Chapter 1

1.6K 39 3
                                    

Call




"You just have to be his slave. That's all."

What? Slave?

Huh?

"P-Po? Paano po ang pag-aaral ko?"

Natawa siya ng kaonti sa reaksyon ko.

"Hindi naman literal na alipin, Miss Gomez. That's just how he say it according to my sister. Believe me, he won't enslave you. Gusto lang ng may kasama."

Parang hindi naman iyon ganoon. Tsaka parang ang babaw naman ng dahilan kaya parang scam pa rin ito. Slave pala ang trabaho ko. Baka naman may gawing masama sa'kin? Hindi naman sa nanghuhusga ako pero, baka pagsamantalahan ako? Ano bang ugali nun? At malaki na siya, hindi pa rin niya alam ang mga ginagawa niya?

"Do you want to take my offer? So that I can give you the full details."

Ganoon pa naman sa mga napapanood ko sa TV. Pero puro naman iyon sumasama sa ibang hindi kilala. Hindi ko rin naman kilala si Miss Karen bukod sa assistant siya rito. Mukha naman siyang matinong tao kaya bakit naman niya ako lolokohin?

Pero unusual ang offer niya! Talaga bang may ganun? Mga mayayaman nga naman. Walang magawa sa mga pera at nagwawaldas na lang. Thirty thousand for just a slave na walang gagawin kung hindi samahan lang siya at patinuin if ever? Grabe.

"You're lucky I offered you this. May mga ilan akong pinag-isipang offeran kaso hindi maganda ang kutob ko sakanila."

Mula sa pag-iisip ay naibalik ko ang tingin sakanya. Ano namang nakita niya sakin at naging maganda naman ba ang loob niya?

Pilit akong ngumiti kahit pa napakaraming tanong ang gumugulo sa isip ko.

"P-Pag-iisipan ko po, Miss Karen. Sa ngayon po kasi, abala ako sa paghahanap ng mapapasukan at trabaho."

Alam kong common sense na, ito na nga oh, ang ganda na ng alok niya. Bakit hindi ko pa kunin. Hindi ko na kailangan maghanap. Pero duda pa rin talaga ako.

Bumuntong hininga siya at ngumiti. Mukhang satisfied naman sa sagot ko, atleast hindi ako tumanggi.

"Here's my calling card. Sana ay makapag desisyon kana agad. He prefers having someone before the school year starts," nanatili ang titig ko sakanya at kumunot ang noo. Nagtataka kung bakit kahit ito ay alam niya rin. Her sister gave her all the details even the smaller ones for this. Siguro nga ay napaka importante nito para sakanya. "T-That's what he said according to my sister."

Tumango ako at kinuha iyon.

"Sige po. Pero po bakit hindi niyo po muna sabihin sa'kin ang lahat ng detalye nang sa gayon ay lalo po akong makumbinsi na tanggapin ito?"

"It's confidential. It's a secret that I'm helping my sister. Kaya kung hindi mo ito tatanggapin, I hope you'll keep this. Trust me, again, this is not a scam. I just prefer it being a secret. The help thing," gumalaw ang parehong balikat niya.

Tinanggap ko iyon. Wala namang kapansin pansing kakaiba sa mga kilos niya.

Hapon na nang makauwi ako. Dumiretso pa ako sa mga fastfood at nagpasa nga resume roon. Kahit pa may ganitong offer sa akin, hindi ko pa naman sigurado kung tatanggapin ko nga kaya mas magandang may nakahanda akong trabaho kung sakali man.

Wala akong planong sabihin kay Papa iyon. Bukod sa hindi pa nga ako sure, parang hindi ata siya papayag. Tsaka kung sasabihin ko ang dahilan, maaaring hindi siya maniwala at tulad ko ay magdududa rin siya.

Kasi sino ba naman ang maghahanap ng ganoon at napakalaki ng sahod?

Gusto kong maniwala na wala lang talagang magawa sa pera ang Boss na tinutukoy ni Miss Karen. Pero sa loob loob ko'y parang totoo nga na kailangan nila ng isang magpapatino sa kung sinong mokong ang pariwara ngayon.

