2

17 1 0
                                    

2

It's been 2 weeks since that day. And It's been also 2 weeks na magkasabay kaming kumain nila Kuya syempre kasama si Elizer. Kahit na umiiwas na ako para hindi lang sila makasabay pero dahil maharot at mapilit ang mga kaibigan ko wala na akong magawa.

"Ki. Sama ka mamaya ha.Birthday ni Nathatlie yung isa sa friends ko" Nandito kami sa veranda ngayon. Kasama ko ang dalawa kong kapatid. Dito lang talaga kami tumatambay pag walang magawa dahil narin maganda ang tanawin at malamig.

"Klase na bukas." Hindi ko rin naman kilala ang kaibigan ni ate Michelle. Atsaka baka ma op lang ako dun.

"Ang KJ jaman eh.Minsan lang ako mag aya!" Minsan lang talaga. Atsaka wala din ako sa mood ngayon

"Ano namang gagawin ko dun? Makinig sa mga pinag uusapan niyo? Atsaka Hindi ko kilala yung kaibigan mo. So i better stay here and rest"

"Pwede ka ring magdala ng friends mo, Duh! Atsaka hindi ka mabobored dun. Kasama rin naman si Kuya."

Tinawagan ko agad si Cielo at Aianne. Syempre sila ang isasama ko,sino pa nga ba? Atsaka gusto ko ring mag unwind, these past few days palagi nalang akong wala sa sarili.

"Napatawag ka Kiana? " tanong ni Cielo.

"Nag aya si Ate na sumama daw ako sa Party ng kaibigan niya. Kaya isasama ko kayo ni Aianne. "

"Ganun ba. Sorry hindi ako makasama ngayon. Galit si Mama kaya magpapakagood girl muna ako. Sorry talaga" Sayang naman.Well baka pwede si Aianne

"It's alright. Magpakabait ka para hindi kana mapagalitan" Tinawanan ko siya para maasar. Minsan lang yan pagalitan ng Mommy niya kaya Minsan ko lang din siya maasar.

Nakailang beses ko na ring tawagan si Aianne pero hindi sumasagot. Busy ang line niya. So I don't have a choice kundi mag isa nalang.

Pagbaba ko ready na sila Kuya at ako nalang ang hinihintay kaya dumiretso agad kami sa bahay ng Kaibigan ni Ate. Pagdating namin sa harap ng gate nila rinig ko na agad ang malakas na sound system. Hindi rin naman siguro to nakakaistorbo ng kapitbahay dahil hindi naman magkadikit ang mga bahay nila.

"Ki, Huwag kang uminom ng marami,Klase pa bukas. At hindi rin tayo magtatagal. " saad ni kuya. Kahit hindi na niya ako sabihan hindi rin naman ako iinom ng marami.

Tinanguan ko lang siya at naglakad na. Nasa unahan ko sila Kuya at may nakasalubong silang mga kaibigan nila kaya naiwan na naman ako. Well, pupunta nalang ako sa table ng mga drinks. Hindi naman ako masyadong maalam sa mga drinks na nandito, Siguro ang familiar lang sa akin ay ang Jack Daniels. Kaya kumuha ako ng isang baso at ininom iyon.

Wala na akong balak na sundan pa ang isang baso kaya naglakad lakad lang ako.

Sa garden ginanap ang party ng kaibigan ni Ate. Meron ring isang maliit na stage sa unahan. Marami siyang bisita kaya marami ring handa. Hindi na rin naman kami kumain dahil late na rin kaming pumunta at tapos na kaming kumain sa bahay.

Hindi ko na mahagilap sila ate, Kaya luminga linga ako. Hindi ko inaasahan na nandito siya.

Elizer

Bakit andito siya? Inaya rin ba siya ni Ate?

Bigla siyang lumingon sa direksyon ko at nginitian ako. Nginitian ko nalang rin siya baka sabihin pang bastos ako. Pumunta ako sa table nila, Si Kuya Ace at Elizer nag uusap. As usual. Si Ate naman may kausap. I think ito si Nathalie.

"Ki, Meet my friend Nathalie. Nathalie she's my younger sister" tama nga ako. Nginitian ko siya at bumati.

Nakaramdam na ako ng antok pero nag sasaya pa sila Kuya kaya wala akong magawa kundi maghintay.

"Are you sleepy? " nagulat ako ng biglang may nagsalita sa likod ko. Si Elizer pala.

"A little" Kaya ko pa rin namang labanan ang antok.

"I can ride you to your house" Ihahatid niya ako? No thanks, Baka hindi ako makagalaw sa kotse niya.

"Thanks, But i need to wait to my siblings. "
Sinabihan pa naman kami nila Mommy na sabay kaming uuwi.

"Okay, just tell me if you need something." Elizer, why are you acting like that? I know he's friendly. But i don't want him to be like that.

Naglakad na siya patungo sa mga kakilala niya. Pero nakikita ko pa rin siyang panay sulyap sa direksyon ko. Halos lasing na ang lahat ng bisita. Ang iba naka ub-ub na ang ulo sa mesa at halatang humihilik na. Panay na rin ang hikab ko. I'ts already 11. Hindi ko na rin mahagilap sila kuya. Wala pa naman akong dalang phone.

Mag isa nalang si Elizer sa table nila kaya lumapit ako doon.

"Hmm. Nakita mo ba sila Kuya?" tanong ko. Gusto ko na talagang umuwi

"Wala. It's already late. Ihahatid na kita" Pumayag nalang ako. Makakauwi naman siguro sila Kuya ng wala ako. Atsaka gusto ko nang matulog.

Habang nasa loob kami ng sasakyan wala kaming imikan. Awkward. Kaya nagtulog tulogan nalang ako. Biglang huminto ang sasakyan at naramdaman kong hinawi ni Elizer ang buhok ko.

"You're really beautiful,Kiana" I heard it right? Did he just say I'm beautiful?

Tinakpik niya ang balikat ko kaya minulat ko ang mga mata ko.

"Nandito na tayo" Totoo ba talaga yun? Bakit parang hindi? Am i dreaming?

Pinagbuksan niya ako ng pintuan. Bago pa ako pumasok nagpasalamat muna ako sakanya.

"Welcome" Nginitian niya ako. Pumasok na agad ako sa bahay. Tulog na ang lahat ng kasambahay.

Habang nagbibihis ako biglang umilaw ang cellphone ko.

Unknown number

Sleep well, Kiana

*****

Back To YouDove le storie prendono vita. Scoprilo ora