Chapter 3 Save by Hawk Eye?

Start from the beginning
                                    

***END OF MEG POV***

****

***BRENDON POV***

KANINA ko pa nakikitang pagala-gala si PANGIT. Iyong b-in-ully ko kanina. Iyong babaeng parang hindi marunong magsuklay. Basta siya! Hindi niyo ako masisisi kung laitin ko man siya. E, sa napapangitan ako sa mukha niya.

Nandito ako sa di kalayuan. Nagmamasid. Hindi ko siya sinusundan! Aksidente lang ang pagkakakita ko sa kanya. Basta pinanunuod ko lang ang katangahan niya.

Panay ang kamot niya sa kanyang buhok. Marami sigurong alagang kuto. Hindi nagtagal ay may lumapit sa kanyang lalaki. It's heartbreaker, one of my members before. I terminate him last week. Dinidungisan kasi niya ang maganda kong Clan.

By the way, I'm Brendon Miguel Smith. Founder of EDRC. Ang may pinakamagandang Clan sa school na ito. Ang kumuntra PANGIT!

Kumunot ang noo ko sa nakita. Hinayaan lang ng PANGIT na iyon na akbayan siya ng kapwa niya at dalhin sa kung saan.

Bakit ba ganyan ang mga babae? Kunting bola lang sumasama agad? =__=

Tsk! Tulad lang ng iba ang isang ito. Napaka-uto-uto. Pangit na nga! Uto-uto pa!

Natigil ako sa pagkukutya sa kanya sa isip nang may kung sino ang umakbay sa akin.

"Sino ang tinitingnan mo pare ko?"

Hindi ko na kailangang lingunin pa ang nagsalita. Dahil boses pa lang ng taong ito ay kilalang-kilala ko na. Umayos ako sa pagkakatayo at tinanggal ang kamay niyang nakaakbay sa akin.

Tinatamad na tinitigan ko siya. Medyo masama pa ang loob ko sa kanya. Tinulungan kasi niya si pangit kanina.

By the way, this guy is my bestfriend. It's Jared a.k.a Sky walker, he is the sub founder of my Clan.

Iniwan ko na siya. Wala na akong panahon para kausapin siya. May bagay pa ako na dapat asikasuhin. Huwag niyo na akong tanungin pa. Hindi ko naman sasabihin sa inyo.

***END OF BRENDON POV***

****

***MEG POV***

NALULUHA na ako. Gusto kong sumigaw ng tulong ngunit alam ko naman na walang makakarinig sa akin. Ang akala ko kanina, tutulungan ako ng lalaking kumausap sa akin. Hindi ko inakala na dadalhin niya ako sa rooftop.

Eksaktong paglabas ko ng pinto, bigla na lang niya akong hinila at tinulak papunta sa pader. Ang sakit ng ginawa niyang pagtulak. Buti na lang, hindi nabali ang mga buto-buto ko sa katawan.

"Ano ba ang kailangan mo sa akin?" T__T

"Kilala mo ba kung sino ako?" wika niya, sabay ngiti ng nakakaloko.

"H-hindi..." >__<

Kung alam ko lang ang tunay na pag-uugali niya. Peksman, hindi ako sasama sa isang tulad niya.

Clash of CLANS 1 : EDRC vs. RDRC(COMPLETED)Where stories live. Discover now