XLIX - Until We Meet Again

1.1K 19 1
                                    

Veronica's POV

I woke up nang masakit ang mata ko dahil sa kakaiyak. Sabado na ngayon. The day of Brent's eulogy. Nasulat ko naman lahat ng gusto kong sabihin kay Brent but I don't think kaya ko pang basahin 'yun ulit. Ang sakit kasi talaga.

Bahala na mamaya. Basta sasabihin ko lang talaga lahat ng sasabihin ng puso ko.

"So, Nanay and Tatay talked to me." I heard Veera spoke kaya lumingon ako sa kanya.

"Napagalitan ka ba?" Tanong ko sa kanya. Baka kasi pinagalitan siya dahil hindi siya nag-sabi agad kila Nanay. "Sorry, Vee. . ."

"Hindi naman ako napagalitan." She smiled kaya nawala naman ang pag-aalala ko. "Pero nagtampo sa akin si Tatay. Bakit daw hindi ko sinabi sa kanya. Eh close pa naman daw kami kaya dapat wala kaming secret sa isa't isa."

Tiningnan ko na naman siya. Pinagti-tripan na naman yata ako ni Veera.

"O, why are you looking at me like that?" Natatawang sabi niya then she raised her right arm. "Swear! That's exactly what he said!"

Napa-ngiti na lang ako. Mukha naman totoo ang sinasabi ni Veera. Sobrang close naman kasi talaga nila at ganon talaga si Tatay 'pag nagtatampo sa kanila.

Tahimik lang kaming pareho hanggang sa nag-salita ulit si Veera. "Veronica, they think na si Kuya Brian ang tatay. . ."

Napa-hinga na lang ako ng malalim. "Kaya nga. . . I was so scared last night. Hindi namin alam ni Brian ang gagawin kaya nasabi niya kay Tatay that this child is his."

She sighed. "Problema na naman. Ano nang gagawin mo? Will you tell him the truth?"

"Hindi ko alam." Napa-iling na lang ako. "In fact, Brian told me na gusto niyang matuloy ang kasal namin at panagutan ang baby."

Nanlaki naman ang mata ni Veera sa nalaman niya. May sasabihin sana siya sa akin pero hindi niya natuloy. I think hindi niya na rin alam ang sasabihin.

"I don't know what to say, Veronica. Hindi ko rin alam kung anong dapat mong gawin." She finally said. I can't help but to feel sad for her. Sobra na rin siyang naii-stress sa akin. "Pero gusto mo bang ituloy ang kasal niyo ni Kuya Brian?"

Umiling ako. "No, Vee. I don't even know kung kaya ko pang mag-mahal ulit after I lost Brent. At isa pa, Brian doesn't deserve me. He deserves someone na mamahalin talaga siya."

"I just hope that someday, buksan mo ulit ang puso mo, Veronica." She sighed. "And don't think na hindi ka deserve ni Kuya Brian. Or ng kahit sino. You deserve to be loved."

●●●

Nandito na ulit kami ngayon sa punerarya. Ngayon ko lang na-realize na isang beses ko pa lang pala nakita si Brent simula nang mai-uwi siya dito kaya lumapit ako sa kanya para tingnan siya.

Ang gwapo pa rin talaga ng mahal ko.

Miss na miss na kita, Brent. . .

Lumapit sa akin si Brian then he put his hands on my shoulders bago niya ako binulungan. "Magsisimula na, Veronica. Do you want to go first?"

Brian told me na si Tita Briana daw dapat ang mauuna but she got emotional again. Si Tito Harry naman, kino-comfort si Tita Briana ngayon.

"Is it okay with you?" Tanong ko sa kanya. Siya na rin kasi dapat ang mauuna pero gusto ko na rin matapos ako dahil baka mag-break down din ako like Tita Briana.

He nodded kaya pumunta na ako sa harap to do my eulogy.

I cleared my throat bago ako nagsalita. "Uhm, hi. I am Veronica Marie Tuazon and I'm one of Brent's. . . Closest friends."

Napa-lunok ako after introducing myself. Everyone's looking at me. I saw Moira na namamaga pa rin ang mata kakaiyak but she managed to give me a small smile. Ganon din ang ginawa sa akin ni Veera nang mapatingin ako sa kanya.

