XXXVIII - Make Things Right

568 12 0
                                    

Brian's POV

Veronica just called to tell me na malapit na daw sila and a few minutes later, they arrived na nga.

"Briana, hi." Tita Tanya greeted my Mom pagkapasok nila sa dining room.

"Hello, dear. I like your dress ha." Mom told Tita Tanya.

Si Dad naman at Tito Viniel, katulad din ng dati. They greeted each other with smiles and hand shakes.

Veronica's worried face was the first thing I saw nang makapasok siya sa dining room namin. She greeted my Mom and Dad pero kitang-kita ko pa rin sa mukha niya ang pag-aalala.

Lumapit ako sa kanya and I took her hand na nanlalamig nga. "Hey, I told you not to worry about this. We'll be fine."

"Uh, sorry. I just can't help it. Paano kung hindi nila maintindihan? What if they get mad or something?" Nag-aalalang sabi niya pa rin.

"We won't know kung hindi natin 'to gagawin." I smiled at her, hoping that it will calm her somehow. "And whatever happens, I'll be here, okay?"

She squeezed my hand bago siya sumagot ulit. "Thanks, Brian. I really don't know what to do kung wala ka."

That sounds nice. I can't help but smile.

We started eating kaya nag-simula na rin ang kwentuhan. While me, I'm still figuring out kung paano ko sasabihin 'to sa kanila.

"Nasan nga pala si Veera? Bakit hindi siya nakasama?" Tanong ni Mom kay Tita Tanya.

"Ay naku, nandun sa Ninang Juliana niya." Sagot naman ni Tita Tanya.

"Ay sayang naman. Di bale, maybe next time?" Sabi naman ni Mom then she turned to us. "By the way, anak. How are you and Veronica so far? I was still wondering kasi kung bakit bigla kang nag-invite for dinner."

"Uhm. . . Actually, Mom we have to tell you something." And this is when Veronica squeezed my hand again.

"Whoa. You seem serious, anak ha? I hope it's not about giving us a grand child yet." Dad joked kaya naman nagtawanan din sila Tito Viniel.

"Actually, Dad it's about the engagement." I started. God! Paano ko ba sasabihin. Tahimik lang si Veronica sa tabi ko but she holds tightly to my hand.

"O, what about it?" Tito Viniel asked. "That would be two years from now pa, right?"

"Uh, yes po, but I'm afraid na. . ." Baka hindi na po 'yun matuloy.

Ugh! Ano ba 'to? Paano ko ba itutuloy ang sasabihin ko?

Tahimik lang si Veronica sa tabi ko. She still looks nervous and until now, hindi pa rin siya bumibitaw sa kamay ko. She even held it tighter.

"You're afraid that what?" Si Dad. This time, nawala na ang ngiti niya. It was replaced by confusion.

"I'm afraid na hindi na—" Itutuloy ko na sana ang sasabihin ko but I was cut off by the pain in my chest.

Napahawak ako sa dibdib ko when the pain got worse. God! Ano bang nangyayari? Bakit sobrang sakit?

"Brian, what's happening? May masakit ba?" I heard panic in Veronica's voice pero hindi ko siya masagot. I can't even speak dahil sa sakit.

"Anak, oh my God! Ano nararamdaman mo? Tell me, please." It's Mom. Just like Veronica, I can hear the panic in her voice. Tears are streaming down her face too.

"Brian, sumagot ka, please." Veronica spoke again and this time she's crying too.

I groaned. "It hurts, Veronica. Ang sakit-sakit." I manage to say.

Her Dearest Secret (V Series #2) (#Wattys2019) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now