Hindi ka parin makapaniwala na andito sya. And somehow, you want to be friends with him. Gusto mo pa syang makilala.

Inalog mo ang iyong ulo para mawala ang mga pinag-iisip mo ngayon at para magising sa realidad.

Bubuksan mo na sana yung pinto ng inyong silid-aralad pero napahinto ka nang may marinig kang boses na isinigaw ang iyong pangalan.

May narinig kang sunod-sunod na apak sa sahig na papalapit sa inyong direksyon.

Lumingon ka sa likod at bumungad naman sa iyong dalawang mata si Yoongi na paparating sa direksyon nyo ni Jungkook.

"Hyung!" Tumakbo rin si Jungkook papunta kay Yoongi para yakapin ito pero agad umiwas si Yoongi at tinuloy ang pagtabo sa direksyon mo, natawa ka nang konti nang makita mo si Jungkook na nag-pout at napayuko sa baba at matamlay na naglakad papunta sa akin.

Niyakap ka na ni Yoongi nang sobrang higpit at ipinatong ang kanyang ulo sa balikat mo.

"Oy, long time no see." Pagbibiro mo naman sa kanya habang sya naman ay napangisi sa iyong sinabi, "Oo nga eh. Miss na miss kaya kita." Sabi naman nya sayo at napatulala ka dun sa sinabi nyang 'Miss na miss kaya kita'.

"Pssh, tumahimik ka." Sabi mo at bumitaw sa yakap nya. Alam mo namang biro lang yun dahil nagbibiruan lang kayo.

Bubuksan mo na sana yung pinto kaso napatigil ka dahil biglang hinawakan ni Yoongi ang braso mo at hinila ka para yakapin ka gamit lang ang kabilang braso nya habang idinikit ka pa nya sa kanyang katawan.

Inilapit nya ang kanyang ulo sa iyong tenga, nanginig ka dahil sa pag-ihip ng kanyang mainit na hininga sa iyong leeg.

Naramdaman mo ang kanyang pag-ngisi sa iyong tenga. Nanginig ka ulit at bumilis ang pagtakbo ng iyong puso at halos marinig mo na ang bawat tibok o pintig nito.

"Kung inaakala mong biro lang 'yon. Well no, it's not." Bulong nya sayo at sabay ngisi.

Hindi ka makapaniwala na alam nya. As if, kaya nyang basahin ang iyong pag-iisip at kaya nyang sabihin lahat ng iyong iniisip. Pero hindi ka masyadong namangha o nagulat. Siguro bakas sa mga galaw at kilos mo kanina na parang nalungkot o na -disappoint ka dahil inakala mo na pagbibiro lang ang kanyang sinabi.

Biglang nawala ang kanyang ngisi at niyakap ka ngayon gamit ang dalawa nyang braso, ipinatong nya din ang kanyang ulo sa iyong balikat at lumingon sa leeg mo, ramdam mo ulit ang dahan-dahan nyang paghinga.

"Hindi ako nagbibiro ha... Miss talaga kita. Sorry, 'di kita nahatid kanina, buti nalang andyan si Kook para ihatid ka muna." Sabi nya at bumitaw sa yakap at sabay hinawakan ang iyong mga kamay. "Okay lang. Sinabi naman ni Kookie yung rason kung bakit di mo ko nahatid. Kaya, okay lang." Sabi mo sa kanya para hindi na sya mag-alala.

Nagtataka ka kung bakit ganito sya sayo. Nagtataka ka kung bakit sobra na ang pag-alala nya sayo.

Halata na parang hindi lang kaibigan or bestfriend ang turing nya sayo kundi parang ka-ano-ano na nya o baka maging girlfriend pa nya.

Pero hindi naman yun pwede diba?

Siguro ganun lang talaga sya sa mga kaibigan nyang mga babae.

In fact, ikaw lang naman ang babae na naging kaibigan nya and the rest, lalaki na.

Ikaw lang ang kaunaunahang babae na naging kaibigan nya kahit na sa simula ay puro kayo away at halos sumabog ja kayong dalawa tuwing makikita nyo ang presence ng isa't-isa.

Hindi kayo makapaniwala na ang dating magka-away ay naging magkaibigan na.

"Thanks, Kook, pumayag ka sa paghatid kay Y/N, kasi kung hindi bugbog abot mo. Pero dahil nahatid mo sya, ililibre kita mamaya ng banana milk" Nagising ka ulit sa realidad nang mapansin mo na nag-uusap sila Jungkook at Yoongi. "Thanks, Hyung, hehehe, maaasahan mo ako." Pagpapasalamat ni Jungkook kay Yoongi.

Pumasok na kayo sa inyong silid-aralan at umupo ka na sa sarili mong upuan. Napansin mo na andito parin si Suran. Nagtaka ka kung bakit pa sya andito at wala doon sa kabilang section.

"No way..." Bulong mo sa sarili mo nang malaman mo kung bakit sya andito.

' 'di kaya lumipat sya dito sa St. Brianne?'

"What the fu---..." Napatigil ka nang umupo sa tabi mo si Yoongi, narinig nya yung sasabihin mo kaya 'di sya mapigilang magpakita ng nalilitong expression.

"Uh, okay ka lang ba?" Tanong nya habang tinititigan ka, "A-ah oo, bakit ka andito?" Tanong mo din, "Nakita ko na parang hindi ka komportable eh. Ano ba ang problema?", Napabuntong-hininga ka at lumingon ka para harapin si Yoongi.

"Andito si Suran."

Itinaas nya ang kanyang kilay at napatingin kay Suran.

"Bakit sya andito?" 'Di ka nanghinayang na magtanong. Ngayon ay parang gusto mo syang paalisin dahil sa seryosong tono ng boses mo. Ngayon ay parang nagmumukha kang may-ari ng paaralan na pinapasukan mo.

Hindi agad sumagot si Yoongi at nanatiling nakaharap at nakatingin kay Suran, kaya hindi mo mapigilan ang iyong sarili at nagtanobg ulit, "di kay---".

Napatigil ka dun sa sagot nya.

"Dito na sya mag-aaral sa section natin."

-----
Heyooo mga parrrrr :> tsuri sa late na late na ud :< pero salamat kasi naghintay pawin kayuuuuuu.... So ayun nga ipasok na natin ang Got7 YYIIEEEEEEEEE MARK TUANNNNN okay so si Jackson Wang nga yung inadd ko na character dun sa mga nakaraan ep. Yeeyyyyyyy. So ayun na nga wieeeeeee---- wait nyu ang upcoming chapters!

Thanks po ulit and dont porget 2 comment and vote :> lab Yu Ol 💜😘.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 19, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Swag Classmate: Min Yoon Gi Tagalog FFWhere stories live. Discover now