Introduction

31 1 2
                                    

Kiana Greyson

"Hindi ka ba talaga sasama sa amin Kiana? Bahala ka sayang ang libre" Pamimilit ng pinsan kong si Clint. Pupunta sila sa Code Bar ngayon na pagmamay-ari niya kaya libre ang drinks. Galing ako doon kagabi, Tinatamad ako at nakakaumay na ang paligid ng bar.

"Hindi nga, Tinatamad ako" Bahala sila doon, Ayokong kasama tong mga pinsan ko, Hindi ako makapag Boy Hunting kaya Wag nalang.

"Akala mo di namin alam na mayroon kang lalaking kasama kagabi, Isusumbong kita sa Daddy mo" Sa susunod di na ako sa code bar iinom, May mga cctv doon kaya nakikita ako ni Clint, Pakialamero talaga.

"Lumapit lang yun sakin, Gustong makipagkaibigan." Kailan ba aalis tong mga taong to.

"Kaibigan daw?" Pang-aasar ni Luke isa rin sa mga pinsan ko. May kapatid siyang babae si Elie doon nalang sila magkikita sa Bar.

"Ewan ko sa inyo, Umalis na nga kayo mga istorbo, Uri alis na kayo isama mo tong mga pakialamero mong pinsan" sabi ko sabay irap. Si Uri naman kapatid ni Clint. Pero hindi yan nagkakasundo, Si Clint mahilig sa babae at maraming Girlfriends. Si Uri naman seryoso, Meron na siyang girlfriend si Lian..

Tumawa lang ai Uri at hinigit na si Clint at Luke. Salamat naman at umalis na ang mga ugok, sarap pang-umpugin.

Wala akong planong gawin ngayong gabi, Galing ako sa opisina ko kanina, nakipagkita sa akin si Daddy. Umuwi kasi si Daddy dito sa Cebu para i monitor ang kompanya, kaya hindi muna ako pupunta sa opisina bukas.

Hihiga na sana ako para matulog na tapos narin naman akong mag dinner pero may mag text sa akin. Si Lance, siya ang kasama ko kagabing nagbar na nakita ng pakialerong Clint.

Lance:
        Good evening Kiana!  I can't find you here at the Code Bar. Are you here?

Wala naman talaga akong planong pumunta ng Bar ngayon lalo pa't nandoon sila Clint, Pero dahil nandoon si Lance pupunta ako. Ka batch mate ko si Lance nong College kaya kilala ko na siya bago paman kami nag usap kagabi. Hindi ko na siya ni-replyan dahil nagbibihis na ako.

Sinuot ko ang sleeveless black dress ko na hanggang legs ko lang. Meron rin siyang maliit na slit . I just wear my Lace Black Sandals. Simple lang ang make-up ko dahil tinatamad na ako. Pagkatapos kong mag make-up tumingin muna ako sa Salamin.

Ito ang sinayang mo. Napatawa nalang ako sa naisip ko. Hindi niya ako sinayang dahil kahit kailan hindi ako naging sayang para sakanya. Nevermind.

Bumaba na ako sa condo ko at pumunta na sa parking lot. Sumakay agad ako sa sasakyan ko at mabilis itong pinatakbo para madali akong makaabot.

Pagkababa ko palang sa sasakyan ko marami nang bumati sa akin. Well perks of being VIP here. Nginitian ko lang sila. Siyempre plastik.Halos ang iba sa kanila hindi ko kilala lalo na ang mga lalaki,Siguro nakasayaw ko lang sila o nakainuman but I don't really care though.

Pumasok agad ako at bumungad sa akin ang malakas na tugtog na sinabayan ng mga tao. Party People. Luminga linga ako pero hindi ko nahanap si Lance kaya dumiretso muna ako sa Bar Counter at nag-order ng one shot of Tequila. Hindi ko rin planong maglasing ngayon. Siyempre kay Clint ko pina-charge iyon. Alam naman halos ng empleyado dito kung sino ako. Umupo muna ako dito for a few minutes at dahil napagod ako kakaupo pumunta ako sa dagag ng tao at sumali sa sayawan. I'm not drunk nor tipsy, Isang shot lang yun ng Tequila so it doesn't affect me a bit.

Habang sumasabay ako sa sayawan may biglang humigit sa akin.

"I told you to call us if you change your mind" Ito nanaman tong si Cllint eh. Kaya hindi ako malaya dito dahil sa kanya.

" Wala akong load" P*ste tong lalaking to. Paniguradong hindi ko na makikita si Lance ngayon.

"Excuses. " Inirapan ko nalang siya.

"Join us, Nandoon sa table si Elizer" Kinabahan akong bigla. Bakit ka naman kakabahan Kiana? It's just Elizer, He's no special.

"Mas lalong hindi ako sasama sayo. Bitiwan mo nga ako may kikitain ako eh. Pakialamero." Inirapan ko ulit siya. Well forte ko na yata ang irapan si Clint.

"Bitter. Sinong kikitain mo? Yung Lance ba? Umalis na kanina pa. Bagong girlfriend niya siguro ang kasama siya" Paksh*t talaga tong si Clint. Wala na naman siguro akong magagawa dito ngayon.

"Whatever." Kinuha ko ang kamay ko pero dahil mas malakas siya hindi ako nakawala.At dahil P*ste to dinala na niya ako sa table nila.Kaya wala akong magawa kundi sumama nalang.

At tama nga ang sinabi niya nandito nga si Elizer. Matagal tagal narin ng huli naming pagkikita, Maybe years?

Tiningnan ko si Elizer, nginitian niya ako. But I'm not the Little Kiana anymore so I don't smile back. I know it's rude. But he's f*cking rude too.

Akmang tatayo ako pero pinaupo ulit ako Ni Elie. Ngayon ko Lang napansin na nandito pala tong Isang to. I was just so pre-occupied to notice her.

"San ka pupunta? Wala na Yong kikitain Mo. Kasama niya ang girlfriend niya." Hindi naman si Lance ang pupuntahan ko. Siguro may ibang ginagawa na sila ng girlfriend niya. Well I don't care, I'm just enjoying when i'm with him.

"Siya Ba ang pupuntahan ko? I'm just going to dance. 'Ya know this is bar so I can freely dance. "

"Mamaya na, magkwentuhan muna tayo sa 'Friend' Mo, Matagala na kayong Hindi nagkikita diba? So better catch up with him." At diniinan pa talaga ang 'friend'

"I have nothing to talk with him. So if you don't mind I'm just going to the Dance floor. " umalis agad ako para di na ulit ako mahila Ni Elie. Bahala silang mag-usap soon. I'm not interested with his life.

Sumali na ako sa sayawan at marami na agad ang sumayaw sa paligid ko. Well, I'm a good dancer, Sinabayan ko naman sila. May biglang humawak sa bewang ko at sumayaw sa likod ko. I don't know this guy Kaya diretso pa rin ang pag sayaw ko. Hinaplos niya ang kanyang mga palad sa bewang ko kaya napaigtad ako.
Dahil di na ako nakatiis hinarap ko ang nakasayaw ko

"E-Elizer"

"I don't know you can dance like this" at matalim niya akong tiningnan

"Why do you care?"

"You shouldn't dance like that when i'm not around" tinikom ko nalang ang bibig ko. Matalim parin ang titig niya sa akin.

"It's not your f*cking business Elizer. So Leave." Nilabanan ko siya sa pagtitig. Hindi mo na ako madadala sa pamatay mong linya Elizer.

"Everything about you is my f*cking business. Kiana"

*****

Back To YouWhere stories live. Discover now