Chapter 2

472 81 62
                                    


Chapter 2

"Are you sure about that? " paninigurado niya. Alam kong nagulat siya sa balita ko.

"Yes.I took a picture of them. I'll send it to prove that I'm telling the truth" in-end ko na ang call at sinend ang litrato sa messenger.

Hindi ko na hinintay ang sagot niya kaya napagpasiyahan ko nang maligo para maghanda sa pagsimba.

Sunday ngayon at  niyaya ko sila Mommy na magsimba. Matagal na rin kasi kaming hindi nakapagsisimba ng sama-sama. Laging si Manang Eba ang kasama ko kapag nasa ibang bansa sila.

Pagkatapos ng ilang minuto ay sinuot ko ang isang simple blue dress. Mukhang disente namang tignan dahil abot tuhod ang palda nito.

Bumaba na ako at nakita ko silang naghihintay na sa akin. Ngumiti sila sa akin.

"Let's go,Sweety" malambing na sabi ni Mommy ng makarating na ko sa kanila.Tumango ako at nagsimula na kaming lumabas.

Hindi muna makakasama si Manang Eba dahil kailangan niya munang bisitahin ang kaniyang pamilya.

Nakita naming nakaparada na ang itim na kotse at naghihintay doon si Manong Ed na aming driver.

Nang makasakay ay agad kaming pumuntang simbahan.

Wala pa namang 10 minuto ay nandito na kami. Sa labas lang naman ng Subdivision na tinutuluyan namin nakapuwesto ang Simbahan.

Pumasok kami sa loob.Hindi pa nagsisimula ang misa ngunit marami ng tao ang mga nakaupo at naghihintay.

Naghahanap kami nila Mommy ng pwesto ng biglang may tumawag dito.

"Lilia!Franco! "

Napalingon kami at nakita namin ang sopistikadang babae na papalapit sa direksyon namin.
Kitang-kita pa rin ang hubog ng katawan at ang magandang mukha na hindi mo aakalain ang totoo pala nitong edad.

"Itania,it's nice to see you again" masayang bati ni Mommy at nakipag-beso pa dito. Pati ay niyakap din ni Mrs.---Itania si Daddy.

"Nakauwi na pala kayo dito?Dito na ba kayo magi-stay? "

"We'll stay here for a week.By the way, this is our daughter Sandra.Do you still remember her? " pagpapakilala sakin ni Mom.Medyo kumunot ang noo ko.

Nagkakilala na ba kami dati?

"Of course!Last time I saw her when she's 7 years old, I guess? " sabi niya habang nakangiti sakin.

"Ang laki mo na, Sandra.Naalala ko tuloy kayong dalawa ng anak ko noon" dagdag pa niya.

Muli na naman akong nalito.Sinong anak? Wala akong maalala.

Hindi niya siguro napansin ang pagkalito ko kaya nagpaalam na siya samin.

Stalking Mr.JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon