Si Playboy At Si Nerd

110K 866 44
                                    

Brooke Lane sa gilid =====>

()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()


Si Playboy At Si Nerd

Chapter 1



"Pare, punta ka naman mamaya o. Marami na namang chicks ang ibabalato ko sa iyo at sa tropa." Sabi ng lalaking nasa telepono.



"Chicks na naman pare? Grabe ka talaga, nung isang gabi lang nagpaparty ka rin at nung isang linggo din. Hindi ka ba nauubusan ng mga babae? Baka paulit-ulit na lang yang mga yan ha?" sabi naman ng nagsasalita.



"Psssh... Ako? Paulit-ulit ng babae? Haa! sineswerte sila. Wala pang maswerteng babae  na nakasama ako na dalawang beses sa kama no? Tsaka, kung meron man, siya na siguro ang pinakaswerte sa lahat. Haha," tawa ng isa.



"Sira ka talaga. Malala na yang pagkababaero mo ah? Sige ka, makakakita ka rin ng karibal mo, tatandaan ko yang mga sinasabi mo." Banta niya.

"Okay ba, pare? Pupunta ka ba?" Tanong nito.



"Ahhhh... Pag-iisipan ko pa, maraming appointments tsaka dumagdag pa tong si Cassey, habol ng habol sa'kin. Mukhang aso." Biro niya.



"Anong klaseng aso? Asong ulol?  Hahahaha, sira ka talaga. Yan kasi, pafling fling ka pa kase. Tumulad ka nalang kaya sa akin. One night stand lang, paggising ko sa umaga wala na akong problema," sabi nito.



"Pano kung gusto mo yung babae at mahusay siya sa kama, anong gagawin mo? Maghahanap ka nalang ng iba?" Tanong niya.

Ewan kung bakit niya natanong yun.



"Oo naman. Ang dami pa kayang iba dyan sa gilid-gilid, naghihintay na pansinin ko at hinding-hindi yan mangyayari sa'kin." Katwiran nito.



"Weh? Bahala ka. Pero sa totoo lang, nakakatakot naman kasi yang ganyan, hindi mo alam kung may sakit palang nakakahawa o kahit anong mga sakit dyan. Mabuti na yong fling lang para makasigurado ka kung safe ba o hindi. Tsaka may kontrata pa kayo at batas na mga gusto niyo at ayaw." Sabi ng nasa linya.



"Hindi naman siguro. Tingnan mo nalang yang pafling fling mo. Ano ngayon? Hinahabol ka na? Suuus, basta pumunta ka nalang mam'ya sa party para makalimutan mo yang Cassey na yan o kaya, kalasin mo na agad para hindi na humabol-habol sayo." Payo ng lalaki.



"Yeah, yan naman talaga ang gagawin ko. Okay,  pupunta nalang ako diyan mamaya ng mga 7:00. Magkita nalang tayo ng tropa." Sabi niya nalang.

Pagkatapos makausap ang kaibigan sa phone, pinindot niya ang intercom ng secretary na nasa kabilang office lang.

"Brooke, come to my office immediately. May ipapagawa ako sayo," maawtoridad niyang utos.

"Y-yes sir," anang babae na halatang nabigla.

Mga ilang sandali pa lang ay dumating na ang babae.

Isa itong nerd at may weird na kasuotan.

Dala ang maliit na notebook na ang laman ay siguradong mga appointments niya at ang buhok nito ay nakaponytail, may bangs na nagtatago sa noo nito.

Hindi pa niya ito nakitang nakalugay ang buhok sa mahigit isang taon nitong pagtatrabaho sa kanya.

Ito si Brooke Lane ang kanyang secretary at personal assistant.

"Sir, ano po ang ipapagawa niyo?" tanong nito.

"What are my appointments for this afternoon?" tanong niya.

All Time Girl [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon