009 | narration

526 24 41
                                    


Brinelle Seo
perspective

Papunta na ako sa rooftop kung saan kami magkikita ni Felix. Kakatapos lang ng English class namin kung saan nag-eexcel si Riyu a.k.a unloyal sa bias. Siya na matalino, psh.

Kung pwedeng tumanggi na lang ako kaso nakakainis kasi pumayag naman ako sa pagyaya niya. Okay, what the hell is happening to Brin?

'Di naman ako galit kay Felix, eh. Mahiyain lang ako despite of being boyish. Mahilig ako sa dark things, tulad ni Kuya Changbin, pero nahihiya pa rin ako kapag kaharap ko ang sinumang lalaki sa mundo.

Lalo na't famous si Felix sa school na pinapasukan ko. Mas mabuting umiwas-iwas muna ako at baka madawit pa ako sa gulong hindi ko inaasahan na mangyari.

Alam niyo ba na ayoko sa freckles? 'Di 'yon si Felix kundi sa freckles ko. Yeah, pareho kami may freckles pero mas madami 'yung sa kaniya. The reason i don't like them is because I always bullied by my classmates way back then.

'Di rin ako kagandahan. Hindi ko rin makuha si Riyu na panay sabi sa'kin na kamukha ko raw 'yung Shin Ryujin. Naiimagine ko pa lang siya pero sa tingin ko magandang babae siya. Kaya nanliliit ako sa sarili ko. Matangkad ako, siguro mga 5 feet 6 inches. Medyo malapit ko na matangkaran si Kuya Changbin kasi ang liit niya. Hahahaha!

Maingay ako at the same, I'm silent kapag hindi ko masyadong kilala yung kausap ko. I'm ambivert. Introvert plus extrovert. Sometimes, I prefer alone pero minsan kasama ko sila Riyu, Jin, Kris at Rein

Pero may kulang pa rin talaga. I suddenly miss Ate Gia, the oldest of our group. Naawa tuloy ako kay Minho at Jisung, hanggang ngayon di pa rin sila maka-move-on.

I snapped out of my thoughts nang makarating na ako ng pintuan papunta sa rooftop.

Pumasok na ako pero iba ang nasaksihan ko.

Walang tao sa rooftop.

Pumasok ako at lumingon-lingon sa paligid. Nasaan na si Felix?

"Oi Felix, nasaan ka na?" tanong ko sa hangin.

"Lee Yongbok kapag hindi ka pa lumabas diyan, I swear, patay ka sa'kin 'pag nakita kita!" sumigaw na ako. Kasi naman, eksaktong oras ako nandito tapos wala pa pala siya. Puta, ang ayoko sa lahat yung pinapaasa ako, eh.

Hindi ko na makita yung paligid nang may nagtakip sa mata ko. Siniko ko siya sa tiyan.

"Aray!"

"Saan ka ba nagtatago?" nakapamewang kong tanong sa kaniya. Umayos siya ng tayo at siya pa ang may ganang magsalubong ng kilay ngayon!

"Bakit mo ako tinawag na Yongbok? Alam mo bang ayokong-ayoko ng pangalang 'yon?" tanong niya. Nakasimangot siya. Ano ba 'yan, parang maliit na bagay.

"'Di sinasagot ng tanong ng tanong din," umirap ako. Ngumisi lang siya tapos kumuha na siya ng lunchbox sa bag niya.

"Kain na lang tayo, nagugutom na ako, eh," sabi niya at nag-indian seat siya sa sahig.

Kain lang, walang tayo

"Oo nga pala, gusto mo ng coke?" nag-alok siya ng coke-in-can sa akin. Kinuha ko na lang 'yon 'saka tahimik na kumain ng lunchbox na kakalabas ko pa lang. Kanin at chicken lang ang ulam ko.

"Since nandito na rin naman tayo, bakit kaya hindi natin kilalanin ang isa't-isa?" ngumiti siya sa'kin. I stare at his face bago ko pag-isipan ang tinanong niya.

Kilalanin ang isa't-isa? Grabe, masyadong pahalata si Felix na gustong-gusto niya ako.

"Oh bakit ayaw mo ba? Sige huwag na lang," bumalik siya ulit sa pagkain. Kunwari nagtampo siya kaya umiling ako.

"H-hindi, sabi ko oo. Magkwento ka lang." nauutal kong sabi. Bakit ba ako nauutal kapag kausap ko siya?

"Hahaha! Ang cute mo talaga." sinamaan ko siya ng tingin dahil nga bigla akong nag-blush.

"Nag-bblush ka kaya, ayiee--"

Napa-'achoo' ako kunwari para 'di na niya ituloy yung pang-aasar niya sa'kin. Shemay! Bakit ba ang kulit ng lalaking 'to?

"Brin, naligo naman ako. Three times a day pa nga kung tutuusin." then he laughed.

"Eh kasi naman eh. Nakakainis ka." tumalikod na lang ako para 'di niya mapansin ang kagagahang ginagawa ko ngayon. Nakakahiya ka Brin, bakit ka ba kasi namumula? Si Felix 'yan haler, at alam mo namang hindi ka magpapaapekto sa lamok na 'yan.

Pero bakit gano'n, mukhang ang lakas ng charisma niya sa'kin kaya ako nagkakaganito? Putakte, I need to hajima.

Tapos na siya kumain ng lunch niya samantalang 'di ko pa tapos 'yung akin.

"Ang bagal mo naman kumain. Gusto mo tulungan na kita ubusin 'yan?" pagprisinta niya pero tinanggihan ko agad.

"No thanks." umiling ako sabay kumurot ng chicken. Nang maubos ko na 'yung balat, saka ko kinain yung natitirang laman hanggang sa umabot na sa buto.

"Brin, that's not the right way to eat chicken," pinagsabihan niya ako pero ni paglingon hindi ko magawa. Mahirap na, baka mamula na naman ako at asarin na naman ako.

"Huwag mo nga akong pakialaman!" sabay simot ko ulit ng chicken. Hindi ko talaga maiwasang mabwisit sa tumatawang lamok na nasa tabi ko. Bigwasan ko 'to 'pag nabwisit ako.

"Hahaha! 'Di marunong magsimot. Nagmana nga kay Changbin hyung. Pareho pang payatot. Hahaha!" nang matapos na ako sa pagkain, doon na ako tumayo at lalabas na sana ako ng rooftop. Ang ingay ni Felix, naririndi ako. Lamok nga talaga tupangina. Paano ba patahimikin ang mga lamok?!

"Huy saan ka pupunta? 'Di pa time, please stay here." napatigil ako sa paglalakad doon sa huling sentence na binitawan niya. So masyado na ba talaga akong marupok?

Best in marupok award goes to Brinelle Seo.

"Look, sorry kung na-offend kita. Gusto ko lang kasi na ano...mapansin mo ako sa mga actions ko. I hope you understand." he huskily said that made me blushed. 'Di ako makalingon sa kaniya dahil pakiramdam ko mas lalong tumitibok nang mabilis ang puso ko.

After moments of awkward silence, tumunog ang bell ng school na rinig na rinig dito sa rooftop. Saved by the bell!

"Una na ako, Felix," walang gana kong sabi at tuluyan nang binuksan ang pintuan ang rooftop. Paglabas ko, tuluyan nang nanghina ang tuhod ko sa mga pangyayari ngayon. Hays, anong nangyayari sa sarili ko? 'Di ko na talaga maintindihan.

soulmate ╱ lee felixWhere stories live. Discover now