044 | narration

310 23 22
                                    


Brinelle Seo
perspective

Alam niyo ba kung anong araw ngayon?

It's my birthday.

Bagaman, hindi ko feel na birthday ko ngayon. Oo, alam kong may handa ako dahil isa na akong ganap na adult, but I can't feel it. Parang may kulang talaga.

Siguro dahil sa pag-iwas sa akin ni Felix.

Inaamin ko naman, gusto ko naman talaga siya, kaso hindi ko rin inamin agad. Inaamin ko rin na ayaw ko rin silang magkabalikan ni Ryujin kahit na pumayag ako ay hindi ko nga siya tinulungan. Bakit kung kailan pa ako nagka-feelings sa kaniya, saka pa siya lilipat kay Ryujin? I'm such an idiot for not recognizing his feelings. Hindi ko alam na nasasaktan ko na pala siya. Hindi ko alam na madali pala siyang sumuko. Ngayon ako na tuloy 'tong habol ng habol sa kaniya, we shifted our positions.

Nandito ako sa bahay namin, in living room rather. May kalakihan pero kami lang nila Mama at Kuya Changbin ang tao sa bahay. Hinandaan nila ako ng pagkain tulad ng fried chicken, rice cakes at iba pa. Sabi ko na sa kanila ayaw kong maghanda dahil aksayado lang naman sa pera but they insisted. Adult na naman ako kaya dapat daw bigyan ako ng special celebration.

Naglibot ako sa sala. Marami akong nakikitang balloon at mga banderitas na dinesign-an ng kuya ko. Naalala ko tuloy yung kaibigan ko dati na si Nari, meron siyang phobia sa balloons.  Hindi ko na alam kung nasaan na siya ngayon. I miss her so much.

"Brin, pabukas naman. May nag-do-doorbell sa gate," utos ni kuya Changbin. Tumango lang ako.

Nang makarating ako sa gate, nanlaki ang mata ko nang makita ko sa harapan ko ang matagal ko nang hinahanap na kaibigan.

"NARIIIII!" niyakap ko siya nang mahigpit. Naiiyak tuloy ako, bakit ba kasi ang tagal niyang nawala?

"Uhm, napipirat ako."

"Ay sorry." paumanhin ko sa kaniya. Hindi pa rin siya nagbabago. Nari has short hair, may salamin at singkit ang mata. She's known to be the nerd type, pero minsan madaldal din. She broke the stereotype of being a typical nerd.

"Happy birthday Brin! Sorry ang tagal kong nawala. Kagagaling ko lang ng Japan," sabi niya. not mentioning she's half Japanese-half Korean.

"Regalo ko nga pala sa'yo," binigay niya sa akin ang isang cake. Napangiti ako at nagpasalamat sa kaniya.

Pinapasok ko siya sa loob ng bahay. Inasar ko pa siya dahil sa crush niyang si Kosuke. Bagay sila, parehong Japanese.

(a/n: sorry naadik lang ako sa under nineteen at hnb HAHAHA)

"Crush ko nga si Kosuke. Ang galing niya kasi sumayaw tapos ang gwapo pa hehe." pag-amin niya. Lumalandi na pala 'tong nerd na 'to.

"Naks naman, lumalandi. Aral muna uy," kinurot ko siya sa pisngi.

"Bakit ikaw? Lumalandi ka nga rin kay Felix," speaking of Felix, bigla akong natameme. Hindi ko pa rin matanggap na bumalik na siya kay Ryujin.

"Kay Ryujin na iyon. Hindi na niya ako pinapansin," malungkot na sabi ko.

"Ha? Bakit?" tanong niya. Pinaliwanag ko sa kaniya ang lahat-lahat at naintindihan naman niya.

soulmate ╱ lee felixМесто, где живут истории. Откройте их для себя