027

277 17 1
                                    


Lee Felix
active 30 minutes ago

7:36 am

Brin:
felix,

Brin:
may headset ka? kailangan ko kasi, eh.
seen ✔

Felix is online.

Felix:
ako ba hindi mo kailangan?

Brin:
yung headset kailangan ko hindi ikaw

Felix:
aray naman brin :(

Brin:
pahiram naman, saglit lang. nasira kasi earphone ko, eh.

Brin:
may papanoorin kasi akong movie sa netflix

Felix:
netfelix? AHAHAH

Brin:
netflix hindi netfelix

Brin:
ayaw kasi akong pahiramin ni kuya changbin eh.

Brin:
please?

Brin:
no choice. kung pwede lang sanang hindi manghiram sa lamok na 'to ginawa ko na eh. | not sent

Felix:
papahiramin kita pero sa isang kondisyon.

Brin:
bakit may kondisyon pa? pahiram na kasi ako.

Felix:
bahala ka diyan, manood ka na lang nang walang headset

Brin:
fine, ano ba kasi 'yon?

Felix:
kantahan mo ako

Brin:
ako? kakanta? hindi maganda boses ko.

Felix:
maganda daw boses mo sabi ni riyu.

Felix:
at saka ini-stalk kita. vocalist ka dati sa isang banda. | not sent.

Brin:
huwag ka maniwala doon.

Felix:
oo nga, bakit ako maniniwala sa'yo? eh pag-amin ngang gusto mo ako hindi mo magawa.

Brin:
pwede ba...huwag kang ma-drama.

Felix:
kantahan mo na ako hehe. kahit anong kanta.

Brin:
alam na kaya niya na vocalist ako dati ng isang banda? | not sent

sending voice clip...

sent.

Brin:
🔉------------- 0:38

Brin:
oh ayan na.

Felix:
rewrite the stars? nakanaks isa sa mga favorite songs ko 'to.

Felix:
ang ganda naman ng boses mo, ah.

Felix:
kulang ka lang sa confidence. gusto mo bigyan kita noon? mahalin mo muna ako.

Brin:
kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo. masyado ka nang mahangin.

Felix:
bakit ako kikilabutan? eh sa'yo pa lang natanggal na lahat ng takot ko.

Brin:
puntahan na lang kita sa inyo.

Felix:
hindi na. ako na lang pupunta. ayokong lumalabas ka ng bahay.

Brin:
ang gentleman ng lamok na 'to. | not sent

Felix:
dalawa naman headset ko dito. bigay ko na lang sa'yo 'yung isa.

Brin:
huwag na. baka may kapalit, eh.

Felix:
walang kapalit 'yon.

Felix:
basta nandiyan ka lang, okay na sa'kin 'yon.

Brin:
bawal akong kiligin...| not sent

Brin:
tangina sabi ko nga marupok ako--| not sent

Brin went offline.

Felix:
nag-offline kaya #marupok confirmed si brinelle seo.

soulmate ╱ lee felixWhere stories live. Discover now