What?!

77.6K 540 19
                                    

Arnold sa gilid ===>

What?!

Chapter 3

Brooke's POV

Huuuuuuuuu! Tapos na, 09:47 na pala.

Dapat pumunta na ako kay Arnold. Bilis, baka malate na ako.

First night ko pa naman ngayon, tinawag ko si Brenda para magpaalam.

"Psssttt!" sitsit ko kay Brenda na may kausap.

Nag-excuse naman siya ng makita akong pinapalapit siya.

"Oh? Aalis ka na?" tanong nito.

"Oo hehe. First night ko pa naman ngayon, dapat punctual ako," sabi ko.

Totoo naman, dapat talaga akong on-time para hindi fired agad.

"Oh sige, balik ka bukas?" tanong ni Brenda.

"Hindi e. Yung Lois kasing yun, nagparty na naman kaya mag-oovertime na naman kami bukas. Ang sarap batukan, sana hindi kami maabutan ng 10:00," sabi ko.

"Okay, sayang naman. Ang dami mo pa namang request kanina.

Ang daming nagtatanong kung regular ka na ba dito o kung meron ka ba daw bukas. Pero okay lang, i-aanounce ko nalang sa kanila."sabi nito.

"Sorry talaga best, babawi nalang ako depende sa schedule ko. Aalis na ako," sabi ko.

"Okay, ikumusta mo nalang ako kay Arnold. Isa rin yun, di na dumadalaw dito," sabi nito na parang kunwaring nagtatampo.

"Oo na, sige bye," sabi ko tapos naghug at nagbeso-beso na kanya.

"Ingat," sabi nito. Tango lang sagot ko.

Umalis na agad ako sa bar at ang susunod naman na destinasyon ko ay ang San Gabriel Company.

Isa itong kompanya na nagdedeliver ng mga alcohol drinks at mga cateries for clubs and parties.

At nakaassign ako sa drinks service, ang pagdedeliver nito sa iba't-ibang lugar.

Mabuti nalang at marunong akong magdrive ng single motor.

Ito kase ang ginagamit ko madalas sa pagpunta sa trabaho.

Ang weird ba, isipin niyo nalang,

isang bababeng nakasakay sa isang motorbike.

May helmet (syempre), nakaeyeglass, may bangs, nakalong sleeve at nakasuot ng mataas na palda. May back pack pa.

Hindi naman weird di ba?

Noon bagong lipat palang kase ng ibang tirahan si Brenda dahil namatay ang mama niya sa isang airplane crash ay yun ang ginagamit ko papunta sa bahay niya.

Sa totoo lang hindi talaga tumatanggap ang companya ng babae para sa delivery nila sa panggabi, kase, alam niyo na. Baka mapagtripan. Pero buti nalang napakiusapan ko.

Pumunta na ako sa locker room ko at nagbihis, pagkatapos ay pumunta na ako sa office ng supervisor.

"Sir," sabi ko ng makapasok.

"Oh. Ready ka na ba? Sinuot mo na ba ang contact lens mo? Itago mo na yang buhok at bangs mo, at tsaka bakit 'sir' ang tawag mo sa akin? Tayo nalang dalawa sa office ko. Dapat tawag mo na sa akin,

'ma'am', di ba?" sabi nito.

"Oo nga pala Arnold no? Ay Amanda pala," sagot ko.

Kung hindi ko pa nasasabi, si Arnold ay childhood friend din namin ni Brenda. At oo, isa siyang baklooooosh, at siya rin ang dahilan kaya nakapasok ako rito kahit bawal ang babae.

What are connections for?

"Yeah, so are you ready? Ready  go takbo like a lizard flying in the sky. Wooosh! GO!

Malayu-layo tong dedeliveran mo, okie." Sabi nito, napangiti naman ako.

"Okz na okz, ready na," sabi ko.

Binigay na niya ang address at umalis na ako.

Sa Building

"Hay naku, ang taas naman ng building na'to. Ang dami pang pinadeliver at ang bigat pa," reklamo ko.

Kase naman, ang taas-taas. Tapos ang dami at ang bibigat pa ng mga dala ko.

Now I understand kung bakit di rin pwede ang babae sa trabahong to.

Hindi ko kaya to. Ang liit kaya ng katawan ko, wala pang kamuscle-muscle.

Baka ang mga drinks na'to pa ang mag-akyat sa akin sa taas, ang lalaki kase ng mga dadalhin ko.

Kaya ko'to. Aja! Hwaiting~ Kaya mo yan Brooke! Malakas ka, matapang, maliksi, maganda (wow) kaya mo yan.

Pagchicheer ko sa sarili ko pero,

(T_T) hindi ko pa rin kaya..

Pumasok na ako.

Pagpasok ko sa hotel ay dinala ko na rin ang mga idedeliver.

Ahh. Ang bigat.

Huu.

Pagpasok ko sa elevator ay inayos ko  nalang muna ang sombrero at ang pawis sa mukha.

Nasa elevator palang ako nito ha, pano pa kaya kung walang elavator tong pinagdeliveran ko?

(Y_Y) Mabuti nalang may elevator.

Nasa last floor pa man din ang pupuntahan ko.

"Hay sa wakas nandito na rin ako. Sa wakas! Salamat sa maawaing ama..." huu.

Tiningnan ko na yung nakalagay sa address para sa pagbukas ng elevator ay makita ko agad. Para akong tanga ritong lumuluhod, malapit na kaseng malast floor.

*tingggggggg* sounds yun ng elevator.

Yes, excited na ako.

Pero pagbukas ng elevator ay napatanga ako sa nakita ko.

(o 0 o) OMO!

What???????

Totoo ba ang nakikita ko?

BAKIT?

Sa lahat ng tao bakit siya pa?

Bakit si,

Sir Lois pa?

Bakit???

Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!

=============================================

========>

All Time Girl [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon