KABANATA 1

123 8 0
                                    


CATHLEEN'S  {P.O.V}

"Iwan ko sayong bruha ka, weeding coordinator ka day' tapos pumayag ka sa ganong kasal lang?" Nang gigil na sabi ni Sandra.

"Uo nga' iwan ko ba sa babaeng ito double dead kay Alexis,natakot na hindi pakasalan." Gatong pa ni Eva at nakasimangot din itong nakatingin sakin.

"Dyos ko day' sa akon pag tan'aw sa Alexis na yan,naa man salapi kaya niusa jud ko nga nanu maola ini iya gihatag sa imoha.Sa gandang mong yan? Lenlen kalami mo jud sumbagon day!" Ayan na buang na si Renalyn.May pera naman daw sa tingin nya yong husband ko bakit daw ganon lang naibigay sakin.

Silang tatlo lang kaibigan ko mula highschool hanggang matapos kaming lahat sa college.Lahat kami tubong buhol na napapad lang dito sa lungsod upang makipagsapalaran sa buhay.Iba-iba man naging kurso namin gumagawa parin kami ng paraan para hindi magkalimutan.Si Sandra teacher sya,habang si Renalyn nursing,at pulis woman naman si Eva.At ako? Masaya ako bilang wedding coordinator,dahil pangarap kona yon Mula pagkabata tuwang-tuwa kasi ako sa tuwing may nakikitang kinakasal sa TV man o sa personal.Kaya nag sumikap ako na marating yong kinalalagyan ko ngayon.Pangarap ko rin ang magarbong kasal na hindi man natupad ngayon pero alam kong mabibigyan din ako ni Alexis ng magarbong kasal pag dating ng panahon.Pangako nya yon sakin na pinanghawakan ko naman.

"Sorry na guys." Naiiyak na Saad ko.

"Hmp! Best friend mo kami pero ni-isa saming tatlo hindi mo manlang inimbita sa kasal mo." Nagtatampo pa rin na turan ni Eva.

"Naiintindihan naman naming mabilisan lang ang lahat,pero Len sana naman kahit pinaalam mo man lang na ikakasal kana ayos na yon eh." Si Renalyn at binato pa ako nito ng unan nasa apartment nya kasi kami ngayon tinawagan ko sila para nga ipaaalam sa kanila yong biglaan kong pagpapakasal.

"At nasaan na yong walanghiya mong asawa? May kutob talaga ako sa gagong yon,sinong bagong kasal na bigla na lang mawawala sa araw ng honeymoon?" Sermon ni Eva una pa lang naman nilang nakita si Alexis maski isa sa kanila walang buto dito.Mayabang daw kasi masyado."Naku Len ha' sinasabi ko sayo mababaril ko talaga yang hayop na yan pag oras na may ginawa syang kababalaghan." Umiiral na naman ang pagka pulis nito.

"May importante lang daw syang pupontahan." Pag tatanggol ko naman sa asawa ko."Ano ba kayo,wag nga kayong paranoid.Mahal ako ni Alexis hindi nya ako lulokohin."

"Aba'y gaano ba kaimportante yong pinuntahan nya at mas pinili nyang isang tabi yong dyogdyogan nyo? Yong ibang bagong kasal hindi pa nga natatapos ang kasal naglalaplapan na,tapos yang asawa mo parang bula na lang naglaho." Si Renalyn ulit.Ganyan talaga sya magsalita kadalasan green hehe.

"Baka naman kasi sa iba naki pag honeymoon." Kunwaring pag paparinig ni Sandra.

"Ay'grabe kayo ha.. nasasaktan din naman ako sa mga nangyari,may tampo naman talaga ako kay Alexis pero guys,mahal ko yong tao eh." Naiyak na talaga ako.Agad naman nag sitahimik yong tatlo."Alam nyo naman kung anong kasal yong pangarap ko diba? Kahit hindi ko man naranasan yon ngayon masaya naman ako guys,sana naman maging masaya na lang din kayo para sakin.At saka sabi naman ni Alexis ikakasal din kami sa simbahan pag maayos na nya lahat ng kailangan nyang ayosin." Lumapit sakin si Sandra at pinahid nya ang mga luha ko.

"S-sorry.. gusto lang naman kasi namin maging masaya ka.Pero sabi mo naman happy ka,ok sige na masaya na rin kami." Saad nito.

"Asus' ang dramatic queen ng buhol." yumakap naman sakin si Renalyn.

"Hay naku' buti na lang talaga love ka namin." Nakiyakap na rin si Eva."Pero Len ayusin lang talaga ng asawa mo,dahil may balang nakalaan talaga sa kanya." Pagbabanta parin nito. At naramdaman kong palihim itong sinasaway ng dalawa na tumahimik na.

"Pano ba yan? Pwedi bang lumipat na lang ako dito? Iiwan na ako ni Len eh,mag Isa na lang ako sa apartment." Nalulungkot na Sabi ni Sandra,kami Kasi magkasama habang si Renalyn at Eva naman ang magkasama sa apartment na'to.

"Sus' takot ka lang mag-isa kasi takot ka sa multo." Pang-aasar ni Eva pero totoo yon,takot si Sandra sa multo.

"Uo na,hindi ko ipag kakaila yon." Maktol ni Sandra at inirapan nito si Eva na tumawa lang.

Nag paalam ako sa kanila dahil mamayang gabi na kami aalis ni Alexis tumawag kasi ito sakin at uuwi na daw kami ng bayan nila sa San.Domingo.

Nauwi pa kami sa iyakan ng mga kaibigan ko na akala mo napakalayo ng pupuntahan ko,samantalang sa Laguna lang naman yon.At bago ako tuloyang umalis tinulongan ko muna si Sandra mag hakot ng gamit nya patungo kila Renalyn.

*********

SWEET LIESWhere stories live. Discover now