Ang tanong, kaya ko ba iyon? Mapapaamo ko ba yun? Kung susunod ba ako sa lahat ng utos niya'y titino ba siya?

Pinilig ko ang ulo ko.

Really, Andi? Hindi tatanggapin pero pinag-iisipan?

Handa na akong matulog nang naisipan kong kunin ang calling card sa bag. Basta ko na lang ito kinuha kanina at hindi na tinignan pa.

Tinitigan ko iyon. Pangalan nga naman ni Miss Karen ang naroon. Andun din ang pangalan ng school na pinagtatrabahuhan niya. Kaya talagang legit naman tignan at walang bahid ng scam.

Wala sa sarili'y nagtipa ako sa cellphone at tinawagan ang numerong nakasulat doon.

Tatanungin ko nang maigi ang mga detalye nang sa gayon ay mapag-isipan kong mabuti. Kung pwede rin ay hihingi ako ng katibayan na legit nga ito. At kung hindi man makapagbigay si Miss Karen ay hindi ko na ito tatanggapin.

Nag-ring ang kabilang linya. Hindi iyon nagtagal dahil may sumagot agad.

"Where are you?"

Tinignan ko ang numerong naka rehistro kung tama ba. Tama naman! Pero bakit lalaki ang sumagot?

"H-Hello? Si Miss Karen po-"

"I thought they already found me one. Bakit wala ka pa rito?"

What?

Sino ba 'to???

"Sorry? Ibababa ko na lang po ang tawag at-"

Pinutol niya ulit ang sasabihin ko!

"I'm your boss. You're hired. Where are you?"

Huh?

Napakurap kurap ako at hindi alam ang gagawin!

Akala ko ba number to ni Miss Karen? Eh bakit hindi naman ata? At ano raw? Boss ko? Siya ba yung tinutukoy na Boss nung Ate ni Miss Karen??? Naguguluhan ako!

"Sandali lang po, ah. Hindi ko pa po tinatanggap ang offer sa akin. Kung pwede sana ay magtanong ako ng iba pang detalye para sana pag-isipan ko pong mabuti," mabilis kong sinabi.

Natahimik ang nasa kabilang linya.

Kung ito nga ang Boss, mabuti na ring sakanya ako magtanong. Kung bakit iba ang sumagot sa numero ni Miss Karen ay hindi ko na alam. O baka naman ay dinirekta na sa Boss nang sa gayon ay mabilis ang proseso?

Hindi ko alam kung magiging batayan ko 'to ng pagiging legit ng offer o hindi eh.

Narinig kong tumikhim ang nasa kabilang linya.

"Fine. Go on. You can ask me things. But as soon as I fill you of what you need, you need to be here ASAP."

Gusto ko sanang umalma. Pero kahit nasa cellphone lang ay ramdam kong ang kausap ko'y hindi tumatanggap ng kahit ano. Kung ano ang sinabi niya'y iyon ang masusunod.

Humugot ako ng malalim na hininga at nagsimula na sa mga tanong.

"Ilang taon na po ba ang anak niyo't hindi pa rin po tumitino?"

Nanlaki ang mga mata ko sa nasabi.

Loka ka, Andi!

Hindi iyan ang dapat mong itanong!

Siguro'y dahil iyon ang pinaka-tinatanong ng utak ko'y kaya ko nasabi!

"U-Uh, sorry po. Uh, I m-mean, saan po ba kayo sa Manila-"

Pinagpawisan agad ako. Nakakahiya! Boss pa naman ito! Baka isipin niyang kinukwesyon ko ang pagpapalaki niya sa anak niya!

I heard the Boss on the other line chuckle. Doon ako napahinto.

"Hmmm, he's twenty three. He needs someone to be his slave... Can you do that?"

Napalunok ako. Talaga bang itong Boss ng Ate ni Miss Karen ang kausap ko?

Hindi pa man ako nakakasagot ay may pahabol na siya.

"Baka ikaw na ang makakapagpa-patino sa akin?" Then he chuckled again.

His Nerdy Slave (REWRITTEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon