Chapter 1

30.7K 438 276
                                    

'Duty Calls'

XIN


"May pizza pa ba?"
Tanong ni Hoshi nung nakababa siya at may tuwalya pa sa balikat. Tinuro ko lang 'yung mesa habang nakaupo kami rito sa sofa at nakatingin sa TV. Seth insisted that we should watch the news as 'adults' in the house. Wala namang umangal sa kanya lalo na ngayon na pinangalanan na siyang commander ng mga demigods.

The name is silly, but no one made fun of it since Seth's liking it too much.


"Dad, I need you to sign something. School stuff."
Tiningnan ko kaagad si Xy nung lumapit siya kay Jun at may binigay na envelope. Kumunot lang ang noo ko nung nag-iwas ng tingin si Xy sa akin. Jun looked up at me with a smirk on his lips. "School stuff, huh?" Tanong ko kay Xy at tsaka ko na tinanggap ang papel na pinalipad ni Jun papunta sa likuran ng sofa. Dun ko nakita ang permission slip na gusto ni Xy na umabsent ng tatlong araw. Kumunot kaagad ang noo ko at tiningnan si Xy.


"Why? Are you bored with school?"
Tanong ko sa kanya dahilan para yumuko siya at lumingo-lingo. Tiningnan ko kaagad si Walter na umangat ang gilid ng labi habang nakatingin kay Xy.


"Dolly is at the hospital. He wants to visit."
Natatawang sabi ni Walter kaya tiningnan lang siya ng masama ni Xy. Everyone in the team 'ohh-ed' at Xy kaya nakita ko ang pamumula ng tenga at pisngi niya. It's still new to me on how Xy blushes just like how Jun does. "Tatlong araw na visit? Visit pa ba tawag dun?" Tanong ni Hoshi habang kumakain ng pizza dun sa mesa. Hindi nalang kami sumagot dahil parang sasabog na si Xy.

Itinaas ko nalang ang kamay ko at agad nang naglanding sa palad ko ang ballpen dun sa mesa. Pinirmahan ko kaagad 'yung slip at pinapirma narin si Jun. Lastly, Seth signed the last slot. Kailangan kasi ng tatlong pirma 'yung slip.


"You need a guardian, right?"
Tanong ni Seth at hinawakan muna ang papel habang nakalahad naman ang kamay ni Xy at naghihintay na ibigay ni Seth 'yung papel sa kanya. Lumingo-lingon lang si Xy dahilan para kumunot ang noo ni Seth. "No, you probably need a guardian. I'll put down my name." Umangal kaagad si Xy bago pa man makasulat si Seth dun sa permission slip at kinuha 'yung papel. Tiningnan lang siya ni Seth at nagkatitigan 'yung dalawa.


"You just want to see Ate Addie. Don't use me as an excuse, Tito Seth."
Nagtawanan agad 'yung iba dahil sa sinabi ni Xy kaya natawa narin ako habang napaawang lang ang bibig ni Seth.


"Hey! You're also making us as an excuse to see Dolly!"
Sumbat rin ni Seth sa kanya. Look at him. The eldest and the leader of Team Alpha is quarrelling with a demon kid. He really is the fake youngest in the group sometimes.


"Oo na! Put down your name.. po!"
Inis na sabi ni Xy at ibinalik 'yung slip kay Seth. Seth just wiggled his eyebrows at put down his name. Ngumiti kaagad siya kay Xy at binigay na 'yung slip sa kanya. Tiningnan lang namin si Xy na tumatakbo kaagad papunta sa kwarto niya habang nakangiti.

Tumingin nalang ako sa team na nakatingin na mula sa TV. I like it like this. We're complete. We're at peace and we've got nothing to worry about.



✥✥

"The middle realm is managing their barriers well. Nakagawa narin ng panibagong barrier si Xin para sa kabilang realm. She even managed to close the gates of the dark realm which we were all talking about earlier. And lastly, she already blocked all the trolls from coming to the Pixie realm." Tiningnan ko lang si Miu na parang nagrereport dun sa harapan sa sinasabi niya. Well, ever since she was moved to the operating team of the Blue Scouts, she became Head of Realm Controls which means, that everything I and the Team Alpha do, she knows.

Team AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon