Chapter Twenty-One

2.3K 48 6
                                    

Alas otso pa lamang ng umaga ay narito na ako sa labas ng gate para hintayin si Luke at Francya na dumating. Napayakap ako sa 'king sarili nang biglang umihip ang isang malamig na hangin sa direksyon ko. Nagdesisyon na akong tawagan si Francya dahil kanina pa ako naghihintay rito. Nang sinagot ni Francya ang tawag ko ay binungad ko kaagad siya ng isang tanong.

“Nasaan ka na? Ba't sobrang tagal mo?” bagot kong tanong.

“Maghintay ka muna ng kaunti malapit na 'ko. Sige papatayin ko na 'tong tawag, nagdadrive pa ako gaga,” sabi niya mula sa kabilang linya.

Hindi ko na nagawa pang tumugon sa kanyang sinabi dahil pinatay niya na ang tawag. Tinawagan ko na rin si Luke pero ang loko hindi man lang ako sinagot. Kaya minsan para akong mamatay sa pag-alala sa lokong 'yon dahil kapag gusto lang niya kasi siya sumasagot ng mga tawag.

Naghintay ulit ako ng mga ilang minuto.

Nakahinga ako ng maluwag nang masilayan ko na ang kanilang kotse. Magkasunod na dumating ang kotse ni Luke at Francya. Iyong kulay pulang mercedes na nasa unahan ay ang kotse ni Francya, ang kay Luke naman ay iyong kulay gray na nasa likuran ng kotse ni Francya.

Magkasabay nilang itinigil ang kanilang kotse sa tapat ng gate at sabay rin silang lumabas mula sa kani kanilang kotse. Nilakad nila ang distansiya namin. Unang lumapit sa 'kin si Francya na may nakaplastar na ngiti sa labi at binigyan ako ng yakap.

“Mabuti naman at nakarating kayo rito ng ligtas,” bulong ko kay Francya. “Pero ba't ang tagal mo?” reklamo ko.

“Kahit kailan reklamadora ka pa rin.”

Bumitaw na sa yakap si Francya kaya bumitaw na rin ako. Bumaling kay Luke ay tingin ko. As usual nandoon pa rin ang masungit niyang mukha, walang nagbago as in wala. Nasa kanyang bulsa ang dalawa niyang mga kamay.  Salubong ang kilay na nakatingin siya sa 'min ni Francya. Parang isa sa mga miyembro ata ng angry bird 'tong si Luke.

Nilapitan ko siya at ningitian pero si loko inisnob lang ako kaya binigyan ko siya ng isang malutong na batok. Kailan kaya mawawala ang pagiging masungit ng Luke na 'to? Sana dumating ang araw na magiging mala anghel ang kanyang ugali pero charot lang mabait naman 'yan, kapag tulog nga lang.

He groaned.

“Isang napakalutong na batok ang bagay sa mga taong masusungit na tulad mo,” wika ko.
Napairap ako ng inismaran niya lang ako.

“Ipasok niyo na nga lang 'yang mga kotse ninyo sa garahe.”

Pumasok sila ulit sa kani kanilang mga kotse. Binuksan naman ng mga taga bantay ang gate.

Nang tapos na nilang ipasok sa garahe ang kanilang kotse ko na ay pinaanyayahan ko na silang dalawa na pumasok sa mansion. Nauna ako sa paglalakad para gabayan silang dalawa sa daan. Habang naglalakad ay muntik na akong matapilok nang lumapit sa 'kin si Francya at ikinawit ang kanyang kamay sa 'king braso. Nakakunot ang noo na tinignan ko siya.

“Problema mo?” inis kong tanong kay Francya. Si Luke ay tahimik lang na nakasunod sa 'ming dalawa ni Francya. Tinuon ko kaagad ang atensiyon ko sa nilalakaran namin baka kasi tuluyan na talaga akong matapilok.

“Wala. Hindi ba p'wedeng maglambing?”

“Kahit hindi mo sabihin sa akin ng diretso alam kong may kailangan ka,” sabi ko sa sarkastikong boses.

“Iyong lalaking nasa likod ba natin ang tinutukoy mong pinsan?”

Nagtatakang napatingin ako sa kanya. “Oo, bakit? Anong mayr'on?”

Love Me BackWhere stories live. Discover now