chapter 10

3.6K 74 2
                                    

Nanlilisik ang mga matang sumulyap ni Don Joel sakin at sa mga babaeng nagsiksikan sa likuran ko.

"Nagdagdag ka pa ng liligpitin!", asik nito sa nakayukong si Alvin na siyang tunay na Luke.

" Papa, hayaan nalang natin sila-"

"Tumahimik ka! Wala ka talagang kwenta. Di mo ba alam na dahil sayo ay nasaktan ko ang kapatid mo."

Napasinghap ako nang makita ko kung ano ang ibig sabihin ni Don Joel.

Parang lantang gulay na nakalupaypay sa loob ng wheelbarrow na hinihila kanina ni Ms. Kim si Mark, ang nakilalang Luke ng lahat.

"Mark..", nangangatal ang labi kong sambit.

" Oh, so...marami ka na palang  alam. Sino ka ba talaga?", matalim na tanong sakin ng Don.

"Nasaan ang kapatid ko. Anong ginawa mo kay Ate Grace?", di ko napigilang tanong.

" Grace?? Ang tinutukoy mo ba ay ang dating girlfriend ng impostor na Luke? Kapatid mo pala iyon? Now that you mentioned it, I can see the similarities. ", nakatawa nitong sagot.

"So, ikaw pala si Ce? Ang lagi niyang pinapadalhan ng mga sulat na naging dahilan kung bakit di ko agad siya pinagdudahan na padala ng mga naghahabol sa akin. Akala talaga ng babaeng iyon ay habambuhay niya akong maloloko! Kung mga tanga man ang nagiging mga anak ko ay ibahin niya ako. "

"Nasaan na si Ate?", natatakot kong tanong.

" Mahigit isang buwan na siyang nakakulong dito sa loob ng greenhouse, walang tubig,walang pagkain...so , buhay pa kaya siya.", malademonyo nitong sabi.

Gimbal akong napatingin sa paligid, sa pasibleng pinagkulungan kay Ate.

Nandito lang pala si Ate all this time. Wala akong ibang nakitang pwedeng pagkulungan sa kanya maliban sa isang sementadong parang kabaong sa isang tabi, pero imposible....

"Nalimutan ko palang idagdag , wala din palang hangin iyong pinaglagyan ko sa kanya.", naaaliw na sabi ni Don Joel.

" Hindi...No, nagsisinungaling ka.", umiiyak kong sigaw.

"Totoo iyon! Patay na ang kapatid mo dahil buhay siyang inilagay ko sa kabaong at pinagawan ng sementadong nitso.",

" Demonyo ka! Ang sama mo!"

"Banta siya sa negosyo ko kaya kailangan niyang mawala. Wag ka nang umiyak dahil susunod ka na sa kanya.", nakangiti nitong sabi. "  Kim, sige na patayin mo na siya at ikaw naman Luke, iligpit mo na iyang mga walang kwentang mga babaeng inilabas sa van.", parang hari nitong utos.

"H-hindi ko po kayang pumatay.", naiiling na tanggi ni Ms. Kim.

"Mas madaling pumatay kaysa maglibing ng mga patay!", asik dito ni Don Joel. " Kung di mo siya papatayin ay sisiguraduhin ko sayong lalong masisiraan ng ulo si Luke sa gagawin ko.", parang demonyo nitong sabi habang tinutukoy ang tunay na Luke na si Alvin.

"D-di ko kaya.", umiiyak na tanggi ni Kim. "Bakit ba kasi di ka pa umalis noong tinatakot kita? Bakit ang tigas ng ulo mo?", paninisi sakin ni Ms. Kim at noon ko lang napansin ang baril na hawak niya.

Maging si Don Joel ay mayroon ding bitbit na baril.

Sa pagkaintindi ko ay si Ms. Kim ang nanakot sakin na nagtangkang pumasok sa quarter namin ni Lisa at siya din iyong nakamaskarang may dalang kutsilyo. Tinatakot niya lang pala ako upang umalis sa mansion.

" Kim, wag mong gawin. A-ako lang ang pwedeng maging masama.", pigil ng tunay na Luke na si Alvin sa pagtutok ng baril na hawak ni Kim sa akin.

"Oo nga naman mahal kong asawa. Hayaan mong ang pinakamamahal mong siraulo ang papatay para sayo. Sanay naman siyang pumapatay dahil iyan lang ang silbi niya sakin. Tagaligpit ng kalat.",  patuyang sabi ng Don.
"L-Luke, w-wag-", mahina pero klarong sabi ni Mark na nagkamalay na pero nakalugmok parin sa wheelbarrow.

I Love You, Goodbye!Donde viven las historias. Descúbrelo ahora