Endless~[34]

Beginne am Anfang
                                    

"Ano? Paano nangyari 'to? Alam na ba 'to nila Dylan?" Agad nyang tanong.

"Hindi pa at ayokong ipaalam pa sakanila. Makinig ka Franzei, magkita tayo sa bahay namin. Duon na tayo mag usap tungkol sa plano" sabi ko at pinatay na ang tawag.

Agad akong pumara ng taxi at pinabilisan ang pagmamaneho ng driver.

Kailangan ko maligtas si Hazelle ng hindi nadadamay ang Nanay nya. Pero bahala na. Handa ko isalba ang buhay ko para lang sa kaligtasan ng kapatid ko. Maraming nagmamahal sakanya at ayokong mangulila sila sa pagmamahal na binibigay ni Hazelle sakanila.

***

Pagka dating ko sa bahay ay nakita ko agad ang motor ni Franzei na nakaparada sa harap ng bahay. Gray ang kulay ng motor nya. Nakita ko na nakatayo sya sa harap ng gate namin kaya agad na ko bumaba ng taxi at agad naman nya ko nakita.

Agad kami pumasok sa bahay at dumaretso sa kwarto ko at kinandado ang pinto.

"Ano ng gagawin natin ngayon Della? Paano dinukot ng Philip na yon ang kapatid mo?" Agad na tanong ni Franzei.

"Akala nya si Hazelle ang bumaril kay Felix. Ginamit nya rin si Hazelle para makuha nya ang Nanay nito. Sa tingin ko, ang Nanay ni Hazelle ang babaeng pinag awayan noon nilang dalawa ni Tito Alejandro. Ang sabi nya, kapag hindi ako pumunta doon ng hindi kasama ang Nanay ni Hazelle, papatayin nya ang kapatid ko. Pero kilala ko si Hazelle, ayaw nyang nadadamay o napapahamak ang mga mahal nya. Kaya kailangan ko pumunta don ng mag isa at hindi dinadamay ang Ina nya" ani ko.

"Meron talagang mga tao na demonyo kung magmahal. Ano ng plano mo ngayon?" Tanong nya.

"Nasa sayo ang flash drive na nakakonekta sa cctv sa pabrika nya diba? Gusto ko ikaw ang maging mata ko sa loob, manatili ka dito at sabihin mo sakin ang daan papunta sa kung saan nya dinala si Hazelle" ani ko. Agad naman sya tumango at umupo na sya sa harap ng monitor ko at sinuksok na doon ang usb.

"Sh*t! May password. Hindi ko ito mabubuksan Della" aniya kaya napamura nalang din ako.

"Bahala na. Subukan mo i hack ang file habang papunta ako don. Pag hindi talaga bumukas, sarili ko ng diskarte ang gagamitin ko" sagot ko at kinuha na mula sa isang drawer sa cabinet ko ang baril ko.

"Della. Delikado kung susugod ka don mag isa. Sasama a-"

"Dito ka lang Franzei. Ayokong madamay ka pa sa gulo ko. Sa akin lang may galit ang matandang yon kaya ako lang ang haharap sakanya" sagot ko.

"Susubukan ko mabuksan 'to pero mag ingat ka Delaney. Ipangako mo sakin na babalik ka ng buhay" aniya kaya malamya akong ngumiti sakanya.

"I can't die without seeing him again" ani ko at lumabas na ng kwarto. Bago ako tuluyang lumabas ng bahay ay humarang sakin ang alaga kong si Lilith.

Nginitian ko naman sya at umupo sa harap nya at hinaplos ang malambot nyang balahibo.

"Lilith, kung sakaling makita mo ulit si daddy, iparinig mo nalang sakanya ang mensahe ko. Ipa pindot mo sakanya ang collar na binigay ko sayo. Pero promise ni mommy, lalaban sya. Lalaban sya para sa inyong dalawa ni daddy" ani ko at tumakas ang luha sa mata ko.

Tumayo na ko at agad dumaretso para sumakay sa motor ko. Sinuot ko na ang helmet ko at mabilis na pinatakbo ang motor ko.

***

Lincoln's POV,

Nandito ako ngayon sa condo ko. Hinihintay ko dumating ang damit na pina laundry ko. Dati kasi sya ang naglalaba ng damit ko, pero simula ng nawala sya. Umaasa nalang ako sa laundry service ng condo.

Ilang oras ang lumipas ay may nag doorbell na sa may pinto kaya walang gana akong pumunta sa pinto at binuksan ito.

"Good evening sir. Eto na po yung mga pinalabhan nyong damit. Natiklop ko narin po yan lahat" aniya.

"Thank you" malamig kong sagot at kinuha ang basket na puno ng mga damit ko. Habang nilalagay ko na isa isa ang mga damit ko sa cabinet ay napansin ko ang isang pamilyar na panyo.

Eto ang binigay na panyo sakin ni Hazelle noong isang araw. Isa itong puting panyo at bumilis ang tibok ng puso ko ng may nakita akong nakasulat doon.

D.L
LOVEY DOVEY

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt