Napanaginipan ko pa tuloy sila mama at tatay. Namimiss ko na sila ..
Uwian na namin. Napagdesisyunan ko na pumunta sa sementeryo at bisitahin sila mama at tatay bago pumunta kila owy. nakatawag na din ako sa restaurant na maglilived muna ako dahil may emergency.
Naglalakad na ko papuntang sementeryo ng biglang umulan ng malakas. Pero hinayaan ko nalang mabasa ang sarili. Diretso padin ako. Wala na ko sa wisyo kung magkasakit man ako basta bahala na.
“Hello Mama .. Tatay.. kamusta na kayo?” bati ko sa kanila. Nang makarating ako sa puntod nila.
“Hay. Alam nyo ba .. namimiss ko na kayo. Bakit kasi ganon. Iniwan nyo ko mag-isa sana may kapatid ako para may kasama ako ngayon. Nakakainis naman oh.”
Naiiyak na ko. Hindi padin tumitila ang ulan.
“Ma .. Eto oh. Suot ko padin yung kwintas na binigay nyo. Napanaginipan ko kanina yung araw na ibinigay nyo to sakin .. pati yung araw na iniwan nyo na ko ni tatay.”
“Ma.. miss na miss ko na kayo ni tatay..”
Hindi ko na kaya, kaya umiyak nalang ako ng umiyak. Miss na miss ko na sila at sobrang nalulungkot na ako. Mahirap mag-isa. Mahirap ng sobra .. minsan iniisip ko bakit kailangan pa to mangyari sakin. Hindi naman ako masamang bata para parusahan ng ganito pero iniisip ko na lang na .. pagsubok lang to. tiwala lang. matatapos din to.
“Magtatampo na ko ng sobra nyan.” Nagulat ako at napatingin kung sino ang nag-salita.
“Owy ??”
“Ano bang ginagawa mo dyan ha? Diba tuturuan mo ako ngayon?” nakangiti nyang sabi.
“Oo nga ..” tumayo nako ..
”Hanggang sa susunod ulit ma .. tay ..” bulong ko at lumakad na papunta kay owy.
“Halika na nga sa bahay. Basa ka na oh!”
Nakarating kami sa bahay nila owy ng hindi kami nag-uusap. Pagpasok namin. Iniwan nya ako saglit sa sala at may kukunin lang daw sya ..
“Eto oh. Maligo ka muna. Suotin mo muna to. tapos sila yaya na bahala sa uniform mo.”
Sinunod ko nalang yung sinabi nya.. naligo ako at sinuot ang damit nya.. ibinigay ko na din sa yaya nila yung damit ko ..
“Praktis na tayo owy ..”
“Sige ..” umupo na ako. Para umpisahan na ang pag.turo sa kanya ng piano.
“Ano ituturo mo sakin ngayon?”
Hindi ko sya sinagot. Tinugtog ko na lang yung isa sa mga dinededicate ko sa parents ko.
‘DANCE WITH MY FATHER’
Habang tinutugtog ko yon. Naalala ko sila .. kung gaano kami kasaya nung magkakasama pa kami. . kung gaano namin kamahal ang isa’t isa. kahit mahirap kami non. Masaya padin ang pamilya namin. Namismiss ko na sila ng sobra ..
Miss na miss ko na sila ..
“Alexia ..” napahinto ako ng maramdaman kung naiyak na pala ako..
“Alam kong may problema ka.. wag mong sarilinin.” Napaiyak na ko ng sobra non. Nakakainis naman to si owy oh.
Umiyak lang ako ng umiyak non. Naramdaman kong medyo sumakit yung ulo ko. eto yung ayoko pag.umiyak sumasakit ng sobra ang ulo ko. ~
Naramdaman kong niyakap ako ni owy at kino-comfort ako.
”Ayos lang yan alexia. okay lang umiyak.. ilabas mo lang yan..”
sobrang nagpapasalamat ako sa kanya ngayon dahil andyan sya para Icomfort ako.
KAMU SEDANG MEMBACA
THAT NERD (ON HOLD)
Fiksi PenggemarWritten By: TRYNEWTHINGS :) ~ Ang storya ni MARGA ALEXIA VILLAGRACIA Ito ay tungkol sa isang girl na nawalan ng pamilya at dahil sa bestfriend nya kaya sya nagkaroon ng pag-asa Hindi madaling mawalan ng pamilya lalo na kung wala ka ng makakasama pa...
CHAPTER 5 ~
Mulai dari awal