"Nakilala ko siya because I'm his brother's girlfriend. . ." Napalunok ako nang sabihin ko 'yon. Ito na naman, nagsisinungaling na naman ako. Napatingin naman ako kay Brian but he avoided my gaze. "And since then, we became very good friends."

"You know what, at first, we really hate each other. Medyo may kasungitan kasi si Brent tapos ako naman, patol nang patol. Kaya ayun, hindi kami matapos-tapos sa pagsasagutan." Napa-ngiti ako when I said that. Naalala ko kung gaano ka-irrational si Brent everytime na nagsasagutan kami kaya inis na inis talaga ako.

"Inis na inis ako lagi kay Brent 'pag nag-aaway kami. Pero ngayon, I realized na handa ko palang gawin ang lahat para lang makapag-sagutan kami ni Brent ulit. Kasi nakaka-miss talaga ang kakulitan niya." Do'n na unti-unting tumulo ang mga luha ko. Kahit isang sagutan lang ulit namin ni Brent, basta maka-usap ko ulit siya.

"Pero kahit medyo masungit at makulit si Brent minsan, deep inside, he has a very good heart. He has dreams. Naging close din kasi kami eventually and when that happened, he showed me a part of him na hindi niya madalas na pinapakita sa iba." Napa-tigil ako sa pagsasalita when a sob came out from me. "I-I can s-still remember lahat nang kinwento niya sa akin. Kung g-gaano niya ka-gustong maging architect."

Again, napa-tigil ako sa pagsasalita. But this time, it's because of someone else's sob. It's from Tito Harry. I remembered na ayaw niyang mag-architecture si Brent because he wants him to take Business Administration instead.

Bigla tuloy akong nakaramdam ng inis sa kanya when I remembered kung paano niya hadlangan ang mga gusto ni Brent noon. I hate him for ruining Brent's happiness. I hate that hindi niya na lang pinagbigyan si Brent when he only have a little time left here in this world.

"L-Let me share a story about Brent and his dreams. Dati I asked him kung bakit gusto niyang mag-arki w-when his Dad wants him to take business ad." Alam kong napatingin sa akin si Tito Harry when I said that pero hindi ko siya pinansin at nagpa-tuloy lang.

"He told me t-that. . ." Napa-hikbi na naman ako. "He wants to be an architect k-kasi he wants to build a house for his future family. And it won't be just a house. . . Because it will be a home. . . A sanctuary for them. Gusto niyang mag-tayo ng bahay for his future family where they can live happily. Kasi. . . K-kasi hindi niya daw nararanasan 'yon sa sarili niyang pamilya."

Nakita kong nabigla ang mga tao sa sinabi ko especially Brent's family. Pero wala akong pake kasi gusto kong ipa-mukha kay Tito Harry kung gaano ka-miserable si Brent dahil sa kanya.

This time, hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Tuloy-tuloy lang ako sa pag-iyak habang naaalala ko lahat nang nangyari the last time I was with Brent.

Nakita ko kung paano siya nangarap. At kung paano niya ako sinama sa mga pangarap niya. His dreams became mine too. Gusto kong matupad niya lahat 'yon kasama ako.

And it hurts because I know na hindi na namin matutupad 'yon. . .

Kasi wala na siya. . .

Hinayaan ko ang sarili kong umiyak bago ko ulit hinawakan ang mic at nag-salita.

"B-Brent, kung naririnig mo ako ngayon, I just want to say na sobra akong nanghihinayang. Because you were taken so early at hindi ka man lang nabigyan ng chance na matupad ang pangarap mo." I said as if he's standing in front of me now at kinakausap ko lang siya. "Pero kahit ganon, I k-know na masaya ka because your brother lived a-and that's exactly what you want to happen."

I was shaking dahil sa sobrang iyak ko pero pinigil ko ulit 'yon para makapag-salita pa ako ulit.

"Ayokong magpaalam sa'yo, Brent, kasi hindi ko talaga kaya. B-But, I'll see you again, Brent." And I can't wait for that time to come.

Hihintayin kong dumating 'yung panahong pwede na ulit tayong magkasama, Brent.

But for now, kailangan muna kitang pakawalan.

Until we meet again, baby ko.

●●●

A/N: Konting-konti na lang 😉

Her Dearest Secret (V Series #2) (#Wattys2019) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now