BEFORE THE RAIN

109 9 2
                                    

           

•Copter's Point Of View•





"Cheers guys!"





"Whoo! Happy birthday, Wayne!"





"Let's partyyyy!"





Kasalukuyan kaming nagsisiyahan ngayon sa bar, birthday nga ng isa sa mga kaibigan kong si Wayne. Well, knowing him, he likes parties, kaya naman hindi na kami magtataka kung dito n'ya nga ice-celebrate ang 20th birthday n'ya. At mukhang hindi naman magrereklamo ang mga kaibigan n'yang pupunta rito, because almost all of them? They're fond of parties.





"Oh, ano, Copter, inom pa!" Sabi pa ng isang kaibigan kong si Clint, na halatang tipsy na. Not to mention, kaming magbabarkada lang ang inimbita ni Wayne rito, kaya naman medyo ayos na rin at komportable naman ako kasi puro kakilala ko lang 'yung andito.





"Teka, parang kulang tayo, ah." Malakas ang pagkakasabi ni Chester dahil nga ang lakas din ng tugtog dito.





"Oo nga, asan si Cyruz?" Tanong naman ni Seth.





"I'm here, guys! Sorry ah, na-late ako." Agad naman kaming napalingon sa bagong dating na si Cyruz. Halatang nasa mood ang loko, sa'n naman kaya galing 'to?





"Saan ka naman nanggaling at bakit ang tagal mo?" Tanong sa kanya ng birthday celebrant na tila ba sinabi kung ano ang nasa utak ko.





"Nag-lunch kasi kami ni Carylle kanina," Si Carylle, 'yung nililigawan ng lokong 'to. "Tsaka namasyal din kami, pasensya na, 'di ko namalayan 'yung oras, eh."





Nagtaka kami nang sobrang lumawak 'yung ngiti n'ya at halatang sobrang saya pa n'ya.





"Any news?" Nakataas ang kilay na tanong sa kanya ni Adrian.





Mas lalo pang lumawak 'yung ngiti ni Cyruz, "Sinagot n'ya na ako!"





Rinig na rinig ko naman ang panunudyo ng mga kasamahan ko rito. 'Yung iba kino-congratulate pa si Cyruz. Habang ako, napapa-iling at napapatawa nalang ng mahina sa mga ginagawa ng mga 'to.





"Cheers sa bagong may jowa!" Natatawang itinaas ni Josh ang baso kaya naman nakipag-cheers na rin kami.





"Oh, pa'no ba 'yan, Copter, Laurent, kayo nalang ata ang walang lovelife sa'tin dito." Natatawang sambit ni Sean. Teka, ba't naman napunta sa'kin?





"Baka naman kayo-kayo lang din ang magpapatusan, ah! Hahaha!" Nagtawanan naman silang lahat sa biro ni Chester. Bwisit 'to, kung pwede ko lang s'yang batuhin ng bote, eh.





Napansin ko namang tumabi sa'kin si Laurent at inakbayan pa ako.





"Well, hindi naman imposible 'yon, Ches."





Tinulak ko s'ya agad ng napakalas nang dahil sa sinabi n'ya kaya naman muntik na s'yang mapasubsob sa sahig. Narinig ko naman agad ang mga panunudyo ng mga loko rito.





"Imposible 'yon. Hindi ako pumapatol sa mga lalake, at kung mangyaring papatol man ako, hindi 'yan ang papatulan ko." Sabi ko sa kanila.





"Woah!" Sabay sabay na sambit nilang lahat at napangisi naman si Laurent.





"Wala ka pala 'tol, eh! Hahaha!" Panunukso sa kanya ni Clint.





Before The Rain [BL ONESHOT]Where stories live. Discover now