Kabanata 6

12 2 0
                                    


Kabanata 6


Ang hindi ko lang maisip ay ang mga nangyari nitong huli. Hindi ko naman talaga ine-expect na ganoon ang mangyayari sa huling pag uusap namin.

Ano ba, Keith? Tigilan mo na ang kakaisip sa kanya! Hindi na tama iyan, e! Naka-move on ka na, okay?

But at some part of my head saying that I am not yet totally over with my past.

Kasalukuyan kong inaayos ang aking mga gamit nang tumunog ang aking cellphone.

Sino naman kaya ang nag-text sa akin sa ganitong oras? I wonder if Gerald could pay a visit this weekend? Kung wala silang gig.

Inabot ko ang aking cellphone na nakapatong lamang sa aking dresser. Nilapag ko ang iilang mga papeles na kailangan kong i-check.

Gerald:

This weekend ay may gig kami. You want to come over?

Ako:

Talaga? Sige, pupunta ako. I'll just check my schedule.

Gerald:

I thought you're already sleeping. Okay. Gusto mo sunduin pa kita?

Sunduin? May gig sila sa araw na iyon tapos--

Napatigil ako sa pagtipa nang tumunog muli ang cellphone ko.

Gerald:

Hindi ka na nagreply.

Ako:

Huwag mo na ako sunduin. Pupunta rin kami ni Patrick sa Manila. Pupunta kami kay Dad.

Gerald:

Oh. Sige. I'll see you this weekend. Good night.

Ako:

Okay. Good night!

Muli kong inilapag ang aking cellphone sa aking dresser at itinuloy kong muli ang ginagawa.

Inilapag ko ang mga papel na hawak ko sa aking table at lumabas ako ng aking kuwarto. I need some tea.

At kailangan ko rin kasing tapusin ito bago ko ipa-iwan kay Caline ngayong weekend dahil dalawang linggo rin kaming mananatili sa Manila.

Hindi nga lang sasama si Mom, dahil may mga business matters rin siya rito sa Sta. Catalina.

Nagtungo akong kusina at kumuha ako ng tasa at tea bag sa lalagyan. Nagpakulo ako at habang hinihintay itong kumulo ay humilig ako sa counter top ng aming kusina.

Nang kumulo na ay nagsalin ako sa aking tasa ng tea. Muli akong humilig sa aming counter top habang humihigop ako ng tsaa.

Lumingon ako sa maliit na bintana ng aming kusina at ang maliit na kurtina ay hinahangin.

Sa sobrang tahimik ng buong kusina ay napagpasyahan kong manatili na lamang sa aming terrace, at roon magpalipas ng gabi habang hindi pa ako tapos sa ginagawa.

Pinagmamasdan ko ang maliwanag na ilaw mula sa buwan at ang mga nagkalat ng bituin.

Sa kabilang banda ng pag iisip ko, sumagi sa isipan ko kung sa panahong mga ganito ano na lang kaya ang puwedeng mangyari.

Nanatili akong tahimik habang humihigop ng tsaa.

"Ate, Bakit gising ka pa?" Napalingon ako sa aking likuran. Nakatayo roon si Patrick. Magulo ang kanyang buhok at bahagya pang kumakamot sa kanyang ulo.

"E, Ikaw? Bakit narito ka?"

"Uminom ako ng tubig,"

"Ah, O sige, umakyat ka na at matulog."

The Games and My Heart [Book 2 of Games Doulogy]Where stories live. Discover now