"Bro, pambihira ka naman. Alam mong ikaw lang ang may girlfriend na nandito, mula pa sa airport wala ka nang ginawa kundi mang-inggit," reklamo ni Young JV.


Tinapik lang ni Gerald ang balikat ng kaibigan. "Bro, baka ‘pag dumating na ang Asher sa buhay mo, hindi mo na iwan,” paliwanag ng binata. "Iisipin mo ang corny pero wala, ‘yun talaga ang nararamdaman ko ngayon.”


"Actually bro, kita naman na mahal mo talaga siya at sa nakikita namin, pareho lang kayo ng nararamdaman pero mas nakikita sa iyo o talagang reserved lang siya. Bagay talaga kayo," dagdag pa ni Young JV.

Pagdating sa venue sinadya ni Asher na dumistansya kay Gerald. Malakas ang kutob niyang makikita niya uli sina Cheska at Trina doon. Hindi nga siya nagkamali, nasa ring side ang mga ito at todo ang kaway nung makitang pumasok sina Gerald sa basketball court. Abot tenga ang ngiti ni Fred, poker face naman si Gerald. Nakapagpalit na ng outfit ang dalawa. Tinalo pa ang costume ng mga cheerleaders sa igsi ng mga shorts at tight na t-shirts. Mga sigaw nila ang nangingibabaw.


"’Yung dalawang ‘yun ba ang kanina pa nagpapacute kina Fred sa lobby ng hotel?" tanong ni Nhila sa katabing road manager.


"Sila nga, wala ng iba," sagot ni Gidget.


"Hindi ko gusto style nila. Asher, kilala mo ba ang mga ‘yan? Bakit kung umasta, parang close na close na kay Gerald?


"Nakasalubong namin kanina sa lobby. Kinakabahan nga ako sa kanila Ate, parang may something wrong sa kanila.”


“What do you mean Asher?”


“Napansin ko na sila sa eroplano pa lang. Nasa may unahan namin sila, sa kabilang side. Pakiramdam ko pinakikinggan niya kami ni Gerald at nahuli ko siyang nakatingin sa amin. Iba yung tingin niya sa akin at iba din ang tingin niya kay Gerald. Noong una akala ko nga mga fans ni Gerald at Kim na galit lang sa akin pero hindi, iba talaga.”


Nag-isip na rin si Nhila. Unang kita pa lang din niya sa dalawang ‘yun sa may lobby ng hotel ay nakaramdam na rin siya ng inis sa sobrang lapit agad sa mga alaga niya lalong lalo na ‘yung Cheska kay Fred at ngayon naman kay Gerald.


“Hindi naman kaya nagseselos ka lang Asher kaya mabigat ang loob mo sa kanila? Bukod kasi sa mga sexy na eh mukha talagang mga artistahin din.”


“Sana nga Ate ganoon lang, kasi kung selos lang ‘yun at least nawawala din agad dahil alam ko naman kung ano ‘yung nararamdaman ni Gerald para sa akin at para sa mga fans niya. Wala pa naman akong nakikitang dapat kong ipagselos sa kanila. Oo nakayakap agad sila sa kanya pero sila naman ang yumayakap hindi naman si Ge.”


Warm up palang ay napakagulo at ingay na nina Cheska at Trina. May isang AshRalds fan sa tabi nilang hindi nakatiis at sinabing huwag naman masyadong maingay dahil masakit daw sa tenga pero sa totoo ay nabubuwisit lang ito sa mga kinikilos nila.

Sana Ikaw Na NgaWhere stories live. Discover now