💉 MA 3 : Chapter forty nine - Bad news

Start from the beginning
                                    

"Parang timang lang si Kass eh." Min added while smirking.

"Ako na naman nakita nyo no?"

"Duh~ Kass of course may mata sila, I mean kami kaya talagang makikita ka namin." Jullia commented and Kass raised her right eyebrow.

Natahimik naman kami at walang ni isang nagsalita. Hinayaan lang namin na manalo ang katahimikan sa amin. Di sinasadya namang napapikit ako.

"Marvin?"

"Kesia..."

"Marvin? Nasaan na kayo?"

"Kesia. We have a problem."

"Problem? Anong problema?"

"Ruzzel, he got bitten..."

Parang biglang nagkusa ang mata ko na dumilat dahil sa nalaman ko. Minsan na nga lang macontact, minsan at di pa inaasahan at ganito pa ang magiging balita? Parang kumusa na tumulo ang luha ko dahil sa pagkafrustrate na nararamdaman ko.

Problem after problem.

Hindi ba ito matatapos? Nagtatakang tinitingnan ako ng mga kaibigan ko at halata din naman ang pag aalala nila. Paano ko ba ito sasabihin? Kung kina Kass madali lang pero paano kay Jullia?

"Bakit naman ganyan ka makatingin sakin sis in law?" At ngumiti naman sya na halatang pilit lang.

"May problema ba? Anong nangyayari sa iyo, Kesh?" Takang tanong naman ni Kass at huminga ako ng malalim.

"Nacontact mo na naman ba si Marvin?" Pagtatanong ni Yana pero halata naman sa kanya na sure na sure sya na ang isasagot ko ay oo kaya naman nag nod ako.

"Eh nacontact mo naman pala eh, bakit ganyan ang reaksyon mo? Bakit parang ang laki ng problema?" Di naman magets na tanong ni Min sa akin.

Sino nga ba ang hindi malilito? Kung nacontact mo ang taong gusto mo macontact tapos ganito ang magiging reaksyon. Hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin sa kanila at mas lalong lalo na kay Jullia. Kahit ilang beses man nyang ideny alam namin kung ano ba talaga ang totoo.

"Alam mo Kesh sabihin mo na yan." Kinakabahan naman na sabi ni Jullia at huminga sya ng malalim. "Okay huwag mo ako tingnan ng ganyan kinakabahan talaga ako eh. Kakaiba tingin mo. Haha. Mangangain ka na ba?"

Kahit na nagpapatawa sya alam ko- namin na talagang kinakabahan na sya.

"Okay." Huminga ulit ako ng malalim at tumingin sa kanila. "Totoo nakausap ko si Marvin." Pinutol ko and they just gave me a bitch face kaya naman umirap ako. "And he told me something that might broke you girls."

"Kami lang ba?" Takang tanong ni Yana at umiling ako.

"Us." Mahina kong sabi at nagseryoso sila dahil sa sinabi ko. "Someone got bitten."

Totoo nga para kaming tinakasan sa balitang iyon. Kahit na alam ko na ang tungkol doon pero di ko pa rin napigilan na panghinaan.

"Wh.. Who?" Nanginginig na tanong ni Min.

"Ruzzel." And I look at Jullia.

Nakita ko kung paano napuno ng pag aalala at sakit ang mukha nya. Basang basa ko ito kahit na hindi ko ginagamit ang abilidad na meron ako.

"Ba... Bakit naman kayo nakatingin sakin ng ganyan?" Kahit na shock sya sa sinabi ko pero pinilit nya pa rin na hindi mautal.

"Julls..."

"Grabe naman kayo. I'm fine." She smiled but it was fake. "I'm fine really. Wait CR lang ako."

Nakita ko na may pumatak na luha sa mga mata ni Jullia and if you are not observer enough baka hindi mo iyon mapapansin. Tahimik lang kami habang tinitingnan si Jullia an naglalakad papalayo sa amin, papasok sa loob ng sasakyan namin.

Mint Academy 3: The World of the RedWhere stories live. Discover now