Chapter 3

373 79 38
                                    

Chapter 3

"Ako na maglalagay nito sa table,Mommy" sabi ko kay Mommy na siya namang nagluluto sa kusina.


"Okay, sweety"

Minsan lang yan ginagawa ni Mom.Mukha ngang espesyal ang pagkakaibigan nila ni Tita Itania.


Hanggang ngayon hindi pa ako sanay na tawagin ito ng ganon. Kaso wala naman akong choice dahil pinagpilitan ni Mom.

Inilapag ko ang pagkain sa mesa.Ako na mismo ang nag-ayos ng mga ito para makatulong man lang.

Masasabi kong hindi ako natutuwa na darating dito at makikikain ang ugok na iyon.


Ilang minuto lang ay narinig na namin ang pagtunog ng doorbell.
Ako na mismo ang pumunta sa gate para pagbuksan ang mga bisita.

"Welcome po,Tita" nakangiti kong bati dito.Nginitian ko rin si Ayumi.Dumako ang tingin ko kay Matthew na nakangisi na naman kaya hindi ko na lang siya pinansin.Hind ko papatulan pang-aasar niya dahil nawalan ako ng mood ng makita siya.

Pinapasok ko na sila at dumiretso kami sa Dining Room. Siguradong naghihintay na sila Mom at Dad doon.

Nang makarating doon ay sinalubong kaagad sila nila Mom.
"We're glad you're all here" masayang pagbati ni Mom at nakipag-beso kay Tita.

"Take a seat" pag-aaya ni Dad matapos kong makipagbeso din kay Tita.Umupo naman sila at naghanda na para kumain.

Napatingin ako ng masama sa ugok na nasa tapat ko.Kanina pa kasi siya nakangiti na parang nang iinis habang nakatingin sakin.

Ano na namang trip nito?

Nagulat ako ng bigla niya akong kindatan at agad naman akong napatingin sa mga kasama namin.Mukhang wala naman silang napansin dahil busy sila sa pag-uusap.

Bumalik ang masama kong tingin kay Matthew na nakangisi pa rin.

Nginisian ko rin siya at walang alinlangan kong tinapakan ng napakalakas ang paa ng nasa katapat ko.

His mouth formed an O-shaped like he doesn't want to make any sound. I guess it really hurts.

Imbis na makonsensiya ay lalo akong natuwa.Nginisian ko na lang siya habang siya nama'y napakasama ng tingin sa akin.

Kung nakakamatay lang ang mga ito ay siguradong nakahandusay na ako.

Naputol ang pang-aasar ko sa kaniya ng biglang nag-vibrate ang phone ko.In-open ko ang message ng malamang galing ito kay Lei na kanina ko pa hinihintay.

From:Besty Lei <3

Beshhhhyy sorry dahil di ako makakarating.Gustuhin ko mang makita at makausap ang Future Husband ko kaso biglang napatawag si Dad.Susunduin ko siya sa Airport ngayon eh.

Napabuntong-hininga ako.Akala ko pa naman makakarating siya.Nagreply na lang ako na naiintindihan ko kaya wala na siyang kailangan abalahin.

Sinabi ko na pala sa kaniya na magkaibigan sina Mom at ang Mommy ni Matthew.At first naiinggit daw siya dahil maswerte daw ako pero natutuwa daw siya na magiging madali na ang trabaho ko sa pagkuha ng impormasyon sa crush niya. Tsk.

Stalking Mr.JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon