015

360 17 42
                                    


Seo Changbin
active 3d ago

5:57 pm

Felix:
changbin hyung

Felix:
changbin hyung

Felix:
changbin hyung

Felix:
bakit hanggang ngayon di ka pa rin online? taga-bundok ba? ilang kilometer na nilakbay mo?

Felix:
yung baba mo kamusta na? napagod ba?

Changbin is online.

Changbin:
gusto mo makutusan, yongbok?

Felix:
bakit ba hobby niyong magkapatid na tawagin akong yongbok? :( nakakaiyak

Felix:
ang gwapo-gwapo ko pa naman tapos yongbok pa tawag niyo sa'kin

Changbin:
bakit ba istorbo ka? may ginagawa pa ako dito

Felix:
ano bang ginagawa mo?

Changbin:
nagtitinda ako ng sorbetes dito. ang dami ngang bumibili sa'kin eh. tapos nagchachat ka pa.

Felix:
naks. 'di mo lang ako nainform. may free taste ba? magkano?

Felix:
libre mo na lang 'yan sa'kin, future husband naman ako ni brin eh

Changbin:
masyadong mataas ang pangarap natin 'tol, ah. nakakatol ka ba o nakabaygon?

Felix:
lamok ako kaya di pwede sa'kin ang katol at baygon -,-

Felix:
ang sarap talagang ipapurol ng baba mong matulis

Changbin:
may kailangan ka ba sa'kin o nang-iinis ka lang?!

Felix:
both? :)

Changbin:
ano ba kasi kailangan mo? tsk.

Felix:
kailangan ko lang po ng basbas

Changbin:
basbas? nasisiraan ka na ba ng ulo? felix kailangan mo na bang pumunta ng mental institute?

Felix:
baka ikaw 'yon hyung. wala ka man kaalam-alam na liligawan ko na si brin loves ko

Changbin:
alam ko 'yon kaya huwag mo nang ipalandakan sa'kin

Felix:
basbasan mo na ako. sabihin mo pinapayagan mo akong ligawan si brin

Changbin:
ayoko.

Changbin:
magmakaawa ka muna sa'kin tapos halikan mo yung paa ko

Felix:
hanggang ngayon ba naman 'di pa rin nawawala 'yang kabaklaan mo hyung? tumigil ka na nga HAHAH

Felix:
bakit ko gagawin 'yon, baka mamaya mabaho pa yang paa mo

Changbin:
then manigas ka. di kita papayagang ligawan si brin

Felix:
bakit?! explain in one word.

Changbin:
reason: ayoko.

Changbin:
bakit ba ang kulit mo? mag-aral ka nga muna. puro ka lovelife, palakol naman grade mo

Felix:
hoy may award kaya ako sa school namin

Felix:
best in sml tapos best in my day sa messenger

Changbin:
HAHAHA. nakakatawa.

Felix:
ay basta sa ayaw at sa gusto mo liligawan ko si brin

Changbin:
hindi pwede. suntukan muna tayo

Felix:
suntukan ba 'yan o baklaan?

Changbin:
pakyu

Felix:
hyung i'm not interested

Felix:
talo na yata ako sa'yo hyung. ang dami mong deadly weapon eh.

Changbin:
basta hindi pwede. study first ang kapatid ko.

Felix:
ganito na lang, kapag naggraduate kami, doon ko na lang siya liligawan

Changbin:
dami mo talaga alam, 'no? may pa-graduate ka pa diyan. halata namang 'di mo tutuparin 'yan. tss.

Felix:
wala ka bang tiwala sa'kin hyung? minsan na nga lang umibig ang isang lamok hindi niyo pa hinahayaan.

Changbin:
kilala na kita, felix. kaya ka lang naman interesado kay brin dahil kamukha siya ni ryujin.

Felix:
wala naman akong gusto kay ryujin.

Changbin:
weh mama mo

Felix:
@ Mama tawag ka ni changbin hyung

Changbin:
kaya sabihin mo na kung seryoso ka ba kay brin o hindi

Felix:
seryoso po ako sa kaniya, mr. seo. itaga mo pa sa abs ko

Changbin:
tignan lang natin.

Changbin went offline.

soulmate ╱ lee felixWhere stories live. Discover now