Simsimi (2)

11 0 0
                                    



Margot's POV



"Walanjo ka naman gumball! Hindi mo manlang hinabol yung kumag na yun!"


Sigaw ko kay gumball na may halong asar at inis. Grabe lang ha! Buong loob ko siyang ipinagmamalaki sa inyo na atapang a aso siya tapos hindi manlang kumibo nung may nang-argabyado saken. Psh.


Tumingin ako sa kanya, nakatitig lang siya sa ice cream na nahulog sa lapag kanina nung pilit kong tinatanggal sa likod ko.


Walastek naman yan! Gag* amput* ang gumawa talaga niyan.


Sino ba naming may matinong utak ang gagawa nun??!


Dinampot ko yung ice cream, buo pa rin siya sa cone niya, may takip naman kaya hindi nagkalat sa damit ko kanina pero grabe lang talaga. Abnuy siguro yun tsk.


"So ano gumball, ok lang sayo na ganunin ako nang kung sino basta para sa ice cream ganun? Mas mahalaga pa ba ice cream sayo ha? Ha? Ha? You're unbelievable." Pagmamaktol ko sa aso kong adik sa ice cream. Lesheee. Akala ko pa naman mahal ako ng aso ko. Ice cream lang pala ang katapat.

Lumapit siya saken, inamoy-amoy ang ice cream at saka nagpacute.


Ayan tayo e, dadalihin ako sa mga pa-cute niya. Tsk.


Hindi ko binuksan yung ice cream, eto nalang ang parusa ko sa kanya. Aba mag-antay siyang makauwi kami. Magbibihis muna ako. Feeling ko sisipunin ako sa lamig ng likod ko.



-------------------------


"You have a new mail!" narinig ko ang notif galing sa laptop ko. Ano spam nanaman ba?


I opened the email, medyo na-shocked ako kung kanino galing. Medyo lang naman hehe.


"Hi dear, how are things going? I'm sorry I couldn't write you letters most of the time. There's been a lot of things to take care of, reason why I can't go home as well. I hope you're ok. Sending hugs and kisses!" Malamya kong pagbabasa sa padalang email ni mommy.


What's new? Saka lang naman nila ako naaalala pag yung tipong 6-12 months na silang hindi nagpaparamdam. Tsk. Family. Pshhh. Nonsense.


If you are wondering about my family background, well, walang kwenta talaga. As in.


I know I should still be thankful and grateful na parehas pang buhay ang mom and dad ko but I just can't help to feel bitter and hopeless.


Why??


Well, solong anak ako. Yeeeeaaahhh. Solong anak nila.



They have their own families na. I have a broken family. Fun right?

Simsimi Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon