Sabay kaming napakalas sa yakap tapos biglang...

A-W-K-W-A-R-D.

Bigla nalang siyang nagkamot ng ulo.

"Aish! Bakit ka naman kasi nagmamadali, ha?! Muntik ka na tuloy masagasaan nung cart! Tatanga-tanga din yung employee e. Bigla ba namang binitawan yung cart?!" [Nai-imagine niyo ba? Hindi yung walkalator a. 'Di ko alam kung anong tawag dun e basta yung ginagamit para daanan ng shopping carts na kapag binitawan mo yung cart, babagsak talaga siya. Try niyo nalang XD]

Tingnan mo nga naman 'to. Pagalitan ba naman ako?

"Aish! Mabuti nalang talaga hindi ka nasaktan! Ang clumsy mo talaga, Kara!"

"Sus. Ang sabihin mo, concern ka lang sa 'kin."

"Ano?"

"Wala! Sabi ko tara na!"

Nauna na naman akong maglakad pero bigla nalang akong napahinto kasi hindi ko naman alam kung saan kami pupunta.

"Jeff, saan pala tayo pupunta?"

Tumawa lang siya at naunang maglakad.

"Hoy, hintayin mo naman ako! Hoy!"

-

Finally! Andito na kami sa cinema. Sus. Manonood lang pala ng movie. Anong klaseng movie naman kaya 'to?

"The Reunion! 'Yun nalang panuorin natin! Ang gwapo ni Xian, tsaka ni Enchong, tsaka ni Enrique, tsaka ni---"

"Aish! Ang ingay mo!" sigaw niya sa 'kin sabay balik ng tingin kay ate na... nagpapacute? "Bourne Legacy, Miss. Dalawa."

"Dalawa po, Sir?"

"Yes, please."

Ay hindi, ate! Dalawa nga dba? Paulit-ulit?

I Think I'm Falling (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon