This wasn't his burden to carry.

I wouldn't do that to him.

Today was the day. Lalabas iyong resulta ng BAR exam. I was waiting in front of the Supreme Court. I got flowers with me. Parang tanga. Kasi pinangako namin ni Jax dati na sabay naming aabangan iyong resulta.

Ang tanga kong umaasa na maaalala niya pa iyon.

Pagkatapos ng lahat ng nangyari? Ni hindi niya ako magawang tignan.

Naka-tanaw ako mula sa malayo. Nagsimulang magdagsaan iyong mga tao nang lumabas na iyong resulta. Tahimik akong nag-abang. Yuchengco. Mamaya ko pa makikita iyong pangalan niya.

I was quietly waiting for his name to appear when my eyes automatically drifted to him. Like they were trained to look for him... but my heart throbbed when I saw him with someone else.

He was smiling.

He looked... fine.

He looked whole; I felt broken.

I deserved this. I asked for this. Okay lang naman. Okay lang na ako basta 'wag siya. Gusto kong magpaliwanag, pero alam ko na hindi siya makikinig. Sarado na iyong isip niya pagdating sa akin.

I hurt him so badly. He wouldn't even look at me.

6598. Yuchengco, Juan Alexandro Castillano

Kita ng mga mata ko kung paano siya niyakap nung kasama niya. Mabilis na lumabo iyong paningin ko. Humigpit ang kapit ko sa bulaklak na dala ko.

Pero ang kapal ng mukha ko. Mabilis kong pinahid iyong luha ko. Nagawa kong lumapit sa kanya. Kita ko iyong paglaho ng ngiti sa mukha niya nang makita niya ako.

I slapped a smile on my face. "Congrats," I said, handing him the flowers. I promised him before that I'd give him flowers when he passed the BAR. I intended to keep my word. Kahit ito lang. Kahit sa dami ng pangako namin sa isa't-isa, kahit ito man lang matupad ko.

His eyes mirrored the anger that he felt. He wouldn't accept the flowers. Natatakot akong tuluyang tumulo iyong luha mula sa mga mata ko.

"Tanggapin mo naman," pilit kong sabi habang inaabot sa kanya iyong mga bulaklak. Pilit akong ngumiti na para bang kayang pigilan noon iyong pagbabadya ng luhang kumawala.

The girl he was with looked at me. She had pity in her eyes. Tama siya. Nakakaawa naman talaga ko. She quietly excused herself. 

Hindi ko maialis iyong tingin ko sa kanya. Gusto kong abutin iyong mukha niya at hawakan. Gusto kong magmakaawa. Ulit. Paulit-ulit. Baka magbago iyong isip niya. Baka tanggapin niya ako.

"Ang lapit mo... pero parang ang layo mo pa rin..." mahinang bulong ko. "Tanggapin mo na lang 'to... Aalis na ako pagkatapos," pagpapatuloy ko. Hindi pa rin siya gumalaw. "Congrats. Lawyer ka na."

He wouldn't say a word, but his stares were enough to say all the words that remained unspoken.

"I told you to never appear before me."

His words.

Sharp as knives.

They plunged into the deepest part of my heart.

"I just want to give you these," I said, still handing him the flowers. Pinilit ko ang sarili ko na maging matatag. Kahit sa harap niya lang. Dahil alam ko na sa oras na mag-isa na naman ako, mararamdaman ko lahat ng sakit. Madudurog na naman ako. Paulit-ulit. Hanggang gustuhin ko na lang na mawala.

Play The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon