Simsimi (3)

1 0 0
                                    

Margot's POV



"Be careful what you wished for cause you just might get it ...."


Nagising ako sa tunog ng phone ko.

I didn't know that was my alarm. Who set that up?



"Hi sleepy head! Rise and shine!" napatayo ako nang wala sa oras nang marinig iyon sa isang lalaking hindi ko naman kilala.




"Holy S**, who the hell are you?!" sa sobrang gulat ko, nadapa ako dahil di ko napansin ang kumot sa paa ko. Narinig ko siyang tumawa ng mahina.


Hindi ako nagpaapekto, tumayo ulit ako tumakbo sa may drawer ko, naghagilap ako ng kahit na anong pwede kong maibato sa kanya.


Juskopo. Pinasok na yata ako ng magnanakaw.


Pinagbabato ko siya ng lahat ng mahawakan ko. Suklay, salamin, towel, make-up brushes at mga bags. Umiiwas lang siya.


Takte bakit ganun, sa dami ng binato ko wala man lang tumama?


Mamatay na yata ako sa kaba ngayon. Nakaharang siya sa may pintuan, bukas naman yun pero sa paanong paraan naman ako makakalabas? Paano ako makakatakas?


Tumingin ako sa bintana. Mukhang mas mamamatay naman ako pag doon ako tumalon jaskeeee, naiiyak na ko.


Bigla kong naalala yung aso ko. Siya na lang tangi kong pag-asa huhu.


"GUMBALLLLLLL!!!!!!!!!!!!!!" I screamed at the top of my lungs! Grabe sa laki ng bahay na to sana marinig niya ako.


"Arf! Arf! Arf!" Narinig ko ang aso ko at nabuhayan ako ng pag-asa. I'm saved!!!


"Gumball please help! Bite that trespasser!" Utos ko sa kanya.


Natuwa ako bigla siyang dumamba sa lalake. Woooaaahhhh sa wakas may pakinabang na yung aso ko. Bibigyan ko siya ng treats pag nabuhay kami pareho.



"Wait, What?!!" laking gulat at pagtataka ko nung makita ko si gumball na ngayon ay dinidilaan sa mukha ang lalake na para bang matagal na silang magkatropa.



"Gumball you! You! You!" Hindi ako makapaniwala. Taksil ang aso ko, hindi ko na alam kung ano ang idudugtong ko sa halo-halong galit at inis na nararamdaman!


"wahhhh! Don't kill me! What do you want? I'll give you anything but just don't kill me!" wala na akong magawa, I know it's end game for me kaya napaluhod at napaiyak nalang ako habang nagmamaka-awa sa lalake sa harap ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 29, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Simsimi Love StoryWhere stories live. Discover now