Fifty-Five

2.6K 37 1
                                    

Patong-patong na ang mga probelma ng LGV Kingdom matapos ang ilang araw. Kumalat na ang balitang babagsak na ang kompanya dahil kay Anita. Hindi na alam nina Lujille at Arleigh ang gagawin dahil hindi na magkamayaw ang mga taong mawawalan ng trabaho. Malaki ang pagkakautang ng kompanya at mahirap na itong makabawi pa.

In a matter of few days, bumagsak din ang LGV Kingdom. Wala na ang lahat ng pinaghirapan nina Lujille at Arleigh kahit na hindi sila ang nagtayo ng kompanya. Ilang gabi itong iniyakan ni Lujille. Palagi lang nasa tabi niya si Arleigh. Ngayon nila kailangan ang isa’t-isa.

“Ano’ng gagawin natin ngayon?” tanong ni Lujille.

Napalunok si Arleigh. Gusto niyang sabihin na hindi niya alam pero hindi niya ginawa.

“Umalis tayo. Let’s have a fresh start.”

“Saan?”

“Iyan ang hindi ko alam.”

Bumuntong-hininga si Lujille. Sa kabila ng mga nangyayari ngayon, hindi pa rin siya sumusuko.

“Seryoso ka ba dito, Ma?” gulat na tanong ni Lujille nang makita niya ang dalawang plane ticket papuntang New York. Nag-aalala siya dahil malaki ang galit ni Monique sa ina niya at baka plano lang ito para paghiwalayin talaga sila.

But she felt sincerity in Monique’s words when she put her hand above hers.

“Lujille, galit man ako sa ina mo, it deosn’t mean na galit din ako sa iyo. Binili ko ‘to para makapagsimula kayo ng bagong buhay. Magpakalayo-layo kayo bago pa kayo mahuli ni Anita.”

Tumango si Lujille. “Sige Ma, aalis kami bukas na bukas din.”

Dinig na dinig ni Lujille ang pagsara ng zipper ng maleta ni Arleigh. Kinakabahan na siya. Iiwan nila ang Pilipinas para sa isang mas magandang buhay.

“Handa ka na ba?” tanong ni Arleigh.

She feels like breaking down. Pero ayaw niyang umiyak sa harap ni Arleigh. She had enough of that.

“Handa na. Let’s go.”

He took her hand and they left the house. Tumingin ulit si Lujille sa bahay one last time at pinangako sa sarili na hindi bibitiwan si Arleigh kahit anong mangyari.

Shotgun WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon