Shotgun Wedding Plus: Birth of a Father (Part 1)

3.6K 25 0
                                    

"Nathan, buntis ako."

Pagkasabi mismo ni Lujille ng balitang iyon, para akong sinagasaan ng malaking tren. Pakiramdam ko nagkalasog-lasog ang mga buto ko at nanlumo ako ng sobra. Hindi ako ang ama at natural lang na mabuntis siya kasi nagtalik sila ng asawa niya. Pero iba na ang sitwasyon naming ngayon eh. Nawala na si Arleigh na parang bula. Bagsak na ang LGV Kingdom dahil sa kasamaan ng ina niya. Idagdag mo pa ang bata sa sinapupunan niya. Ramdam na siguro ni Lujille ang pagguho ng mundo niya – sa harapan pa niya mismo.

Umayos ako ng pagkakaupo sa sofa. Pumunta pa siya dito sa bahay ko para sabihin ang balitang ito.

"Ilang linggo na?" tanong ko. Masasapak siguro ako ng babaeng 'to kapag tinanong ko kung talaga bang may bata sa loob ng tiyan niya. Sa mukha pa lang niya alam kong hindi siya nagsisinungaling. Parang wala siyang tulog nitong mga nakaraang araw. Masyado nang obvious ang mga eyebags niya.

"Mga isang buwan na rin." mahina niyang sinabi pero malinaw ang pagkakarinig ko. Mabuti na lang kami lang dalawa ang tao dito sa bahay.

"Isang buwan? Anak ng tokwa ba't ngayon mo lang 'to sinabi?!"

Nabigla siya sa pagtaas ng boses ko. Na-guilty agad ako kasi malungkot na nga siya dahil wala na ang asawa niya, sinigawan ko pa. Pakiramdam ko ang sama-sama ko.

"Kasi..." Pinaglalaruan niya ang mga daliri niya at hindi makatingin ng diretso sa akin.

"Kasi ano?" Nagsisimula na akong mairita. Tiningnan ko lang siya ng walang kaemo-emosyon.

"Kasi..."

At kamuntikan ko na siyang batukan sa sagot niya.

"Kasi nahihiya na ako sa iyo."

"Wow! Salamat ha? Sa haba ng pinagsamahan at pinagdaanan natin, ngayon ka pa nahiya? Meron ka pala n'on?" sarcastic kong sabi. Natatawa ako ng konti pero pinipigilan ko iyon. Baka isipin niyang natutuwa ako sa kalokohan niya.

"Nathan naman eh!"

"Ano?!"

"Hindi ko sinabi agad sa iyo kasi alam kong busy ka. Ayoko lang na maging pabigat sa iyo. Ang dami mo nang nagawa para sa 'kin. Tsaka magiging kargo de konsensya mo lang ako – "

"Tumigil ka nga! Isang hirit pa, bubusalan koi yang bibig mo." Banta ko.

Yumuko siya. Hudyat na iyon para magpatuloy ako.

"Akala mo ba hindi kita tutulungan? Baliw ka rin eh no? Wala naman akong pamilya at kaya ko namang bumuhay ng bata sa dami ng mga naipon ko. Kung gusto mo dito ka muna tumira."

Inangat niya ang mga kamay niya at hinarap ang mga palad niya, parang nagpipigil ng kung ano.

"Teka lang. Wait ha? Bubuhayin mo ang bata? Kaya ko naman eh. Sabi ko naman kasi nakakahiya na sa iyo."

"Sigurado ka bang kaya mo? Bagsak na nga ang kompanya mo eh. Nine months mong dadalhin iyan at sa tingin mo kaya mo pang magtrabaho? Mag-isip ka nga!"

"Eh di mag-i-invest ako ng bagong business. Gusto kong magtayo ng coffee shop. Tulungan mo na lang ako d'on."

I shook my head. "Hindi. Tutulungan kitang buhayin ang batang iyan. Ako na rin ang bahala sa coffee shop mo."

Kahit na hindi niya aminin, nagliwanang ang mga mata niya nang tumingin siya sa akin.

"Talaga?"

Tumango ako. "Dito ka na lang. ipahatid mon a sa mga katulong mo lahat ng gamit mo."

Tumayo siya at niyakap ako nang mahigpit.

"Salamat Nathan. Salamat talaga."

