XXI - Hubby

681 13 0
                                    

Brent's POV

"Aren't you going to have a celebration with your team mates?" Veronica asked.

Nandito kami ngayon sa bistro malapit sa school namin, may party sa pad ng isa kong team mate ngayon to celebrate our victory but I chose not to go.

Bukod sa wala ako sa mood uminom ngayon, gusto ko ring ma-solo si Veronica. Kanina ko pa talaga siya gustong ma-solo but we weren't able to get out of the gym immediately kasi inawardan din nila yung dalawa pang booth.

"Meron, pero ayokong pumunta. Gusto ko munang solohin ang asawa ko." I told her na ikinapula ng pisngi niya. Cute.

I'm not sure kung bakit siya nag-blush but I hope it's because of me.

"Ang landi mo talaga." Natatawang sabi niya.

"Well, you started it." I answered.

"O, bakit ako? You called me 'wife' first."

I was about to counter that but I remembered na ako nga ang nauna. "But you liked it, aminin mo. You even called me 'hubby'."

"Kinilig ka naman." She teased, hindi ko na lang siya sinagot. But I didn't deny it either. Nagulat nga rin ako nung tinawag niya akong hubby but I actually liked it.

"Nga pala, I have something for you." Sabi ko saka kinuha ang regalo ko para sa kanya.

"Wow, Brent." She said, looking so amazed nang makita niya ang ginawa ko. It's just her sketch from how I see her habang nakatingin siya sa magandang view nung sumakay kami ng Sky Eye.

'Yun ang pinili kong i-drawing because at that time, she looks so pure and innocent and beautiful.

"Ang ganda, Brent. Kamukhang-kamukha ko." Naka-ngiting sabi niya.

Natawa naman ako kasi ang cute niya. "Malamang, eh ikaw 'yan eh."

"Oo nga." She chuckled. "Pero para san naman 'to?"

"Hmm. . . Sabihin na lang natin na wedding gift ko 'yan para sa asawa ko." Napangiti ako when I said that. Parang ang sarap sa pakiramdam na tinatawag ko siyang asawa ko.

"Ang cheap naman ng wedding gift mo." Nagulat ako when she said that.

I like this girl pero minsan talaga nakakainis siya eh.

"Anong cheap?! 'Yung magaganda kong pencil ang pinang-drawing ko dyan 'no! Tsaka ilang gabi ko rin pinag-puyatan 'yan!" Katwiran ko.

"Eh bakit sinisigawan mo ako?!" Singhal niya sa akin.

"Eh ikaw kasi eh." She rolled her eyes at me at tinuloy ang pag kain niya.

Bakit parang kasalanan ko? Siya naman nanguna eh.

"May gift din pala ako sa'yo." Sabi niya kaya bigla akong napatingin sa kanya. "Pero iniisip ko pa kung ibibigay ko sa'yo. Ang cheap kasi ng gift mo eh tapos sinigawan mo pa ako."

Aish! Kahit kailan talaga 'tong babaeng 'to!

●●●

Maaga akong pinauwi ni Mom ngayon para samahan siya mag-grocery. She said that Veronica will come over for dinner at tutulungan pa daw siyang mag-luto kaya na-excite lalo siya.

Hay, yung babaeng 'yon talaga, kung anu-anong panlalait ginawa sa drawing ko kahapon.

Una, sabi niya cheap. Tapos nung pauwi na kami bigla niyang sinabi na parang hindi niya daw kamukha, tapos parang ang laki daw ng ilong. Ewan ko ba sa babaeng 'yon!

Her Dearest Secret (V Series #2) (#Wattys2019) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now