Capítulo Veinte - Utak at Puso

Start from the beginning
                                    

Jaki's POV

Hayyyyyyy ang sarap mag-unat!
Ang sarap ng tulog ko.

"Thank you, Lord!" Sabi ko ng mahina pero may feelings talaga.

Ganda ng kanta sa panaginip ko.

Natigilan naman ako ng maalala yung kagabi. Panaginip nga ba 'yon?

Napatitig naman ako sa kisame. Hala! Na saan ako? Bakit parang sobrang lumambot yung kama ko.

Lumingon naman ako sa gilid. Nakita ko yung window. Sliding window. NO!!!!!

"Good morning!" Napalingon naman agad ako sa kanan ko dahil doon nagmumula yung boses na 'yon. Boses ni JM.

"Oh My God! Bat ako nandito sa kama mo!" Napabalikwas ako sa pagkakahiga ko nang mapagtantong nasa opisina nya ko sa bar.

"Magaling ka na ba? Uminom ka ba gamot?" Kumain ka na?
Sunod-sunod na tanong ko tsaka hinawakan ng dalawang kamay ko yung magkabilang pisngi nya tsaka yung noo. Kinapa buong pagmumukha niya.

"Kumalma ka nga. Okay na ko. Thank you sa pagbantay sa akin matulog." Natatawa nyang sabi.

"Tayo ka na dyan. Ipagluluto kita." Sagot naman nya. Iniwan nya kong ganun ganun nalang tsaka lumabas

Napatakip naman ako sa bibig ko nang mapagtanto kong di pa ko nagtutoothbrush o kahit mumog man lang.

Nakakahiya! Pwede bang magteleport na ko pauwi?


Nag-ayos naman ako ng sarili ko, nalukot na rin yung damit ko sa pagkakahiga ko dito.

Tumabi ba ko sa kanya kagabi? Wala naman akong maalalang ganon.

Paglapat ng mga paa ko sa sahig ay may nakatabi na sa aking tsinelas.

Nakatabi sa may pintuan yung sandals ko.

Napakaprinsesa naman pala ng mga bisita nya dati kung meron man bukod sa ex niligawan nya.

"Jaki! Tayo na dyan. Sunny side-up o scrambled?"

"Sunny side-up." Sagot ko naman at lumabas na rin ng kwarto nya. Bakit biglang may itlog na? Kagabi lang wala akong makita sa ref nya kundi tubig.

Sinundan ko naman yung mga kalasing ng mga ginagamit nya. Nasa kusina sya.

May portable table pala siya dito.

Di ko napansin na nakafold pala yon at nakaattached sa pader.

Pati na rin yung upuan nyang folding.

"Napakalupit naman nito. Ikaw ba nagdesign nitong bar mo? Tsaka nitong opisina mo?" Sabi ko matapos maupo dito.

"Oo. Bakit ka pala napadpad dito? Hulaan ko, wala na kayo." Pangunguna nya naman sa akin. Humarap sya tsaka nilapag yung plato na may itlog at hotdog tapos may pandesal nanaman siya.

"Tinanong mo pa ikaw rin pala sasagot."

"Ito naman, biro lang aga aga nagsusungit ka nanaman." Sabi nya at inabot sa akin yung ketchup.

Kinuha ko naman iyon at naglagay sa gilid ng plate. Habang siya naman ay naghahati ng pandesal gamit yung bread knife.

"Thank you." Napatingin naman ako sa kanya. Sobrang sincere kasi nung pasasalamat nya.

"Ha? Para san?"

"Wala. Sige na kumain ka na." Inilapit pa nya yung plato ko sa akin.

"Eh ikaw?" Tanong ko naman

Kumuha naman sya ng pandesal. Tapos nilapag sa tapat ng plato yung tubig.

"Nagsoup na ko. Yung nilabas mo. Tsaka okay na ko dito." Pinakita pa yung pandesal nya. I mean yung tinapay na hawak nya.

PANSAMANTALA (ViceJack)Where stories live. Discover now