Thirty-Seven

4.3K 42 5
                                    

She smiled upon remembering those memories.

Iyon na lang ang kayang gawin ni Lujille sa ngayon. Sana sa pagngiti niya, mabubura na ang lahat ng mga masasakit na nangyari kanina lang. Ramdam niya ang hapdi at pait habang nasasariwa niya sa isip ang eighteenth birthday niya. It was the best.

But after ten birthdays, it turned out to be the worst.

Pinahid niya ang mga luhang kanina pa pala tumulo. Masakit para sa kanya ang mga nangyari almost an hour ago. Ang dugo sa noo ni Arleigh. Ang nasaksihan niya sa parking lot. Ang hindi pagsipot nito sa dinner date nila. Masakit. Naninikip ang dibdib niya habang iniisip ang mga bagay na iyon.

Hindi niya alam kung kailan magigising si Arleigh. Sa lakas ng pagkakahampas ng ulo nito, mukhang malabong magising ito ng mas maaga. Kaya niyang maghintay kahit abutin pa ng ilang taon, gumising lang ang taong pinakamamahal niya.

“Umuwi ka muna. Maligo ka at magbihis.” sabi ng isang boses na tumabi sa kanya.

Lumingon si Lujille sa tabi niya. Si Nathan lang pala.

“Ayoko. Wala akong planong umuwi. Kailangan kong makitang gising si Arleigh.”

“Sabi ng doktor, mga isang linggo pa daw ang aabutin bago pa siya magising.”

“Ano’ng karapatan mo pra sabihin iyan?! Doktor ka ba? Tiningnan mo ba ang kalagayan niya? Hindi di ba? Hindi!” bulyaw niya dito. Kumulo ng wala sa oras ang dugo niya dahil sa mga sinabi ni Nathan.

“Tumigil ka nga! Naroon ka nung nabunggo siya di ba? Nakausap ko yung doktor kanina. Iyon ang sinabi niya sa ‘kin!”

Sinuntok ni Lujille ang braso niya.

“Ako ang mas nakakaalam dahil ako ang kasama niya palagi. At tsaka isa pa, asawa ko siya. Kaibigan lang kita.”

And it hit him. The moment na narinig niya iyon mula kay Lujille, para siyang sinampal ng makailang ulit.

Kaibigan.

Simpleng salita pero sa sitwasyon ni Nathan ngayon, napakasakit na ang kahukugan n’on. Sa hindi mabilang na taong kanilang pinagsamahan, siya ang naging kanlungan, takbuhan at tagapagligtas ni Lujille. Siya na rin ang naging tagalinis ng mga gulong ginagawa nito. Kung bakit nananatili lang siyang bula para kay Lujille ay hindi niya alam. Wala siyang balaka alamin dahil pagod na siya.

Asawa ko siya.

Asawa. Sana siya na lang ang naging asawa ni Lujille at hindi ang Arleigh na iyon. Hindi niya ito sasaktan at mamahalin niya ito hanggang sa huling hininga niya. Pero kahit saang anggulo, talo siya. Sadyang mapaglaro ang kapalaran kay Nathan. Hindi siya hahayaan nitong makamit ang kaligayahang inaasam niya.

Kaibigan lang kita.

Paulit-ulit sa isip ni Nathan ang mga salitang iyon. Tinutukso hanggang sa sumabog siya sa inis. Kinuyom niya ang kanyang kamai habang pinipigilan ang pag-agos ng luha mula sa mga mata niya. Tinapangan niya ang sarili para sagutin si Lujille.

“Kaibigan mo nga lang ako, pero mas malaki ang nagawa ko kesa sa asawa mong saksakan ng gago.” tiim-bagang na sabi ni Nathan at iniwan si lujille. Sinusumpa niya na ngayong gabing ito, labas na siya sa kung anumang gulong meron ang mag-asawa.

Hinatid ni Lujille ng tingin ang palayong si Nathan. Napayuko na lang siya at umiyak. Hindi niya alam kung alin sa dalawa ang iniiyakan niya- ang mga bahid ng dugo ni Arleigh sa damit niya na nagpapaalala na wala na siyang pag-asa o ang paglisan ni Nathan, na nagpapahiwatig na wala na siyang kakampi sa tabi niya. 

Shotgun WeddingWhere stories live. Discover now