OLL #12

11.8K 217 3
                                    

Walang ka-alam alam si Maria kung anong pinasok niya at kung pano siya napa-oo ng ganun na lang bigla. Siguro ginusto naman niya. Kaya okey na din atsaka 50,000 din yun mahirap kumita ng ganung pera. Andito ako sa gate at kaka-doorbell ko pa lang.

"Wow high tec" bigla na lang kasing nagbukas ang gate nadaan ko din ang mga iba't ibang sports car na kinahiligan ng kapatid ko. Sinundan ko nalang yung maid.

"Good Morning Maria. Kamusta ang byahe mo?" Sabay yakap sa akin galing sa likod ko at siksik sa leeg ko habang inaamoy ito. Ewan ko ba masarap sa pakiramdam pero hindi tama eh kaya itutulak ko na sana siya nang magsalita ang kapatid nito.

"One rule Maria. You'll pretend to be my brother's wife para hindi na kayo magkailangan. Also sa harap din ng mga tao. Kilala mo naman siguro ang kapatid ko physically and also kilala siya sa buong bansa kaya please don't do neccessary things na makakasira sa pangalan niya."

Magsasalita na sana ako pero naunahan na ako ni Gael.

"Nagdinner ka na ba? Baka nagugutom ka na. Let's eat. Come." Pinaghila ako ng upuan ni Gael at umupo na din siya sa tapat ng inuupuan ko.

"Please Maria Mercedes wag ka nang mailang sa akin. by the way ano bang itatawag ko sa'yo? Is it Maria or Mercedes ba?"

"Maria na lang."

"Nga pala nasabi ko na din sa manager mo na mag-reresign ka na sa trabaho mo doon sa club na pagsasayaw." Papasubo pa lang sana ako ng pagkain pero napatingin ako sa kanya.

"Teka bakit mo 'yun ginawa? Wala na akong babalikan na trabaho? Pano na ang pamilya ko niya?"

"Wag mo nang isipin yun. Ako nang bahala sa lahat. Basta dito ka lang sa tabi ko, ang maging asawa ko."

"Whats up People!?" Si Anito? Antonio? ata 'yun.

"Hi Anton, Ate is on her room pumunta ka na lang dun Pare, naiistorbo mo pa kami ng Misis ko."

"Pare , what did I just heard? You call her your wife?"

"Oo bakit may problema ba?"

"Wala naman. I never think na magiging ganyan ka after finding your fate" Sabi ni Anton sabay tingin sa akin at wink.

"Well the day I met her lips to mine. That night I know she's the one for me. Hindi ko lang masabi kay Ate kasi baka magalit 'yun alam mo naman diba?"

"A-ah ako ba ang pinag-uusapan niyo? Kung ako, Wala kasi akong maintindihan eh." Matapang na sabi ko. Kailangan ko kasing maging matapat dahil baka mahulog ako sa lalaki na to ng wala sa oras.

"hahahaha" Si Anton at gael yan sabay pang tumawa. Ano naman kayang nakakatawa?

"Hindi ikaw yun let's just eat."

One Lust Love <COMPLETED>Where stories live. Discover now