OLL #16

10.6K 173 2
                                    

Magana akong kuma-kain dito sa kitchen at mag-isa ko pa kaya parang napaka-lonely ko. Aayain ko na lang kaya si manang.

"Mabuti pa siguro." Sabay tango. Naparang may kausap ako kahit saeili ko lang naman talaga ang kausap ko.

Napadaan ako sa may terrace. Hindi ko naman sinsandjan na madinig ang pinag uusapan nila. Hindi na dapat ako makinig pero may nagtutulak sa akin. Dakilang tsismosa din kasi ako kung minsan.

"Ate, bakit ngayon pa nangyari to? kung kailan malapit na. Alam mo yan. Okey na ang buhay ko nang mawala si Amanda tapos ngayon babalik-balik siya na parang walang nangyari? at ipapa-ako sa akin yang anak niya?"

"Gael, talk to her first baka mag-work out and for the child anak mo yun Kaya siya dapat ang pakasalan mo. Si Amanda dapat."

Napatingin sa gawi ko ang Ate niya at tinignan ako with her cold eyes.

"Kaya dapat siya ang pakasalan mo. Si Amanda dapat."

"Kaya dapat siya ang pakasalan mo. Si Amanda dapat."

"Kaya dapat siya ang pakasalan mo. Si Amanda dapat."

"Kaya dapat siya ang pakasalan mo. Si Amanda dapat."

Ilang ulit na nageecho yan sa utak ko. Ang nagawa ko na lang ay umiyak. Hindi ko na din naituloy ang pag-kain ko sa sobrang sakit ng mga narinig ko.

"Eeek" Nagsusuka ako ewan ko ba kung bakit ganito. Ngayon lang ako to naramdaman kaya binaliwala ko na lang.

Ngayon pa lang hindi na niya masabi sa akin na mahal niya ako ano pa ngayon na may anak pala siya sa Amanda na yun. Sigurado ako magpapakasal na sila at itchapwera na lang ako dito. Kailangan ko na talagang umalis pero ayaw ng puso ko. Aantayin ko muna si Gael bago ako umalis.

Nakatalikod ako sa pintuan at nakaharap sa bintana ng may kumatok at linabas noon ay si Gael.

"Kamusta Maria, nakain mo ba lahat ng nilagay ko sa plato mo?" Masayang sabi ni Gael.

Hindi ko mapigilang hindi umiyak na tahimik hanggang sa maging hagulgol na yun.

"Ayaw ko na Gael, gusto ko nang umuwi sa amin. Ayaw na kitang makita!" Pasigaw na sabi ko. Inakap ako ni Gael pero nagpumiglas ako. Kanina pa naman naka-empake ang mga gamit ko. Bubuhatin ko na lang para mabilisan.

"Maria wag mong sabihin yan. Please"

"kailangan ko nang umalis." Sabay hugot sa mga gamit ko. Kailangan ko nang umalis. Binuhat ko ang mga gamit ko at onti-onting bumababa ng hagdan. Naka-sunod sa akin si Gael habang paulit-ulit ang katagang...

"I Love You. Please don't leave me."

"I Love You. Please don't leave me."

"I Love You. Please don't leave me."

Nang nasa labas na ako hindi ko na napigilan na ilabas ang hinanakit ko.

"Ilang beses kong sinabi na mahal kita pero bakit ngayon pa na may anak ka na para sa akin Gael pakasalan mo na lang si Amanda para sa bata. Ayaw kong may bata na magiging bastarda dahil lang sa akin and please wag mong sabihin na mahal mo ako dahil hindi naman talaga sinasabi mo lang yan kasi iiwanan na kita! Paalam na Gael sana eto na ang huli nating pagkikita."

Buti na lang may dumaan na taxi at pinara ko nang nakasakay na ako. Kinakatok pa din ni Gael ng kinatok nang umandar ng mabilis ang sasakyan nakita ko siya hinahabol niya pa din ang taxi na sinasakyan ko. Doon na ako umiyak ng todo dahil sa sobrang sa sakit na nararamadaman ko ngayon.

Hindi ko alam kung saan na ako pupunta pero isa lang ang mapupuntahan ko ngayon. Yun ay ang pamilya ko siguro panahon na para malaman nilang ang totoo.

One Lust Love <COMPLETED>Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin