3

27 1 0
                                    

3

"Sinong naghatid sa iyo kagabi, Kiana? " Hindi pa man ako nakaupo tinanong agad ako ni Kuya Ace

Wala man lang good morning?

"Si Elizer" Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi ng dahil sa kanya. Ng dahil sa sinabi niya nung nag papanggap akong tulog.

Kumain nalang ako ng walang imik. Hindi narin naman sila nagsasalita. Alam kong may hangover pa tong si Kuya, Halata naman sa mukha niya. Pero papasok pa rin naman siguro siya dahil nakaligo na siya hindi nga lang nakauniporme.

Si Ate naman halatang hindi maayos ang tulog dahil sa eyebags niya. Mukhang matagal talaga silang nakauwi kagabi.

"Hintayin niyo lang ako dito. Magbibihis lang ako" Saad ni kuya at pumunta na sa kwarto niya. Talagang papasok siya kahit na may hang over pa siya. Umupo muna ako sa sofa habang nanonood ng tv.

"Bakit ka hinatid ni Elizer kagabi?" Biglang pagtanong ni Ate...

"Hindi ko na kayo nahagilap kagabi atsaka inaantok na ako. Sumama nalang ako ng mag aya siya. "

"May girlfriend na siya" Nagulat ako sa sinabi niya. Bakit niya sinasabi to sa akin?

"A-Anong pake ko? " I tried to talk normally. Anong pake ko kung may Girlfriend na siya? It's his life after all.

"Nothing. I'm just reminding you" Hindi nalang ako umimik. Sakto namang bumaba na si Kuya kaya lumabas na agad ako.

Habang nasa sasakyan kami tunog lamang ng radyo ang nariring ko. Habang nagmamasid ako sa labas biglang pumasok sa isipan ko ang sinabi ni Ate kanina.

Bakit pa niya kailangang sabihin yun kagabi kung may girlfriend naman pala siya. Bakit ko ba binibig deal yung sinabi niya kagabi?

Hindi naman dapat talaga ako magulat. At his age talagang mayroon na siyang girlfriend kaya i don't need to be surprised about it.

Pagdating namin sa school hindi na ako sumabay sa kanila pagpasok. Tumungo agad ako sa Classroom.

Bago paman ako makaliko papunta sa classroom ko nakita ko si Elizer. Anong ginagawa niya sa Building namin?

Dinaanan ko lang siya. Pero bago pa man ako makalayo sa kinatatayuan niya bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Kaya napaharap ako sa kaniya.

"Are you ignoring me? " Hindi ko naman siya iniiwasan. Pero i know may limits na ako. Lalo pa't may girlfriend na siya atsaka i didn't know him too well.

"H-Hindi. I'm just not in the mood right now. " Bigla nalang nawala ang gana ko pag alis namin kanina. Maganda naman ang gising ko

"Did you sleep well? " Pumunta ba siya dito para lang tanungon ako niyan? Wow,Efforts.Dapat dun nalang siya sa girlfriend niya mag tanong niyan. I'm just a sister of his friend.

"Yep. If you don't mind I really need to go" Naglakad agad ako patungo sa silid namin. Hindi ko na kayang mapalapit sa kanya. Lalo pa't kami lang dalawa. I don't know why I feel some strange feeling. Hindi naman ako ganito dati eh.

Habang nagkaklase kami walang pumapasok sa isipan ko. These past few days talaga wala na ako sa sarili ko. Nakatutok ang mata ko sa harapan pero sa iba naman umiikot ang isipan ko.

Sino kayang girlfriend niya?  Alam kong maganda yun dahil ganun ang mga tipo niya. Maganda rin naman ako siya pa nga mismo ang nagsabi non.

"Huy! Kanina ka pa wala sa sarili mo ah. Baka may tinatago ka sa amin. May boyfriend ka na no? Baka sinagot mo yung si Tiangco?" nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Cielo sa gilid ko. May lahi ngang bulate. Inirapan ko lang siya.

"Wala akong tinatago, okay? Meron lang akong iniisip"  Hindi ko rin naman nakikita si renz kaya hindi pa ako nakakuha ng tiyempo para kausapin siya

"Huy! Alam mo bang may surprise na ginawa yung kaibigan ng kuya mo, si Elizer, atsaka balita ko girlfriend niya yun."

Nagulat ako sa sinabi ni Cielo. Kanina hinintay pa ako pero baka naman iba talaga ang pinunta niya doon.

"Ano namang pake ko sa surpresa niya? Buhay niya iyon"

"Ay bitter ang peg. Sagutin mo nalang si Renz baka mas bongga pa ang surprise niya sayo"  saad ni Cielo at sabay pa sila ni Aianne na humahikgik

Inirapan ko nalang sila dahil mas lalong lumala ang badtrip ko. Maybe mag uunwind nalang ako mamaya. Pupunta siguro ako sa park sa subdivision namin.

"Kain na tayo, nagugutom na ako." sabi ko sa kanilang dalawa.

Tumungo na kami papuntang canteen pero bago paman kami tuluyang makapasok may biglang humarang sa harapan ko

"Hi, Miss Beautiful"  Si Renz pala. Nginitian ko lang siya at akmang aalis na nang pigilan ako kila Cielo.

"Hephep. Saan ka pupunta? Kitang kinakausap ka ng manliligaw mo. Renz pwede mong hiramin ang maganda naming kaibigan basta isauli mo nang buo yan."  Letseng nga kaibigan talaga to oh. Mga walang hiya. Nagmamadali silang umalis kaya wala na akong magawa.

"Tara pasok na tayo. Mukhang gutom ka na" hinigit niya ako papasok sa canteen. Nakaka awkward naman ng sitwasyon nato. Mga letse talaga sila

"Maghanap ka nalang ng table, ako na lang ang mag oorder" sabi ni Renz. Kaya pumunta ako sa table for two. Habang naghihintay ako nakita ko ang grupo nila Kuya Ace kasama narin sila Cielo di kalayuan sa inuupan ko. Nakita ko rin si Elizer na may katabing babae.

Siguro iyon yung girlfriend niya. Maganda naman atsaka pasok sa standards niya. Familiar din siya sa akin. Pero mukhang nakita ko na talag to eh. Hindi ko lang talaga makita ng maayos ang mukha niya.

Kinawayan ako nila Cielo kaya napatingin sila Kuya Ace sa pwesto ko. Sakto namang dumating na si Renz dala ang inorder niya kaya kumunot ang kilay ni Kuya.

Patay talaga ako neto. Bahala na sila Cielo na mag explaine kay Kuya.

Habang kumakain kami wala kaming imikan pero nakikita kong panay sulyap siya sa akin kaya naiilang ako. Pero nginingintian ko rin naman siya.

"Kiana, Gusto kong tanungin to sayo ng personal."

Seryoso ang pagkakasabi niya dun. Hindi paman niya tuluyang nasasabi pero may ideya na ako kung ano iyon. Pero wala akong ideya kung ano ang isasagot ko.

"Ang alin?" Pagmamaang maangan ko.

"Pwede ba kitang ligawan?" Habang pinagmamasdan ko siya, kita ko sa mga mata niya ang pagkasincere. Pero hindi ako sigurado sa kung ano ang isasagot ko

Ayaw ko siyang paasahin dahil baka hindi ko kayang masuklian ang nararamdaman niya. Pero why don't i give a try?

Nilingon ko ang pwesto nila Elizer at tama na rin siguro ang nasilayan ko para malaman kung ano ang sagot ko.

"Yes"

*******

Back To YouWhere stories live. Discover now