chapter 9

3.5K 81 2
                                    

Kinabukasan ay nagising ako na aligaga ang mga katulong sa mansion.

Maging si Lisa ay wala na sa higaan niya pagkagising ko.

Bago ako pumasok sa mansion ay nakita ko si Alvin na tulalang nakaupo sa ilalim ng puno sa pinakalikod ng mansion.

Nang madatnan kong busy ang lahat sa loob ay lumabas nalang ako at pinuntahan si Alvin.

Nakaramdam ako ng awa sa kanya tuwing naalala ko ang tunay niyang pagkatao.

Magulo parin kung ano ang koneksiyon niya sa mga nawawalang babae.

Ang malinaw lang sa akin ngayon ay siya ang totoong Luke Mon Verde at kapatid niya sa ama si Mark na kilala ng lahat bilang Luke Mon Verde.

Naiintindihan ko ring mahal nina Ms. Kim at Alvin ang isa't isa pero di ko maipaliwanag ang larawang natagpuan namin ni Lisa kung saan ay ikinasal ang ama ni Alvin at si Ms. Kim.

Madali kong natunton si Alvin dahil nandoon parin siya sa kinauupuan niya mula kanina.

"Alvin.", tawag ko sa pangalan niya.

Mukhang nagulat ito sa pagtawag ko dahil muntik na itong nahulog sa kinauupuan.

" Cecil...ginulat mo ako.", napakamot nitong sabi.

"Ang lalim kasi ng iniisip mo. Di mo man lang napansin ang pagdating ko.", magaan kong sabi.

Tumahimik lang si Alvin at pinagpatuloy ang pagtunganga.

" Bumalik na siya...nandito na naman siya.", may takot sa boses nitong pahayag.

Maging ako ay kinutuban ng masama sa pinagsasabi niya kaya tumabi ako paupo sa kanya.

"Bakit parang natatakot ka? Sino ba ang bumalik?", mahina kong tanong para di niya mahalata ang pagiging interesado ko sa magiging sagot niya.

" Ang demonyo.", nanlaki ang mga matang sagot niya sa akin.

Maging ako ay nakaramdam ng takot dahil sa nakikita ko sa mga mata niya.

"Alvin...tinatakot mo naman ako.", sinabayan ko ng tawa ang sinabi ko.

Pero maging sa pandinig ko ay parang halatang pilit ang tawa ko.

" Mabait ka Cecil. Natatakot ako para sayo.", malungkot nitong sabi.

"Bakit naman? Wala namang mangyayari sa akin. Binabantayan ako ng Diyos.", masuyo kong sabi.

" Sana nga, sana nga palagi ka Niyang bantayan. Ayokong matulad ka sa kanila."

"Sinong sila?"

"Manganganib ka kapag sabihin ko sayo. Maririnig niya tayo.", pabulong nitong sagot at bahagya pang nagpalingalinga.

" Di kita naintindihan-"

Di ko natapos ang sasabihin ko dahil naramdaman kong may dumating. Dahil nakaharap ako kay Alvin ay kitang-kita kung paano bumadha sa mukha niya ang takot at pagkamuhi sa sinumang bagong dating na ramdam kong nakatayo sa likuran ko.

"Alvin!!", tawag ng bagong dating na nagbigay sakin ng kakaibang kilabot.

Gusto kong tingnan kung sino ang bagong dating pero parang may nagsasabi sa aking huwag akong gumalaw kaya nanatili lang akong nakatitig sa balisang mukha ni Alvin.

" Nasa greenhouse ang pasalubong ko sayo. Ikaw na ang bahala doon.", puno ng malisya ang bawat binitiwang kataga ng nagsalita na parang gumapang sakin ang kakaibang kilabot.

"Opo.", nakayukong sagot ni Alvin habang nakikita ko ang pagkuyom ng kanyang mga kamao.

" Well, ngayon ko lang napansing mahilig ka pala talaga sa mga mukhang "manang" manamit.  Di na ako magtataka dahil wala namang ibang papatol sayo kundi ang mga katulad lang din ni Kim na pinagsawaan ko."

I Love You, Goodbye!Where stories live. Discover now