Chapter 11: Big Boss Ben

3.1K 96 1
                                    

Slopia's POV

"Ano bang problema mo sakin Jessica ?" Tanong ko kay Jessica na tinulak ako sa sahig.

"Finally! Napalayo na din kita kay Yuu at Mishka" sabi niya

"Please Jessica, wag na tayong mag away"

"Pano tayong di mag aaway eh inaagaw mo sakin yung mga kuya ko!!!"

"Kuya ko sila Jessica hindi mo sila kuya!" Sabi ko sakanya

"Aba sumasagot ka pa ah!" Sabi niya at sinampal sampal niya ako.

"Tama na Jessica!" Sabi ko at tinulak ko siya kaya napalayo siya. Tumayo ako at hinabol ko yung hininga ko. Napahawak ako sa puso ko kase nakakaramdam ako ng hirap at kirot.

"Alam mo masaya na kami ng wala ka!!"

"Alam ko!"

"Alam mo naman pala pero bakit ayaw mo pang umalis ? Di kana kailangan dito ! Di mo ba napapansin ayaw sayo ng mga kuya mo! Kase diring diri sila sayo! Kase may tatay kang kriminal!" Sigaw niya. Humawak uli ako sa puso ko.

Pia kaya mo yan, ibote mo! Pigilan mo sumabog...

Kaya mo yan Pia.

Happy toughts

Happy toughts!

"Tama ka Jessica pero kahit ganun gusto ko paring patunayan sakanila na hindi ako katulad ng papa ko, na hindi ko kayang gawan sila ng masama"

"Ha! Really ? Hindi mo masasabi yan kase baka magulat ka nalang nasaktan mo na ang mga kuya mo!"

"Hindi mangyayari yun kase mahal na mahal ko ang mga kuya ko"

"Mahal ka ba ?"

Napahinto ako sa sinabi ni Jessica.

"Alam mo Pia, bakit di mo nalang tanggapin na isa ka lang outcast sa mundo ng mga cooper"

Pia pigilin mo! Pigilin mo!.

Pakiramdam ko onti onti ng nabibiyak yung puso ko, at wala akong ibang magawa kundi pigilin siya sa pagbiyak.

"Pia!!!" Tumingin ako sa sumigaw, nakita ko si Mishka at Yuu. Napahawak ako ng mahigpit sa puso ko. Ayos na ang lahat. Nandito na sila, nandito na yung mga kaibigan mo

"What do you think your doing Jessica?" Seryosong sabi ni Yuu

"W-what? I-im just talking to her" nabubulol na sabi ni Jessica

"What kind of talking is this huh" masungit na sabi ni Mishka.

"Talking with some touch" nakangising sabi ni Jessica.

"Pia anong ginawa ni Jessica sayo ? Once na may sabihin ka, pwedeng pwede ko ng ipatanggal  sa school si Jessica." Napatingin ako kay Jessica na nanlaki ang mata.

"W-wala siyang ginawa, tara na susunduin na ako ni kuya Ben" sabi ko at nauna ng naglakad.

-----

"Hi kuya Be--"

"Shh! Listen up! My first rule for you is to never! Ever! Get out of my sight"

"Aye!"

"Next ayoko ng maingay!"

"Aye aye!"

"And the last one. Kung may attack na mangyari sa base, i want you to use this to defend yourself" sabi ni kuya Ben at inabutan ako ng baril.

"Eh!?? Pero kuya Ben wala akong alam sa baril! Baka yan pa ikamatay ko!" Natataranta kong sabi.

"Tss. Whatever let's go!" Sigaw ni kuya kaya umalis na kami

MY 7 STEP BROTHERS [COMPLETE]Where stories live. Discover now