Tahimik kong pinanood ang bawat galaw niya. Dahan-dahan ang paglakad niya. Something was wrong...

"Your Honor..." Iñigo started. "You heard the details of how Kieran Muller Ramirez's life was ended on June 08, 2019 without legal justification, when the accused fatally stabbed him in the chest with a kitchen knife. The prosecution strongly stands with the belief, as supported by evidence and first-hand testimonies, that because of the death of her unborn child and her unhappy marriage with the deceased, the accused, feloniously planned the death of her husband. She convinced him to ditch his security details and to go to a secluded beach house in Batangas. There, waiting for him to be most unsuspecting, plunged a knife into his chest. She was able to kill him with just one stab—one fatal stab. The accused was proven to have taken lessons from a professional—just three months from the night of the accused's deaths. Those incriminating evidence, together with the fact that there is no other person of interest for this case, just proves that the accused is guilty of parricide, and should be given the sentence of Reclusion Perpetua in its highest degree."

Agad akong napa-pikit habang pinakikinggan ang bawat salitang lumalabas mula sa bibig ni Iñigo. I felt Jax's hand squeezing mine. I looked at him, and his eyes promised me that he'd get me out of here... I needed to trust that... I needed to trust in him...

Nang maka-upo si Iñigo ay agad na tumayo si Jax. Rinig na rinig ko ang bawat kabog ng dibdib ko habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

Ngunit bago pa man siya magsalita ay naagaw ang atensyon ko nang biglang umilaw ang cellphone niya.

Joey: Nandito ospital si Cha. Nasaksak sa tiyan paglabas ng coffee shop. Dumiretso ka dito pagkatapos mo jan. Bilisan mo.

Nanginig ang buong sistema ko. Sumikip ang dibdib ko. Paulit-ulit kong binasa ang bawat letra, umaasa na baka mali lang ako... Pero hindi iyon nagbago...

Agad akong napa-tingin kay Jax. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni Jax habang naka-tingin sa akin. Ibinaba ko ang tingin ko dahil ayokong masira ang mga sasabihin niya... ngunit nagulat ako nang makita ko ang mga patak ng luha galing sa mga mata ko.

"Counsel," Judge Marquez called his attention when he wasn't able to say anything. "Please begin your closing argument."

Hindi pa rin niya maialis ang tingin sa akin. Para bang nagtatanong siya kung ano ang mali... Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko... Kung paano ko sasabihin... Kung paano ko sisimulan...

"Your Honor..." he began.

Patuloy ang pagbagsak ng luha ko habang pinapakinggan ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Wala akong maintindihan. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga nabasa ko... Gusto kong malaman kung ano ang nangyari, pero hindi ko magawa.

Hindi ko alam kung paano akong makaka-labas dito... Kung paano ako magiging masaya kung sakaling manalo kami... Paano ako matatahimik kung alam ko na may buhay na nasira dahil sa akin...

Agad akong napa-tingin kay Iñigo. Parang piniga ang dibdib ko nang makita ko kung paano dire-diretsong bumabagsak ang luha sa mga mata niya. Diretso siyang naka-tingin sa harap, pero walang tigil ang pagtulo ng mga luha niya.

Alam niya...

Pero nandito pa rin siya...

Hindi ko maintindihan...

"Iñigo..." tawag ko sa kanya nang matapos ang pagsasalita ni Jax. Sinubukan kong lumapit sa kanya, pero agad akong hinarangan ng mga nagbabantay sa akin.

Nang tignan niya ako, ni hindi ko rin nagawang magsalita. He was only looking at me... but I could feel the pain in his eyes... Hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak...

Play The Game (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu