chapter 1

6K 105 7
                                    

Dear Ce,

How I wish na kasama kita ngayon to celebrate kasi nagpropose na sakin si Luke!

Ce, I'm really, really, really happy! I love Luke very much and I can feel it na mahal din niya ako.

Bahagya kong nilakumos ang hawak na huling sulat sakin ng kapatid kong si Ate Grace.

Ilang ulit ko na itong binasa kaya kabisado ko na bawat letra at damdaming ibinuhos niya sa sulat.

My sister sounded so happy in this letter kaya di ko lubos maisip kung paanong humantong sa ganito ang lahat.

She's missing for almost a month! Halos isang buwan narin akong umalis sa seminaryo para hanapin siya.

Halos napuntahan ko na lahat ng mga kakilala namin at taong pwedeng makapagturo sakin sa maaring kinaroroonan ng kapatid ko.

Dalawa na lang kami sa buhay and it's so not like my sister na hindi kumontak sakin ng ganito katagal.

Sa bawat nagdaang mga araw ay lalong akong nag-alala para sa kapatid ko.

Lahat ng mga nakakausap ko ay iisang tao lang ang tinuturong pwedeng nakakaalam sa kinaroroonan ng kapatid ko.

Si Luke Mon Verde, ang Luke na tinutukoy sa sulat ni Ate Grace.

Ang sabi ng police na humawak sa kaso ng Ate ko ay nakausap na daw nito ang personal assistant ni Luke Mon Verde at wala daw silang nakuhang lead para sa kaso.

Mukhang masasali na sa kaso ng mga missing person ang Ate ko. Kaso ng mga babaeng naglalahong parang bula na may iisang koneksiyon sa bawat isa, they're all Luke Mon Verde's rumored girlfriends.

Nitong mga nagdaang araw ay pinilit kong makaharap si Luke Mon Verde. Ilang beses na akong pinakaladkad sa mga security sa building na pagmamay-ari niya.

Hindi ko alam kung kaninong utos iyon dahil kahit dulo ng daliri ni Mr. Mon Verde ay di ko pa nasilayan man lang.

Gusto ko lang naman siyang makausap tungkol sa kapatid ko pero bakit di niya ako magawang harapin?

Ang tanong, alam kaya niyang hinahanap ko siya gayong ang masungit niyang assistant ang laging humaharap sa akin?

"Please po, gusto ko lang namang makausap si Mr. Mon Verde. Kahit sandali lang po.", halos pagmakaawa ko sa guard na humarang sa akin.

" Pasensiya na Sister, kung donation po ang kailangan niyo ay di naman po kailangang si Mr. Mon Verde ang kausapin ninyo. May mga tauhan po kami dito para sa mga iyan.", magalang na sabi ng guard.

Napilitan akong magsuot ng damit na pangmadre dahil nakabanned na ako sa buong building. Buti naring nakaabito ako dahil kahit pinapalabas ako ay di naman ako kinakaladkad dahil ginagalang ang suot ko.

Di nila alam na iniwan ko na ang seminaryo kaya hindi na ako matuloy sa pagiging madre.

Lulugo-lugo ang tumungo palabas ng building dahil kahit pala madre ay di makalulusot sa security ng building na ito.

"Wala pala si Sir Luke ngayon noh? Nasa Isla Verde pala siya at si Ms. Kim ngayon ang nasa opisina niya."

Napabaling ako sa dalawang empleyadang kasabayan ko sa paglalakad. Si Luke Mon Verde ba ang pinag-uusapan nila?

I Love You, Goodbye!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon