PROLOGUE

212 9 11
                                        


Napalabas ako ng sariling silid ng makarinig ng sunod-sunod na putok at hindi pa ako nakakalayo ng biglang may malamig na bagay na nakatutok ngayon sa likod ng aking ulo,kahit hindi ko ito lingonin alam kong baril yon.Pinakalma ko muna ang sarili upang makaisip ng paraan.Napapamura ako ng palihim dahil panong may nakasakay na masasamang tao sa sarili kong yate kung halos ng taong magiging tauhan ko dumadaan sa matinding pagsusuri.

"Katapusan mona Alexis." Nanigas ang buo kong katawan ng marinig ang boses na yon at bigla na lang itong lumabas mula sa kung saan.May baril itong hawak at nakatuon sakin yon.Tinitigan ko sya diretso sa mata at kitang-kita ko yong galit na nakaguhit roon."Na surprise ka ba?" Humalakhak ito.Napitingin ako sa karagatan na kumikislap-kislap pa dahil sa liwanag ng buwan."Oh? Tila nararamdaman mona ang dagat sayong balat?" Muli itong humalakhak."Don't worry Alexis,malalasap mona ang karagatan,dahil ito na ang huling oras mo,huling hinga mo,huling dilat ng mga mata mo at higit sa lahat ito na ang huli nating pagkikita!" Malakas ang boses na bulyaw nito sakin at nag echo pa yon sa tahimik na karagatan.Hindi ko naiwasang kabahan dahil puro kadilima lang ang natatanaw ko.Ito na nga siguro ang katapusan ko pero ng sumagi sa isip ko ang maamong mukha ng babaeng pinakamamahal ko tila may sakit na gumuhit saking dibdib.Masasaktan ng subra si Grandma dahil sa pag kawala ko.

"Anong gusto mo Brandon? Pera ba? Magkano?" Kausap dito at nagbabakasakaling makumbinsi ko sya.

"Anong gusto ko?" Nag igting ang kanyang mga bagang."Ang mamatay ka! Uo gusto ko ng pera pero mas malaki pa ang makukuha ko oras na tapusin kita!" Lumapit pa ito sakin."Limang taon akong nag paka-alila sayo! Limang taon Alexis na parang asong sumusunod sa lahat ng nais mo! Limang taong naging tao-taohan mo! Para lang masakatuparan ang plano na'to! At ngayon? Ito na.. ito na!!" Nag pakawala ito ng isang putok at nanlaki ang mga mata ko ng sa dibdib ko ito tumama.Ramdam ko yong sakit at kitang-kita ko yong dugo saking palad na nakasapo saking dibdib."Mamatay kana!!" Bago nya pa ako tamaan ulit siniko ko yong lalaking nasa likod ko at nagmamadaling tumalon sa karagatan.Hindi ko Alam kung tama ba itong naiisip ko pero sinunod ko lang yong bulong ng isipan ko.Halos Hindi ko maigalaw ang mga kamay dahil sa sakit na nararamdaman ko Mula sa kaliwang dibdib,ramdam ko ang unti-unting pag lubog habang nakakainom na ng tubig dagat.Taimtim na lang akong nanalangin bago mawalan ng ulirat.

A/N

Guys nais ko lang po ipaalam na naka un-publish po pang samantala yong story kong on going,inaayos ko po kasi sya. Kaya naisipan ko munang i-publish itong mga story ko na matagal ng nkatago😅 iwan ko lng kung magustohan nyo.😂

****BUOD****

Kahit syam na buwan pa lang na kasintahan ni Cathleen si Alexis hindi na sya nagpakipot pa ng yayain sya nitong pakasalan "I will" agad ang naging sagot nya at halos mag umapaw ang saya sa kanyang puso.Matapos ang kasal umowi sila sa bayan nito.At isang araw biglang nagbago ang mundo nya ng malaman nyang impostor pala ang Alexis na kanyang pinakasalan at halos tumalon  ang kanyang puso ng makaharap nya ang tunay na Alexis.Laking gulat nya ng pamag-alamang isa itong lesbian hindi kasi halata dahil sa lakas ng  dating ng pangangatawan nito pati narin ang ka-gwapohang taglay na lalo pang pinatingkad ng kanyang buhok na abot balikat ang haba,pero ubod naman ito ng suplado at halos patayin nya ako ng malamang kasal sakin ang pangalan nya.Gusto kong maglaho,lumubog na lang basta at dahil sa takot inalok ko ito ng divorce na tinanggihan nya na pinagtaka ko naman.At nangilabot ako ng ngumiti ito habang nag-babaga ang mga tingin sakin.

Anong buhay kaya ang aking mararanasan sa piling ng damuhong ito at anong paraan ang maari kong gawin upang makawala dito.

"Paibigin mo sya!" Sigaw ng isip ko na agad kong winakli.

"No! Pano---kung ako ang mahulog sa kanya? Jusko Lord wag naman sana."

SWEET LIESTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang