond para makita ako no way. Pahirapan makita ang mukha kong palaban.

Kinuyom ko ang kamao ko habang nakaharap sa nakabukas kong cabinet. I also double secure na walang nagsspy saken.

Mas mataas ang ranggo, mas marami akong malalaman tungkol sa unibersidad nito. Gusto ko maging angat at makapangyarihan.

Gamit ang pangalang Codex, I'm sure I read the manuals. Sa monthly rankings may codenames kang pwede mong ihatol sa sarili mo, pwede reng itago ang identidad. Lahat naman ata pa playsafe pero kapag matapos pwede mong ibunyag ang level mo at ranking pero never yung identidad mo.

Ranking will be posted privately at si Halo magiging host amp yung punyitang robot na yun grr diko alam pero may sama ng loob ako jan.

Ranking sa team naman, kapag sasali ka na sa isang team or narecruit ka na pwede mong ibunyag ang rango at identidad mo pero ang nasa grupo ay manatili lamang at walang kating ting na lumabas. Or else you will be slayed and punish severly.

Fun fact, ngumisi ako at umupo sa sahig. Mafias likes to make their prey suffered first and to be playful bago nila tapusin ang kalaban. It would be boring kapag pinatay mo agad. Maghihirap muna sila bago mawalan ng hinga. Lahat sakanila laro at kelangan maging maingat lalo na kapag ikaw ay talo ikaw ay tatawanan at walang kaawang awa paglaruan.

I speak like I'm one of them already psh, I grab the black bodysuit medyo style siya sa mga taekwando players but more bet na bet na tignan. I grab the black scarf with a symbol of a gold cat and made it into a mask. I also wear my contact lenses na tech gadget. This will be reliable, medyo nagglow siya kapag ginagamit ko and kulay gold ang lenses niya. I stared deadly to my posture sa body mirror.

A smile crept into me behind the mask.

Alas, ako ang magiging ace dito sa S.U

Sicilian University: Home of Mafias Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon