Capítulo Veintiuno - Real JM

Start from the beginning
                                    

"E bakit di nalang ikaw?" Na-off guard naman ako doon.

"Lalaki pa rin ako Jaki. Kapag nga nagpupunta ka sa bahay mas gusto kong puntahan nalang kita kung nasaan ka e."

"Bakit ngayon mo lang sinabi?"

"E paano ko sasabihin, bigla ka nalang nagpupunta wala ka namang pasabi."

"E bakit ka nang-aaway?" Lumayo pa sya sa akin.

"Luh, parang baliw."

Natawa nalang kami.

May times talaga na trip lang nya makipagusap ng ganon. Kaya minsan nakakalimutan na namin yung pinaguusapan kapag may nasisingit na kalokohan.

Minsan hindi na namin nasosolve yung tanong o di nakakapagdecide kapag nag-uusap ng di ko masabi kung may kwenta ba o wala.

Tinext ko naman si tita sa pagtuloy ni Jaki dito.

Sinabi ko rin kay Madc na samahan kaibigan nya dito. Para kaming may kapatid na bata ni Madc dito.

"Nagtext na ko sa mommy mo."

Natigilan naman sya sa pag-aayos ng damit nya.

"Ano sabi?" Tinignan ko naman sya na nakasalampak sa floor at inabot sa akin yung basahan na bilog.

"Puntahan ka raw nya pag nakapaglinis na sya sa inyo. Bigay ko nalang daw yung address."

Di naman sya umimik. Pero nakatingin pa rin sa akin habang nagpupunas ako ng cabinet.

"Sinabi ko rin na pupunta puntahan ka ni Madc dito. Para di mag-alala."

Sabi ko sa kanya para hindi naman isipin ni tita na sobrang lungkot nya.

"Okayy.." sabi nalang nya.

Di ko alam kung saan pa pupunta yung usapan namin kaya't nagdecide ako na bumili nalang ng pagkain.

"Bibili ako sa baba ng pagkain sa baba, anong gusto mo ipabili?" Tanong ko sa kanya.

"Pagkain. Ikaw na bahala." Binuklat nya naman yung wallet nya at nag-abot ng 1000.

"Pagkain? Worth 1000?" Tanong ko sa kanya habang nakahawak na ko sa door knob.

"Basta makakain. Pang merienda buong week."

Napatango nalang ako.

"Good for 2." Pahabol pa nya noong nagpihit na ko ng pinto para lumabas.

Tinanguan ko nalang sya.

Habang nasa elevator ay nag-iisip ako ng mga bibilhin.

Nilabas ko nalang yung phone ko para ilista doon yung pwedeng bilin.














Jaki's POV

Yung lalaking 'yon. Di man lang ako tinanong kung gusto ko sumama.

Pero sa bagay, ang alikabok kasi dito. Sayang oras kung di malilinis 'to.

Di ko na kaya, baka umatake nanaman allergy ko kapag di pa ko nagmask.

Naghalungkat naman ako sa mga cabinet dito kung saan may mask.

Yung mask na nakita ko, yung disposable. Pwede na 'to imbes na wala.

Sinimulan ko na ulit maglinis.

Kahit naman di ako magtatagal dito lilinisin ko na. Magkasakit pa ko sa alikabok.

Naalala ko nung una't huling dala nya sa akin dito..

PANSAMANTALA (ViceJack)Where stories live. Discover now