OLL #17

10.4K 182 2
                                    

Talagang sangkatutak na sigaw at mura ang narinig ko sa bunganga ng tatay ko. Alam na nila lahat lahat pati ang tungkol kay Gael. Gusto pa nga nila na puntahan si Gael pero pinigilan ko sila. Dahil alam ko na ikakasal na si Gael lalo na sa ibang babae pa kaya nsasaktan pa din ako.

Ilang buwan na din ang nakakaraan.Napag-alam ko na butis pala ako. Alam na din nila tatay pero hindi ko pa masabi -sabi kung sino ang ama.

"Anak, okey ka lang ba?" Si Mama, pinahid ko muna ang mga mata ko na puno ng luha bago ako humarap sa kanya.

"Oo naman Ma. Okey lang po ako. Mas malakas pa po ako sa kalabaw."

"Hindi 'yun ang ibig kong sabihin anak. Alam ko anak mahal mo pa din si Gael. Hindi mo yan matatago sa akin. Nanay mo ako, kung anong nararamdaman mo ramdam ko din. Nagpapasalamat ako sa'yo anak at pinahaba mo ang buhay ko. Hindi man sa tamang paraan pero nagpapasalamat pa din ako na ginawa mo ang lahat. Hindi ko pa naman nakikita yang Gael na yan alam ko siyang dahilan kung bakit ka nakakapag-isip ng mature ngayon at alam na ang tama sa mali. Kaya kahit hindi ko pa siya nakikita nagpapasalamat pa din ako sa kanya." Naiyak ako sa sinabi ni nanay. Hindi man perpekto ang lahat ang bagay ngayon alam ko isang araw magiging masaya din ang lahat.

---------------------

*kinabukasan*

Kailangan kong magpa-check up mejo umuumbok na ang baby ko kaya kailangan na para i-pa check siya.

Naglalakad akong lutang. Iniisip ko pa din si Gael at si baby. Hindi na nila makikilalaang isa't isa dahil ikakasal na si Gael. Nabasa ko sin yub sa newspaper na ikakasal na si Gael sa isang babae na hindi pa makilala dahil hindi pa nagpropose si Gael sa babae na 'yun. Panigurado naman na si Amanda 'yun kaya dapat maaga pa lang wag na akong unasa kay Gael.

"Hi Maria. Lutang ka nanaman baka masagasaan ka naman ng muntikan niyan. In case na hindi mo na ako natatandaan ako si Francis ung sumagip sa'yo nun nang muntik ka nang masagasaan ka sana ng sasakyan nun. Bigla ka na lang kasing hinila ng lalaki na 'yun hindi tuloy tayo nagkakilala ng maigi." sabay kamot sa ulo na kala mo teenager na nakita ang crush.

"Ah ikaw pala Francis. Kamusta ka na?"

"Okey naman. Ikaw?"

"Eto papunta sana sa doctor papa-check up ko ung baby ko. Ikaw saan ka pupunta?"

"Ah jan-jan lang sana papahangin pero kung okey lang sama ako sa'yo okey lang ba?"

"Ah sige. Tara"

.
.
.
.
.
Naka-usap na namin yung doctor. Malakas daw ang kapit ng baby yun nga lang hindi ko pa malaman ung gender kasi daw masyado pang maaga kaya tiis-tiis muna ako bago ko malaman ang pangalan ng bata.

"Ah Fancis uwi na ako. Baka hinahanap na ako nila mama ah?"

"Hatid na kita." Pag-pupumilit ni Francis kahit na sabihin ko na wag na.

Pagdating namin sa bahay nakita namin na may nakaparada na napaka-gara ng sasakyan ng tignan ko yung plate number doon na ako nilamig si Gael ang may ari noon hindi ako pwedeng magkamali.

Nang pumasok kami mi Francis sa bahay. Naabutan naman namin doon si Gael na pawisan at nagbubuhat ng timba na may lamang tubig siguro inumin namin 'yun galing sa poso.

"Anong ginagawa mo dito?!" Pagalit na tanong ko sa kanya.

"Pinuntahan ka. Obvious ba?" Pabalik na tanong naman ni Gael. Parang siya ang galit sa mga nangyayari sa amin ngayon.

"Sino yang kasama mo? Nanlalalaki ka ba?" Dugtong na tanong ni Gael. Pinanlakihan ko na lang siya ng mata para tumigil. Hihinga na sana ako ng maluwag pero nagsalita pa tong katabi ko.

"Francis nga pala, future boyfriend turned to husband ni Maria sa future." Matapang na sabi ni Francis napatampal na lang ako ng noo. Siguradong sasakit ang ulo ko sa kanila.

One Lust Love <COMPLETED>Where stories live. Discover now