Chapter 15: Video

3.2K 110 3
                                    

Slopia's POV

Dito kami matutulog sa dati kong bahay.

"Hi yaya Linda" sabi ko habang tumatakbo papalapit

"Apo" sabi ni yaya Linda, akala ko yayakapin niya ako pero bigla niya akong siniko.

"Arayy!!! Huhuhu!! Yaya Linda naman eh"

"Tignan mo nga yang tuhod mo! Hay nako ang ligalig mo talagang bata ka kahit kailan!" Sabi ni yaya Linda

"Sorry na po yaya Linda, ipagluluto nalang po kita" nakangiti kong sabi.

"Hay nako sige, pero nagluto na ako kanina"

"Manang Linda" sabi ni Kuya Tom at nakipagbeso kay yaya Linda. Sa lahat ng yaya namin si yaya Linda ang pinaka matanda at ang pinakamatagal ng katulong ng pamilya namin. Kaya sinabihan kami nila mommy na dapat malaki ang respeto namin kay yaya Linda.

"Hoy Pia sumunod ka sakin, ikaw din third" sabi ni ate Mira third kase pangatlong anak si kuya Tom.

"Okay po" sabi namin ni kuya Tom at sumunod kami kay ate Mira

"Inumin mo to Tommy"

"Okay po ate" kinuha ni kuya yung gamot ag ininom ito agad.

"At ikaw babae ka! Ilang beses na kitang sinabihan ma mag ingat ka hayssss"

"Sorry po"

"Nakooo!! May sakit kana ng--" napatigil si ate Mira.

"Ate Mira, anong sakit?" Confused na tanong ni kuya Tom kay ate Mira. Nakoo ate Mira bakit nadulas kaaaaa!!!!!

"Sakit? Ahh ano sakit sa utak, tama tama. Baliw kase yang bata na yan eh, dadalhin ko na dapat sa mental" sabi ni ate Mira habang tumatawa ng pang kinakabahan.

"Hehehe tama tama!!!"

"Right? Anyway thankyou ate Mira sa gamot babalik na po ako sa kwarto ko"

"Sige sige wala yun, sige na dun kana sa may guest room byeeee" tinulak tulak ni ate Mira si kuya Tom hanggang sa makalabas siya.

"Kinabahan ako dun"

"Ako nga din po" sabi ko at bumuntong hininga.

"Pia ingatan mo yung sarili mo ah, alam mo namang may sugat kana dinadagdagan mo pa"

"Sorry po ate Mira gusto ko lang pong dalhan ng gamot si kuya Tom" lumapit sakin si ate Mira at sinimulang gamutin yung sugat ko sa paa

"Nakuha naman niya?"

"Hindi po"

"Huh bakit?"

"Kinuha po kase ni Jessica--ahhh! Ate Mira naman easy lang" bigla kaseng diniinan ni ate Mira yung bulak na may alcohol sa tuhod ko.

"Sorry kumukulo lang talaga yung dugo ko pag naririnig ko pangalan ng babaitang yun!"

"Hehehe, ate Mira mah pampahid ka pa po ba jan? Kase po gusto ko ng mawala yung mga sugat ko"

"Meron naman, kaso sure ka bang di mo sasabihin sa mama mo yan ? Para mapaplastic surgery na yan dahil di na talaga matatangal yan, matangal man yan mga 5 or 10 years pa at dapat may kasamang pinupunas" hinubad ko yung t-shirt ko at niluwa nun ang punong puno ng mga kalmot at bakat sa katawan ko. Naalala ko nanaman tuloy yung dati tapos may tumulong luha sa mata ko.

"Umiiyak ka nanaman Pia, sige ka yung puso mo!"

"Sorry, di ko lang mapigilan." Nagpahid na ako sa katawan ko at binalik ko uli yung tshirt ko.

MY 7 STEP BROTHERS [COMPLETE]Where stories live. Discover now