Para sa iyo Lujille, gagawin ko ang katangahang ito.


Tatlong araw na mula nang lumipat si Lujille dito sa bahay ko. Naihatid na lahat ng gamit niya at mabuti naman pumayag ang pamilya niya na dumito muna siya. Malapit lang din dito yung tinatayo niyang coffee shop. Doon siya naglalagi sa tuwing pumupunta ako sa restaurant.

Araw-araw tutok na tutok ako sa kanya. Kailangan masustansya ang mga kinakain niya, bawal siyang mapagod at malungkot ng sobra, nakakatulog ng maayos. Ang cute nga eh. Parang ako talaga ang ama ng bata. Para talaga kaming mag-asawa.

Masaya sana kung gan'on. Pero hindi eh. Dakilang tagapagligtas lang niya ako. Nag-aabang lang ako kung kailan siya matitisod dahil sa katangahan. Masakit man para sa akin, alam kong hindi ko mapapalitan ang puwang ni Arleigh sa puso niya. May nakalaan ngang puwang para sa akin pero mas malaki pa rin ang kay Arleigh. Ewan ko ba kung bakit pagdating sa kanya handa pa rin akong magpakatanga.

Basta para kay Lujille at sa bata, pipilitin kong maging masaya.


"Hindi pa rin ba siya nagpaparamdam?" tanong ko habang tinutulak ang push cart nang minsang mag-grocery kami.

Nilagay ni Lujille ang limang rolyo ng toilet paper sa push cart at sinagot ako.

"Hindi eh. Paulit-ulit akong nagdadasal na kahit isang beses man lang tawagan niya ako. Pero wala. Puputi na lang siguro ang buhok ko, wala akong maririnig mula sa kanya."

Limang linggo na rin mula nang magkahiwalay sila ni Arleigh. Limang linggo na rin siyang buntis. Ewan ko kung alam ba ni Arleigh 'to o hindi. Sana hindi na lang. At sana hindi rin siya magpakita kay Lujille kahit na kailan.

"Baka tatawag siya bukas."

"Pagod na akong umasa, Nathan. Mas gusto kong masorpresa na lang kesa maghintay pa. But I'm still not losing hope. Babalik din siya."

Naramdaman ko ang pag-asa sa mga salitang iyon. Kasunod n'on ang pagkabiyak ng puso ko. Pwede ba'ng ako na lang? Ako na lang please?

"Sige, kung iyan ang gusto mo." Sabi ko at tinungo na naming ang fruit section.


"Nathan, hijo." Nakangiting bati ni Tita Anita. Nakakulong siya ngayon dahil sa kasalanang ginawa niya. pinilit kong ngumiti kahit may hinanakit ako sa kanya. Kasalanan niya kung bakit malungkot si Lujille ngayon, kung bakit umiiyak siya halos gabi-gabi. Wala rin naman akong magawa kasi isyu nila iyon. Labas ako diyan kahit saang banda pa tingnan.

"Magandang araw po." Sabi ko at nilapag ang isang basket ng prutas sa mesa. Umupo kami na magkaharap at namayani ang nakabibinging katahimikan. She should be paying this much para sa lahat ng ginawa niya.

"Kumusta na si Lujille?"

"Okay naman po siya. Dinala ko po siya sa bahay para maalagaan ko siya nang maayos. Magdadalawang linggo na po siya sa bahay ko."

Napangiti siya. Hindi niya sinabi sa akin na gawin ko 'to para sa anak niya. Ako na mismo ang nagkusa. At hindi rin naman alam ni Lujille na dinadalaw ko ang ina niya dito. Baka ma-highblood pa iyon at mag-away kami.

"Salamat talaga, Nathan. Mabuti na lang nandiyan kapara sa anak ko. Ikaw na muna bahala sa kanya, ha?"

Ngumiti ako. Kalahating pilit, kalahating totoo.

"Oo naman po."


"Nasaan ka?" tanong ko nang tawagan ko si Lujille matapos kong dalawin ang ina niya sa kulungan.

"Nasa tinatayong coffee shop. Bakit ba?"

"Nakalimutan mo ba? Ngayon tayo bibili ng maternity dresses mo."

"Oo nga pala. Sunduin mo na lang ako."

"Sure."

Shotgun WeddingWhere stories live. Discover now