Kinusot niya ang kanyang mata. Tingnan mo itong batang ito, halata naman na inaantok pa siya.

"Umakyat ka na," ulit ko pa.

"Ano bang iniisip mo?"

"Matulog ka na ulit," Magtatanong pa, e.

"O, Sige na nga, Matulog ka na rin Ate," Bilin niya bago ako tinalikuran at umakyat sa hagdanan.

Mga ilang sandali akong nanatili sa terrace bago ako umakyat muli sa kuwarto at naghanda sa pagtulog.

Kinabukasan ay maaga akong nagising, dala ang mga papeles na ni-review ko kagabi ay bumaba na ako. Siguro sa opisina na lamang ako kakain ng almusal. Kailangan ko rin matapos ang ilang mga bagay na hindi ko natapos nitong huli at bukas at tutulak kami ni Patrick sa Maynila.

"Hindi ka kakain Ate?" tanong ni Patrick nang maabutan ko siyang nanalamin sa sala. May salamin naman siguro sa kuwarto niya.

"Hindi na, at bukas pala, mga alas diez ng umaga tayo aalis."

"Oo," aniya habang inaayos ang kanyang buhok.

"May girlfriend ka na ba?"

"Ate," may pagbabanta sa boses niya. Tumawa ako sa reaksyon niya. Namumula ang kanyang pisngi.

"Wala pa, kung ganoon?"

"Ate naman, e!"

Humalakhak na ako.

"Oo na, sige na!"

"Keith, Aalis ka na?" Lumapit sa amin si Mom.

"Opo, Ma. May tatapusin rin kasi ako."

"Hindi ka na kakain?"

"Hay naku, Ma, Hindi talaga kakain 'yan si Ate. Siguro may date kaya maaga aalis--"

"Patrick, isa!" suway ko sa kapatid.

Pimasadaha lang niya ako ng tingin at kinuha ang bag na nakapatong sa sofa.

"Hatid mo na ako, Ate."

"Ngayon, magpapahatid ka."

"Ikaw naman nauna," ngumuso siya.

"Sige na, Keith. Ihatid mo na 'yan at baka ma-late pa kayo."

"Halika na nga, bubwit." Lumakad na ako palabas ng sala. Narinig ko pa ang reklamo ni Patrick ang pagtawa ni Mom.

Matapos kong ihatid si Patrick ay mabilisan kong tinapos ang mga hindi ko nagawa at ang kagabi.

Nang nagbukas na ang restaurant ay may mga customer na rin ang rito madalas mag almusal.

"Ma'am, May special request po ang isa sa guest natin sa VIP room."

Umangat ang tingin ko kay Caline.

"Sa VIP room?"

"Opo, Ma'am."

Tumayo ako at sumunod sa akin si Caline.

"Ikaw lang po kasi ang gumagawa ng special menu natin, at pina-request po iyon ng guest."

"Ganoon ba?"

Tinulak ko ang double doors ng kitchen at sinuot ang apron.

Tatlumpong minuto lang naman ang paghahanda ng special menu at hindi ito madalas isineserve kapag wala ako. Sariling recipe ko ito kaya madalas ay hindi namin ino-offer ito.

"Hindi ba ang sabi ko ay kapag busy ako ay hindi ilalagay sa menu list iyon."

"Opo, Ma'am. Kaya lang po ay VIP po natin iyon."

"O, sige. Ipatawag mo si Lisha para may makakatulong ako. Alam kong busy si Chef Tina."

"Opo, Ma'am."

Nagsimula na ako sa pagkuha ng mga rekados at sinimulan ko ang pagga-gayat ng mga rekados.

Naka mis en place na rin ang mga ingredients nang dumating si Lisha.

Ako ang nagluluto at si Lisha ang nag aabot ng mga ingredients sa akin.

Nang mailipat ko na sa serving plate ay hinayaan ko muna si Lisha ang maglagay ng ito sa tray para ipa-serve sa guest.

"Magpatawag ka ng waiter at iserve ito sa VIP room, may tatapusin pa ako. Just call me if the guest needs anything, okay?"

"Opo, Ma'am." Tumalima naman ito sa utos ko at lumabas ng kitchen.

Tinanggal ko ang aking apron at isinabit ko ito. Ipinapaypay ko ang aking kamay sa aking leeg, dahul bahagya akong pinagpawisan.

Sadyang mainit talaga kapag nasa kitchen ka.

"Sir, Bawal po kayo rito,"

"I just want to know if my order is coming,"

"Yes po sir, Ise-serve na po."

Kumunot ang aking noo sa narinig. Muli kong pinunasan ang namuong pawis sa aking noo at dumungaw ako sa counter top ng kitchen.

Naroon si Lisha at may kausap na lalaki. Hindi ko masyadong nakikita ang mukha ng lalaki dahil natatakpan ang imahe niya ng mga naksabit na gamit sa pagluluto.

Tinulak ko ang pinto palabas at lumiko ako kung saan nasa loob na ng Kitchen ang lalaki. At sa likod nito ang double doors palabas ng kitchen area.

"Lisha, Ano ang meron diyan---"

Natigilan ako nang makita ko nang buo kung sino ang akusap ni Lisha.

Raven?

"Ay, Ma'am, Hinahanap na po kasi ni Sir ang order niya." Hindi naalis ang tingin ko kay Raven at ganoon rin ang tingin niya sa akin.

"Serving na ang order mo, And you're not allowed to enter here."

"I know, I just want to know why my order is a little bit--"

"Sa table na lang maghintay, You're the VIP guest and I believe na nainform ka na after fourty minutes before serving, Am I?"

Nakita ko ang pagtaas ng sulok ng labi niya sa sinabi ko.

"Are you laughing at me?"

Umiling lamang siya at pinanatili ang mariing tingin sa akin.

"Sir, Sa table na lang po, kasi sine-serve na po ang order niyo."

"Alright, My bad."

Muling sumulyap sa akin si Raven bago tinulak ang double doors at sumunod si Lisha.

Ngayon lang nag-materialize sa akin na ang bilis pala ng tibok ng puso ko.

What's wrong with my heart? 

The Games and My Heart [Book 2 of Games Doulogy]Where stories live. Discover now