IV

46 18 0
                                    


GETTING up with haste, my eyes are wide shut. My trembling body is covered in cold sweats while my heart continues to race fast, trying to catch my breath. It's happening again. Muli na naman akong binabangungot ng kanilang pagkamatay.

Walang tigil ang kanilang pagsigaw ng saklolo sa aking tainga. Gamit ang kanilang naaagnas na kamay, ako'y hinihila nila papunta sa kawalan, hinihiling na ako'y sumama na sa kanila at tuluyang maging masaya.

Napalingon na lang ako sa orasan sa aking gilid nang ito'y biglang tumunog. Napahinga na lang ako nang malalim matapos ko itong patayin. At least, it's already four o' clock in the morning. No more demons will try to devour me for today.

"Sa susunod ay hindi na lang ako mag-a-alarm. I'm already awake when it rings anyways," saad ko sa aking sarili bago napagdesisyonan na bumangon.

I make my way downstairs which is pretty melancholic. Everything is still vivid in my memory. I can't help but to remember the same scenery ten years ago. I'm also about to go downstairs that time when I've found out that they were gone. That they already left.

"Good morning, hija. Kumusta ang iyong tulog?" nakangiting bati sa akin ni nanny at pansamantalang inihinto ang kaniyang pagwawalis. Ningitian ko naman siya pabalik.

"Good morning, nanny. It's great as usual," I answered with white lie. Marami siyang iniisip at ayoko nang dagdagan pa iyon. Isa pa, sobra-sobra na ang nagawa niya para sa akin. It's time to fight my own battles alone.

"Maigi naman kung ganoon. Pinaghanda na pala kita ng almusal. Kainin mo na ang champorado habang mainit pa," sabi niya't inakay ako papuntang kusina.

"Nanny, kaya ko na po," pagpiprisinta ko nang balakin niyang ipagsandok pa ako ng aking kakainin. Kinuha ko ang tasa't sandok mula sa kaniya. Natawa naman siya sa naging reaksyon ko.

"Dalagang-dalaga ka na talaga, hija. Baka kinalaunan ay hindi mo na ako kailanganin." Sinubukan niyang idaan sa tawa ang lahat pero hindi makakaligtas sa akin ang lungkot sa kaniyang mga mata.

"Syempre, hinding-hindi mangyayari 'yon, nanny. We're partners forever, remember?" I exclaimed then winked at her.

"Nga pala, hija. May pinadalang pera ang Tito Diego mo para sa matrikula mo sa kolehiyo," pamamalita ni nanny. I just clicked my tongue then sit on the stool I usually sit on.

"Hindi po ba't maraming pinapagawa sa inyo ang doktor niyo? Doon na lang po natin gamitin ang pera," suhestiyon ko na agad naman niyang sinalungatan.

"Pero papaano ang pag-aaral mo, Den? Doon nakasalalay ang kinabukasan mo. Hindi natin pwedeng isantabi lang iyon," ani nanny.

"May trabaho na po ako at mas malaki pa sa matrikula ko ang sweldo. Unahin po muna natin ang kalusugan niyo," pangangatwiran ko pero hindi pa rin siya kumbinsido.

"Natitiyak kong hindi magugustuhan ng iyong tiyo na magtrabaho ka at sa akin gamitin ang pera."

"Ako na po ang bahalang kumausap kay Tito Diego. Wala na po kayong dapat problemahin pa," paninigurado ko kay nanny.

He didn't stay ten years ago. He's my guardian no more. I don't need his help. I don't need his money.

 I don't need his money

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Adrestia Trefoil: LacunaWhere stories live. Discover now